Huminga ako ng malalim nang makalabas na ako ng bahay at hahakbang na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko kaya agad akong napalingon. Bumungad sa akin si Naya na naniningkit ang mga mata.
"Where are you going?" tanong nito.
"May date ako!" bulalas ko at pilit na inaalis ang kamay niya sa braso ko.
"D-date? Imposible!"
"Fine! Magkikita kami ni Braeden ngayon dahil ibabalik ko sa kan'ya ang coat niya." Tinaas ko ang hawak kong kulay itim na paper bag.
"M-magkikita kayo?" gulat niyang tanong. "Iba na 'yan ha!"
"Ibabalik ko lang 'to."
Ngumiti siya na may kahulugan. "Para-paraan, Kylie!" Tumawa siya ng malakas dahilan para samaan ko siya ng tingin.
"Totoo naman. Ibabalik ko 'yong coat niya." Inikot ko ang mga mata ko.
"For what?"
"Anong for what? Malamang sa kan'ya 'to, duh! Bitawan mo na ako at aalis na ako hinahanap na ako ni Baby Braeden," kinikilig kong sambit.
Mabilis naman niya akong binitawan. "Okay, mag-iingat ka! Message me later."
"Masusunod po." Mabilis akong naglakad papalayo sa kan'ya at naglakad pa ng kaonti at doon nag-abang ng taxi.
5 pm na at ang usapan namin ay 5:30 pm. Magkikita kami ngayon kung saan kami nagkita kagabi pero ang sabi niya ay kailangan niyang mag-disguise para walang makakita sa kan'ya.
Ring... ring...
Agad kong tiningnan ang cellphone ko na hawak ko. Hindi ko pala na-turn off 'yong internet ko. Nakita ko ang picture ni Braeden at ang pangalan niya na dahilan para makaramdam ako ng butterflies. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis kong sinagot ang tawag niya kahit na medyo kinakabahan ako na may halong tuwa.
"H-hello?" nauutal kong sagot.
F*ck! I can't believe this. Tinawagan ako ng isang sikat, magaling at gwapong basketball player na crush na crush ko?
"Kylie, right?"
OMG! His cold voice that can freeze me.
"Yes." Ngumiti ako kahit medyo kinakabahan.
"Is it okay if we just meet at my condo?"
"Y-your condo?"
"Yes, if it's okay, but if not, you're not comfortable, that's okay too."
Sandali akong napaisip habang napakagat sa lower lip ko. Bakit naman kaya sa condo niya kami mismo gustong magkita?
"Ummm... mukhang mahihirapan akong mag-disguise, so I thought we'd just meet at my condo?" patanong niyang saad.
"Sure, pero hindi ko alam kung saan." Awkward akong napangiti at napakamot sa ulo.
Tumawa siya na nakapagpangiti sa akin ng sobra. "Oh, right, I forgot. I'll pick you up at your house."
"H-hindi na. Nakakahiya pupunta ka pa rito. What if magkita na lang tayo kung saan tayo nagkita kagabi?"
"Sure," tipid niyang sagot.
"Take care, I'll message you when I get there."
"You take care too," kalmado niyang saad.
Parang ayaw ko pa ngang patayin ang tawag at parang gusto ko pa siyang makausap hanggang sa magkita kami, pero in the end, siya na rin ang nagpatay ng call kaya nilagay ko na ang cellphone ko sa hand bag ko. Sakto naman na may dumaan na taxi at huminto sa harap ko kaya agad na akong sumakay.
To be honest, kinakabahan ako ngayon dahil magkikita kami ni Braeden. Hindi ko alam kung anong ire-react ko o anong unang sasabihin ko kapag nagkita na ulit kami. Sikat siya kaya nahihiya rin ako sa kan'ya.
Just be yourself, Kylie.
Nandito na ako ngayon sa pinuntahan namin kagabi ni Naya. Hinihintay ko si Braeden at hindi ko rin alam kung anong kulay ng kotse niya kaya kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag para i-message ito.
Beep!
Gulat akong napatingin sa harap ko. Hindi pa ako nakakapag-type kahit isang letter, ganito na agad ang nangyari. Napatingin lang ako sa kulay puti na sedan, I can say na luxury ito. Habang pinagmamasdan ko ang kotse, biglang bumaba ang bintana sa driver seat kaya mas tinuon ko ang atensyon doon.
Dahan-dahan ang pagbaba ng bintana at umabot lang hanggang sa mata ng nakasakay. Nakasuot siya ng sunglasses at dahil sa buhok niya, napagtanto ko na si Braeden na nga ito. Binaba niya ng kaonti ang sunglasses niya at sumenyas na pumasok na ako sa kan'yang kotse. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis na sumakay sa likod ng kotse niya.
Tumawa siya ng mahina habang nakatingin siya sa rear mirror ng kotse niya. "Really?"
Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin kaya tinaas ko na lamang ang kilay ko. "What do you mean?"
Tinaas din niya ang kilay niya at tumingin sa passenger seat habang nakangiti. Agad kong na gets ang senyas niya kaya awkward akong tumawa habang palabas ng kotse niya.
Nang makasakay na ako sa passenger seat nakangiti pa rin ako na may halong hiya at tumingin sa kan'ya. "I'm so sorry."
"It's okay," sagot nito habang nakatingin sa akin.
Iniwas ko rin kaagad ang tingin ko sa kan'ya dahil mas nahiya ako ngayon sa ginawa ko. Nag mukha pa siyang driver sa ginawa kong pagsakay sa likod ng kotse niya. Nakakahiya 'yon!
"Is it really okay?" tanong niya. Tumingin siya sa akin saglit bago muling tinuon ang atensyon sa daan.
"To meet at your condo? Of course." Matamis akong ngumiti.
"Thank you," aniya habang nakangiti.
Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kan'ya habang nagda-drive ito. Side view niya ang kitang-kita ko. Sobrang tangos ng ilong niya, 'yong kissable lips niya na ang glossy pa. Mahaba rin ang pilikmata niya. Napaka mestizo niya at may makapal na kilay.
Nang mapansin kong paharap siya sa akin agad kong iniwas ang tingin ko at tinupi ang labi ko. Halata nga yata niya ako! Well, sino ba ang hindi? Ang tagal ko ba naman siyang tingnan tapos nakangiti pa ako na parang nababaliw, hays.
Pasimple ko naman siyang tiningnan makalipas ang isang minuto. Inikot ko lang ng kaonti ang ulo ko at ang mata ko ang tanging humarap sa kan'ya. Hindi na ito nakatingin sa akin at natanaw ko ang screen sa kotse niya. Nakita ko doon ang mga tinawagan niya. 'Babe'... ito yata ang girlfriend niya. May ilang missed calls siya at may isa namang call na sagot at umabot lang ng tatlong minuto ang pag-uusap nito. Ang linaw ng mata ko ngayon pagdating sa ganito.
Muli ko siyang tiningnan at focus na muli ito sa pagda-drive. Inayos ko na lamang ang upo at pinagmamasdan ang view sa labas. Totoo nga na may girlfriend siya, pero wala naman akong karapatan para magselos e. Kailangan ko siyang suportahan pati na rin sa love life niya. I'm just his fan not a girlfriend o asawa na dapat ikaselos ang nakita ko.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa condo niya. Nandito kami ngayon sa parking lot at wala naman tao ni isa na nandito pero punong-puno ito ng mga magaganda at mahahalin na kotse. Mukhang mayayaman ang mga nandidito.
Kinukuha ni Braeden ang mga gamit niya na nasa likod na mga upuan. Amoy na amoy ko ang manly niyang amoy na kayang magpalaglag ng panty ng mga babae, hoy! Pilit kong binubuksan ang pinto pero hindi ko mabuksan. Nahihiya at kinakabahan ako kaya gusto ko na rin lumabas ng kotse niya.
"Bakit ayaw mabuksan?" bulong na tanong ko sa sarili habang pilit pa rin itong binubuksan.
"Let's go," aniya dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko.
Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti. "Y-yes."
Nang makita kong binuksan na niya ang pinto sa driver seat, mabilis ko naman tinuloy ang ginagawa kong pagbukas ng pinto. Bakit ba ayaw bumukas? Ngayon pang kasama ko si Braeden. Nakakahiya! Kahit anong gawin kong pagbukas ayaw talagang bumukas e ilang beses ko nang pinilit pero ayaw pa rin talaga. Naiinis na ako ah. Ano ba ang kailangan gawin?
"Let me help you."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses niya kaya natigilan ako sa pagbukas ng pinto pero ang kamay ko ay nasa may pangbuksan pa rin ng pinto ng kotse niya. Para akong naging statue. Mas kinagulat ko nang makita ko na lumapit siya sa akin at ang mukha niya ay nasa tapat ko at sobrang lapit lang ng mukha namin sa isa't isa.
I heard the sound of the door lock being opened, which made me look at it. Binaba ko ang tingin ko sa kamay kong nakahawak sa may pagbuksanan ng pinto dahil ramdam ko na ang kamay niya doon. Sh*t! His hand rested on mine. His palm was warm. Hawak niya ang kamay ko habang binubuksan ang pinto. D*mn!
Nahihiya akong tumingin sa kan'ya at ngumiti ng kaonti. "S-sorry, I forgot that I had to unlock it to open the door."
Mahina niyang tinapik ang ulo ko habang nakangiti ng matamis. "It's okay, no need to explain."
Ngumiti na lang din ako bago tuluyan lumabas ng kotse niya. Sa sobrang kaba ko hindi ko na naisip na kailangan ko palang i-unlock, hays. Hindi ko alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko kay Braeden sa mga epic na nagawa ko ngayon. Kailangan ko lang talaga maging focus at stay calm. Bakit ba kasi ako kinakabahan?