vii

1040 Words
NAGISING si Denis na masakit ang ulo. Sapo ang ulo na bumangon siya sa pagkakahiga at umalis sa kama. Inilibot ang tingin ng mapansin nasa loob siya ng kwarto at nakitang iba na ang suot. Kaagad na nagsalubong ang kilay niya. Paano ako nakauwi? Sino ang nagpalit sa ‘kin ng damit? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Naguguluhang ipinalibot niya ang tingin sa kabuohan ng kwarto na kinaruruonan niya habang inaalala ang nangyari nang gabi ngunit walang pumapasok sa isip niya. Basta, ang natatandaan niya ay ang sunod-sunod na pagpasok ng alak. Sunod-sunod na napabuntong-hinga si Denis, pumasok sa banyo at nilinis ang sarili. Tatawagan niya na lang ang kaibigan ng malaman ang nangyari—hinihiling na SANA, hindi ang taong na sa isipan niya ang nag-asikaso. IBINIBA ni Shei ang hawak na tasa habang katuon ang atensyon sa binabasa. Mataas na ang sikat ng araw, nag-umpisa na ang lahat sa kanikanilang mga buhay pero ang magaling niyang amo ay kanina pa humihilik sa kwarto. Bumuga siya ng hangin bago pinagkrus ang hita. Naalala ‘t maliwanag sa isipan niya ang sinabi ng lalaki ng ihatid siya nito kagabi. ‘Magpahinga ka agad’ pero saan ang pahinga? Wala siyang maayos na tulog, hindi na rin siya makapagpahinga ng maayos dahil nagising na siya’t anong oras na rin natapos. Itinaas ang tingin ng marinig ang iilang yapak palapit sa kaniya. At gising na ang magling amo ni Shei na sapo ang ulo. “Good morning, sir! Nakapagpahinga ka ba ng maayos?” Sarkastikong tanong niya dito bago Ibinababa ang hawak na tasa. “Mukhang maayos at masarap ang tulog sa lakas ng hilik mo.” Sandaling pinakatitigan siya ni Denis bago dumiretso ng lakad papunta sa kusina na hindi pinapansin ang tanong niya. Iiling-iling niya itong sinundan, kinuha ang gamot at inabot sa binata. “Here, nangmawala kahit papaano ang sakit ng ulo mo.” Kahit papaano ay may awa pa siya dito. “Hindi na ako iinom ulit.” “May hang-over ka lang kaya mo nasasabi ‘yan pero mamaya—sa susunod na araw siguradong lasing ka na naman.” Pambabara ni Shei sa binata. “Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses mo na sinabi ‘yan—teka, nabilang mo ba?” Hindi mawala ang sarkastikong tono na tanong niya. “Shei.” May pagbabantang usal ni Denis. Masakit na ang ulo niya, pinipikon pa siya ng sekretarya. “Paano mo nalaman—” Humaba ang nguso ni Shei saka kinuha ang iilang putahe na niluto. “Tumawag si Kayde kagabi para ipasundo kayong tatlo.” Kibit balikat niyang sagot. “Sa susunod, huwag ka magpabida sa inuman kung hindi mo kaya. May pag-‘Pahinga ka ng maaga’ ka pang nalalaman pero wala pang anim na oras nambubulabog ka na.” Tumirik ang mata niya. Bumuga ng hangin si Denis saka naupo sa hapagkainan. “Hindi na mauulit. Pasensya na.” “Sabi mo eh.” Walang buhay na sagot niyaa saka inilapag ang pagkain sa harapan ni Denis. “At hindi ako tumatanggap ng pasensya, kailangan ko ng pera. Nasa sampung oras rin ‘yon. Tignan mo, wala pa akong tulog.” Sabay turo sa mata. Tumaas ang tingin ni Denis sa kaniya, naniningkit ang mata na tinitigan siya ng direkta. “Ganyan naman talaga ang mata mo.” komento nito. “Dahil ‘yon kaya ano pa ang hinihintay mo?” Inilahad niya ang kamay sa harapan ni Denis. “Akin na ang bayad mo.” “Ang galing mo rin mangotong—” Nagdidikit ang kilay na reklamo ni Denis. “Hindi kotong ‘yon, sir. Ang tawag doon ay part time. Nakita mo naman, pinagtrabahuan ko, safe ka ngayon pati na ang mga kaibigan mo saka,” tinuro niya ang pagkain. “pinaghandaan pa kita ng pagkain.” “Fine! Fine! Fine!” Pagsuko ni Denis. Wala rin siyang magagawa kundi bigyan ang dalaga, hindi siya titigilan nito at paulit-ulit na ipapaalala ang ginawa nito na walang bayad. “Saan ka magpupunta?” Kumunot ang noo ni Shei ng tumayo ang binata. “Kukunin ang wallet. Baka pabayaran mo pa ang pagkuha kung ikaw ang uutusan ko.” “Oh! Okay, take your time.” Malapad ang ngiti na tugon ni Shei habang pagtuloy sa paghahanda ng pagkain sa mesa. Samantala, walang magawa si Denis kundi ang bumalik sa kwarto at kumuha ng pera. Walang narinig na kahit anong reklamo si Shei ng i-abot sa kaniya ng binata ang wallet nito na mas lalong ikinatuwa niya. “Nga pala, malapit na maubos ang laman ng ref mo mukhang kailangan mo na mamalengke.” Suhestiyon niya. “Hindi na.” Kukuha na lang ako sa grocery ni Kayde. Nevermind na sa walang katupusan na pagbato at pagmumura nito. "Salamat sa sweldo, sir!" Masayang usal ni Shei ng i-abot sa kaniya ang makakapal na tag-iisang libo. "You're the best! Kahit ilang beses ka uminom, kahit humandusay ka sa kalsada, andito ako willing asikasuhin ka." dagdag pa niya. "Kung ganon, hindi mo na itutuloy ang leave mo?" Umaasang tanong ni Denis. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang sandaling bakasyon ng dalaga kasama ang ibang lalaki. Sa apat na taon, walang nagtangka na lumapit kay Shei, bukod sa palihim niya itong binabakuran sa trabaho ay ginagawa rin niya ang lahat para manatiling abala upang wala ng oras na humanap pa ng iba. Ngunit, iba ngayon. Sa apat na taon, ngayong lang ito kumuha ng leave na pinagbantaan siya at para lang nakasama ang lalaking darating na minsan ay hindi nito na banggit sa kaniya. "No." Mabilis na sagot ni Shei saka tinapik ang balikat niya. Mabilis na umasim ang mukha ni Denis sa naging sagot nito at umingos. "Hindi na mauulit 'yan, wala na akong pera." "Hindi ako naniniwala." Komento nito. "Saan?" Nagdidikit ang kilay na tanong niya. "Sa hindi ka na uulit at wala ka ng pera." Samantala, malapad naman ang ngiti ni Shei sa labi. Tumirik ang mata ni Denis, nag-umpisa ang pagkain habang nagpaalam ng uuwi si Shei sa apartment nito. "Fnck. Ang sakit na ng ulo ko sa alak, dagdagan pa ng iisipin kung sino ang lalaking 'yan!" Inis niyang reklamo bago nilunok ang huling laman ng kutsara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD