vi

1721 Words
Four years passed. Mabilis na lumipas ang oras, marami ang nagbago't umalis pero marami rin ang nanatili sa kabila ng tambak na trabaho. Pabagsak na inilapag ni Shei ang tambak ng documento sa mesa ng amo. Wala takot na makikita sa mata bagkus ay puno ng inis ang mababasa. "So rude, Ms. Brillantes." Komento ni Denis. Itinaas ang tingin sa sekretarya masama ang tingin. "I'm still your boss, you should respect me in any ways. " "Sir, saka na natin problemahin ang respect mas lalo na ang sermon mo." Tugon ni Shei bago isa-isang inilatag ang mga documento. "Kailangan mo ng pirmahan ang lahat ng ito. Lahat na ng palusot ay nasabi ko na, siguro naman mapipirmahan mo na ito ngayong araw." Naningkit ang mata ni Denis, magsasalita pa sana ito ng ilapag niya ang folder. "Sahod ng mga tao, bawal ma-delay kung gusto mo magkaroon pa ng empleyado." saka iniabot ang ballpen na nasa mesa ng amo. "Wala bang sobra 'to?" Tanong nito bago sinulyapan ang papel saka siya muling sinulyapan. "Kung sobra 'yan, sir, sana matagal ka nang nalugi." Tumirik ang mata ni Shei, nakakrus ang dalang braso sa harapan habang nakatingin ng direkta sa lalaki. "Apat na taon na ako ang ng trabaho mo, siguro nga dapat na kitang tanggalin at ako na ang pumalit. Oo nga pala, binawasan ko ang sahod mo total hindi ka naman pumapasok." Years passed. Malapit na rin siya makalbo, ramdam ni Shei na maaga siyang tatanda sa sobrang pangungunsumi sa amo na walang ginawa kundi ang takasan ang trabaho. "What?!" Matapos pirmahan ay tinignan ang nakalagay sa papel. "Bakit mo ginawa 'yon?" "Ikaw tanungin ko, sir. Ilang araw ka nga ulit pumasok sa loob ng isang buwan?" Sarkastikong pagbabalik niya ng tanong. Hindi makaimik si Denis, walang magawa kundi ang ibigay ang folder. Wala siyang mapapala kung makikipagtalo pa sa sekretarya na mainit ang ulo sa kaniya. "Pirmahan mo na lahat, binasa't ginawan ko na iyan ng buod. Nakakahiya naman kasi sa 'yo, boss. Sobrang sipag mo." Nang-aasar na ani Shei bago tumalikod pero bago pa makalabas ng kwarto ay tinignan niya ulit ang lalaki. "Oh, make sure na matapos mo 'yan dahil hindi ka uuwi hanggat di mo natatapos 'yan." "Lahat 'to?!" Nakangiwing tinignan ni Denis ang lahat ng patong-patong na papeles sa mesa. "Hindi ako robot!" "Hindi rin ako robot." Pagbabalik niya sa sinabi nito bago tuluyan lumabas ng pinto. Naiwan si Denis na napapakamot sa sariling batok. Wala na siyang sinahod, tambak pa siya ng trabaho. Sinilip niya si Shei sa labas ng salamin, nagtama ang tingin nila't matamis na ngumiti saka siya inirapan at binalik ang atensyon sa ginagawa. Sunod-sunod siyang napabuga ng marahas na buntong hininga. Hindi niya maalala kung paano siya nalagay sa sitwasyon, mas matapang pa ang secretary niya ngayon. "Nevermind, basta't hindi niya maisipan ang magresign." Isip-isip niya bago inumpisahan pirmahan ang papeles sa harapan. MABILIS na lumipas ang oras, hindi namalayan ni Denis na tanghalian na kung hindi pa pumasok si Shei dala ang take-out na pagkain para sa kaniya. "Here, kumain ka muna." Ani nito inaayos ang pagkain sa mesa. "Kahit gaano karami ang gawain, kailangan mo kumain sa tamang oras." dagdag pa nito. Inilapag niya ang hawak na papel, niluwagan ang necktie at lumapit kay Shei. "Caring as always." "Kailangan. Kung magkasakit ka, dagdag pa sa problema." Usal nito bago iniabot ang utensils sa kaniya. "Bakit hindi mo nalang aminin?" Nag-umpisa siyang sumubo sa pagkain na nakahain. "Hindi naman ako magagalit, hindi tin kita tatanggalin kung malaman kong inlove ka na sa akin." Tinaas niya ang tingin, bumungad ang pokerface na mukha ng dalaga. "Uminom ka ba ng gamot? Mukhang umaatake na ang sakit mo--hangin sa utak." banat nito. Humaba ang nguso ni Denis. Apat na taon ang lumipas pero hindi niya nakita ang dalaga na tumingin sa kaniya na may apeksyon, kung hindi ito tahimik ay umuusok naman ang ilong nito sa galit. "Baby naman." "Iyan ka na naman, kung may makarinig sa iyo baka ano ang isipin nila." Kalmadong suway ng dalaga bago kinuha ang isa sa mga takip ng lalagyan ng pinagkakainan niya't sinaluhan siya. "Tigilan mo rin ang kalalandi sa akin, kadiri at wala kang pag-asa. Ayaw ko sa mga tamad." "Kung magsipag ako?" "Edi salamat." Mabilis na tugon nito saka ipinatong ang likod sa sofa. "Kung manguari 'yon, sa wakas ay makakapagpahinga na ako. Makakatulog ng walong oras sa isang araw, hindi magkukumahog sa pagpasok, at walang stress sa buhay ko." "Sa pananalita mo, parang ang sama kong boss." "Ay hindi ba?" Pasaring nito. Tamad siyang tinignan diretso sa mata. "Kung hindi ako nangako sa 'yo dati ay baka matagal na akong nagresign. Oo nga pala, bago ko makalimutan, kailangan mo pumasok sa susunod na buwan." "Bakit?" Kunot noong tanong ni Denis. "Anong bakit? Malamang, may trabaho dito. Tsaka magleleave ako. Sa apat na taon kong nagtratrabaho sa 'yo, hindi mo manlang ako pinagpahinga at araw-araw binibigyan ng sakit ng ulo." Inis na sagot ni Shei saka sunod-sunod na bumuga ng hangin. "Tsaka, tigilan mo na rin ang pag-ubos sa ref ni Kayde, maawa ka." Hindi na mabilang ni Shei kung ilang beses siya tinawagan ni Kayde. Katulad niya ay lagi itong naghihimutok sa galit dahil sa pagiging pataygutom ni Denis, hindi lang si Kayde ang nagrereklamon kundi ang dalawa niya pang kaibigan na madalas mabudol. Naawa na lang siya kay Kayde, maski siya ay hindi niya lubos maisip kung paano natiis nito ang maging kaibigan ang amo niya. Don't make me wrong, mabait si Denis. Galante pagdating sa trabaho pero galante din sa paggawa ng sakit sa ulo. Dinaig pa ang pataygutom pagkasama ang kaibigan, akala mo'y namumulubi, at maski barya ay iniiyakan sa tuwing hindi nababayaran ng kaibigan. "Tinawagan ka na naman niya?" Inis na tanong ni Denis sa kaniya bago binababa ang hawak na utensils. "Ano pa ang sinabi niya?" Tinignan niya 'to. "Sinabi niya na hanggang ngayon ay siki ka pa rin ng site na 'yon. Hindi niya kailangan sabihin, lingid sa kaalaman ko ang pagigibg hayok mo sa laman. Tell me, ubos na ba ang condom?" Kaswal na tugon niya. Habang hinihintay ang sagot, dumapo ang tingin niya sa namumulang tenga ng binata. "Bakit parang hindi ka na nahihiyang kausapin ako patungkol sa bagay na 'yan? And Ms. Brillantes, wag mong kalimutan na amo mo ako. Pwede kitang tanggalin sa pambabastos mo." pananakot nito. Poker face. "Pwede naman, tanggalin mo 'ko. Ikalulugod ko 'yon." Tumitirik ang matang usal niya. "Tsaka, ngayon ka pa nahiya kung kelan apat na taon na ako ang pinagbobook ng hotel, pinag-aayos, at pinagbili ng proteksyon na ginagamit mo. Wow! Nice!" Sarkastikong dagdag niya. Mas lalong hindi nakaimik si Denis sa lahat ng sinabi niya. He's guilty. "Oo na, oo na, panalo ka na." Pagsuko niya bago inubos ang natitirang tubig sa mesa. "Anyway, nabanggit mo ang pagleleave. Himala ata?" Pag-iiba nito ng usapan. Tumango si Shei. "Yeah, kailangan talaga at hindi mo 'ko mapipigilan. But dont worry, tatapusin ko ang lahat ng trabaho bago umalis." seryosong usal niya pinapapak ang natira sa mesa. "Hindi naman 'yan tungkol sa lalako 'di ba?" Napatigil si Shei sa pagsubo, nakakunot ang noo na nilingon ang binata. "Hindi maman diba?" Nagkibit balikat si Shei, tumayo't isa-isang niligpit ang pinagkainan sa mesa. Parehas silang tahimik, walang may gustong umimik. Natapos ang usapan nila sa isang tanong na alam ang sagot. Naikuyom ni Denis ang kamao, nagdidilim ang aura sa paligid niya't umiinit ang ulo. Inis na bumalik sa mesa, tinignan ang nakatambak na papel. Hindi na dapat siya pumasok. "Old one. Eight tonight." Basa niya sa mensahe ni Denrik sa groupchat nilang apat. Masama ang mukha na tinapos ang kailangan pirmahan, hindi napansin ang oras, at madilim na sa labas. Ang empleyado ay isa-isa na rin nag-uuwian. Nang lumabas siya ng opisina, dumirekta ang mata niya sa dalaga. Maayos at malinis na ang mesa nito't habang naghihintay sa kaniya. Hinubad niya ang suit at ipinatong ito sa balikat ni Shei. "S-sir, tapos ka na?" Tanong ng dalaga na naalimpungatan sa ginawa niya. "Hindi pa." Masama ang loob at nagtatampo ang tono ng tugon niya. "Magpahinga ka muna, ihahatid na kita. Hintayin mo na 'kong matapos, kaunti nalang din iyon." anito. "H-hindi na, magcocommute na din ako." Tanggi nito. "Mas matatagalan ka lang, rush hour at walang masakyan. Magpapakapagod ka lang." Payo niya saka ginulo ang ulo ng dalaga. "H'wag na makulit at hintayin mo nalang ako." Walang magawa si Shei kundi ang tumango, muling inub-ob ang ulo saka pinagpatuloy ang pag-idlip. Nagmamadali na tinapos ni Denis ang papeles na naiwan sa mesa. At nagmamadaling inayos ang gamit niya. Inihatid niya si Shei hanggang sa harap ng apartment, ibinigay ang tinake-out na pagkain habang tulog ito sa byahe. "Ingat ka, sir." Ani Shei. Tumango ang binata. "Magpahinga ka na kaagad." Tumango si Shei at muling nagpaalam sa isa't isa. Pumasok siya sa aparmtent ng mawala sa paningin niya ang sasakyan ng binata. Katulad ng sinabi ni Denis, maaga siyang nagpahinga. Tila lahat ng pagod niya sa buong lingo ay ngayon niya lang naramdaman. Malamig ang buong kwarto, masarap ang tulog ni Shei. Nang malakas na nagring ang cellphone na gumising sa kaniya. "Kayde, siguraduhin mo na importante 'to." Pagbabanta niya sa kaibigan ng boss. "They're drunk." Dalawang salita, at sunod-sunod siyang napabuntong hininga. Kailan nga ba niya aasahan na magkakaroon siya ng maayos at mahabang pahinga sa maloko niyang amo. Nagmamadali na inayos ang sarili, dala ang sasakyan na bigay ni Denis noong ika-tatlong taon niya sa kompanya. Nakarating siya sa bar kung saan naroroon ang apat na sakit sa ulo. "Kung hindi lang siya mataas magpasahod baka matagal na akong nag-resign sa kumag na 'to." reklamo nya bago tinaas ang tingin sa binata. "Ikaw, hindi ka na ba sasabay? Mukhang may tama ka na." aniya ng mapansin na namumungay ang mata ni Kayde. "Hindi na, unahun mo na lang sila." Tanggi nito habang nagsasalin ng alak sa baso. Iiling-iling na tumango siya. Sa tulong ng mga bouncer ay nailagay niya sa sasakyan ang tatlo. At isa-isang hinatid sa mga bahay nito. Buong lakas na tinulak ni Shei ang binata sa kama at may masama na tingin. "Magpahinga pala ng maaga ah?" Inis na usal niya. Masamaman ang mukha, nilinis niya pa rin ang binata. Hindi niya matiis ang kupal na amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD