Huminga ako ng malalim habang sumusunod kay Braeden naglalakad papunta sa kan'yang condo. Nakasuot siya ng black cap, black sunglasses, black pants at white polo shirt at naka rubber shoes na kulay puti. Sobrang attractive niya.
Nakasunod lang ako sa kan'ya at hindi nagpapahalata na kasama niya ako ngayon dahil madaming tao ang nakakasalubong namin at kahit anong tago niya nakikilala pa rin siya kaya pala ayaw din niyang magkita kami sa pinuntahan namin kagabi ni Naya.
Successful naman kaming nakarating sa condo niya na walang pagdududa na kasama niya ako. Binuksan niya ang pinto at pinauna naman niya akong pinapasok. Bumungad sa akin ang amoy ng citrus ng condo niya. Ang sarap ng amoy at amoy luxury talaga. Narinig ko ang pagsara niya ng pinto.
"Have a seat," aniya at nauna na itong naglakad papunta sa may living room niya kaya agad akong sumunod sa kan'ya. Black and white ang kulay ng condo niya at sobrang ganda. Tumitingin-tingin ako sa paligid ko dahil baka biglang lumabas ang girlfriend niya.
"I'm the only one living here," mahinahon niyang saad kaya napatingin ako sa kan'ya at ngumiti sabay tango. "Have a seat."
Inilahad niya ang kamay niya na nakaturo sa black couch na nasa likod ko. Naupo rin naman siya sa isang single chair na kaharap ng kinauupuan ko ngayon.
Naalala ko ang point ko kaya ako nakipagkita sa kan'ya kaya mabilis kong inabot ang hawak kong itim na paper bag. "Here. Thanks for lending it to me."
Ngumiti siya ng matamis na parang tinutunaw ako. "Keep it."
Nagtataka ko siyang tinanggal. "N-no, ibabalik ko sa'yo ito kaya nakipagkita ako sa'yo ngayon."
"Just keep it. That's yours, I'm giving it to you."
"R-really?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kan'ya habang nanlalaki pa rin ang mga mata ko.
Binibigay niya sa akin itong mamahalin niyang coat? Really?
"Of course. I will buy you a brand new one next time." Ngumiti siya sabay ayos niya sa kan'yang buhok.
Hoy! Parang napapa-cute siya, ehe! Joke asa na naman ako nito.
Ngumiti habang umiling-iling. "It's okay, Braeden. You don't have to." Tinaas ko ang paper bag na hawak ko. "Thank you so much!"
"Don't mention it."
Tumunog ang cellphone ko at mabilis kong kinalkal iyon sa hand bag ko para patayin ang tawag. Si Naya ang tumatawag sa akin kaya napatingin ako kay Braeden na nakatingin din sa akin. Awkward akong natawa at in-slide ang daliri ko sa cellphone ko para patayin ang call nang hindi ito tiningnan.
Inayos ko ang upo ko. "By the way, why did you agree to meet with me? You can say that I'll just keep your coat. I wasted your time," I said concerned.
Huminga siya ng malalim. "Actually, I want to see you."
Butterflies! Mamumula na naman ang pisngi ko nito dapat pala everytime na makikipagkita ako kay Braeden, hindi na ako gagamit ng blush on. Bumilis pa ang t***k ng puso ko.
"I want to offer you something but if you don't want it, that's okay." Ngumiti siya.
Nagbago ang ihip ng hangin. Parang 'yong bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kilig ay tila ba'y na palitan ng kaba. Hindi ko alam pero iba 'yong feeling ko ngayon. He wants to see me dahil may offer siya, so anong offer 'yong sinasabi niya?
Tinupi ko ang labi ko pero binalik ko rin kaagad. "What is it?"
Tumingin siya sa akin ng diretso. Nagpatama ang mga mata namin sa isa't isa. Ang warm ng mga mata niyang nakatingin sa akin.
"I don't know if it's right for me to offer you this." He took a deep breath. "Can you be my contracted girlfriend? I just want to make my girlfriend jealous. She's cold towards me, I just want her to come back to me, but if it's not okay with you, it's okay."
W-what? Gusto niya akong contracted girlfriend para pagselosin ang girlfriend niya? Gusto niya maging fake girlfriend para bumalik siya sa kan'ya? He's going to use me? Kaya naman pala gusto niya akong makita dahil dito. Naudlot pa 'yong pagkakilig ko kanina ah, hindi man lang pinatagal ng konti ni Braeden.
Tumingin ako sa kan'ya at tinaas niya ang kilay niya na hinihintay ang isasagot ko. "Look, if you're uncomfortable about that offer, just say it. Hindi naman kita pipilitin."
"Let me think about it," sambit ko.
Tumango siya. "Okay, sure. Take your time. I'll just get something from the kitchen."
Ngumiti ako. "Sure."
When he stood up, I let out a deep breath. Hindi ko alam ang isasagot ko, hindi ko alam kung papayag ba ako. Crush na crush ko siya, at matagal ko nang gusto siyang makasama at makausap, ito na ba ang chance? Kahit na gagamitin niya ako para maging okay lang sila ulit ng girlfriend niya? Mukhang ako pa yata ang magiging dahilan para maging okay sila. Should I just accept it?
Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis kong binuksan ang bag ko para kunin ang cellphone ko. Nakita ko na 5 minutes nang ka-call ko si Naya nang hindi ko alam. Gulat akong pinatay ang tawag at pumunta sa messages para makita ang text sa akin ni Naya.
Go for it! This is your chance, Kylie! Matagal mo nang gusto si Braeden, ito na ang chance mo para mas mapalapit ka sa kan'ya. Malay natin habang tumatagal, magkagusto na rin siya sa'yo since mag-a-act kayo biglang couple. NARINIG KO LAHAT NG USAPAN NINYO AT IYAN ANG MASASABI KO.
From: Naya
Tinago ko na muli ang cellphone ko sa aking bag. Ito na ba ang senyales na dapat ko na nga bang tanggapin ang offer niya? Mukhang tama naman ang naiisip ko pati si Naya, ito na ang chance ko para mas mapalapit kay Braeden. Hindi naman ako umaasa na magugustuhan niya ako, ang sa akin lang gusto ko lang mapalapit sa kan'ya at maging girlfriend niya kahit saglit lang at maranasan ko na maging boyfriend siya. Okay na sa akin 'yon. At paano nga ba kasi ako makakatanggi? Si Braeden Powell 'yon e!
Napatingin ako sa kan'ya nang mapansin ko itong bumabalik na sa living room. May hawak na siyang isang kulay itim na tray na may nakalagay na isang baso ng lemonade juice at berries and cream crepes. Bigla akong na gutom.
Binaba niya ito sa salamin na lamesa harap namin. "Eat first."
Ngumiti ako ng matamis, kasing tamis ng dala niya. "Thank you!"
Kahit na gusto ko nang tikman ang nilagay niya sa lamesa, pinigilan ko ang sarili ko. Tiningnan ko siya ng diretso katulad nang pagtingin niya sa kanina. Nakaupo na siya ulit sa harap ko at nakatingin din sa akin.
"I accepted your offer. I will be your contracted girlfriend." Ngumiti ako.
Bakas sa mukha niya ang tuwa at halos hindi makapaniwala. "R-really?"
Tumango ako habang nakangiti pa rin.
"Thank you so much, Kylie. Just tell me what you want and I will give you everything," masigla niyang sambit.
"You don't have to. I also want to help you, so that things may get back to normal for you and your partner."
Totoo... gagawin ko ito para tulungan din siya pero ang main reason ko talaga ay 'yong mas mapalapit sa kan'ya at maranasan na maging girlfriend niya. Alam ko naman ang limit ko.
"Thank you so much!" Masigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Kinagulat ko nang bigla niya akong yakapin.
Sh*t! Paano ako magiging focus nito kung ganito siya ka-clingy? Hays, ang sarap lang niyang yumakap. Hug me more!
Parang na bitin pa ako nang kumalas siya sa pagkakayakap. Pumunta siya sa isang kuwarto, hindi ko alam kung anong meron doon at ilang segundo lang din lumabas siya na may hawak na papel at isang ballpen.
"Read it before you sign." Maalaga niyang inabot ang papel at ballpen sa akin.
Napagtanto ko na isa itong kontrata sa pagiging contracted girlfriend niya. Binasa ko ito ng maigi at okay naman kaya agad din akong pumirma. Magiging fake girlfriend niya ako hangga't hindi pa rin sila nagiging okay ng girlfriend niya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito pero ito na ang chance ko kaya susulitin ko talaga.
Nakangiti kong inabot sa kan'ya at nakangiti rin niya itong kinuha sa akin. I can say na sobrang tuwa niya sa pagpayag ko. Curious lang ako sa isang bagay kaya ito na rin 'yong time para tanungin siya.
"Can I ask you something?"
"Sure," sagot niya habang busy ito sa paglalagay ng kontrata sa isang malinis na brown envelope.
"Why did you offer it to me?" curious kong tanong.
"Simple lang, I have trust in you even though we only met twice and talked once but only for a moment, but you gained my trust right away... Hindi ako basta basta nagtitiwala sa iba pero iba kasi 'yong dating mo, hindi ko alam kung bakit," kalmado niyang sagot habang nakatingin sa akin ng seryoso.
Uminit na naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Pinagkakatiwalaan niya ako? My gosh! Na-speechless ako kaya tumango na lang ako at ngumiti ng matamis. Kilig na kilig ako ngayon pero pinipigilan ko lang talagang ipakita sa kan'ya at ipahalata.
Simula ngayong gabi, isa na akong ganap na fake girlfriend ni Braeden Powell na hindi puwedeng malaman ng iba..