Chapter 5 Let's meet

1481 Words
Para na akong baliw na nakangiti habang masayang naglalakad at hawak-hawak ang dulo ng coat ni Braeden na suot suot ko ngayon. Hindi ako nag-abalang pansinin ang mga sasabihin ng mga tao basta ako, masaya dahil nasa akin ang coat ni Braeden. "Anong nangyayari diyan?" nagtatakang tanong ni Steven kay Naya nang makarating na kami sa restaurant. Hindi ko pa rin sila pinapansin at gano'n pa rin ang hitsura at action ko. Masyado na akong nahuhumaling kay Braeden. Parang ilang linggo pa yata bago maalis ang pagkakilig ko sa ginawa niya ngayong gabi. Sinusundan niya ba ako? Joke! Assuming ko naman. "Hay naku! Paano kasi 'yang suot suot niyang coat e galing sa crush na crush niya, alam mo na 'yon kung sino ang tinutukoy ko, right?" sagot naman ni Naya. "It's Braeden Powell." Bakas sa boses niya na seryoso na itong sinabi. Bigla akong bumalik sa diwa ko dahil sa tono ng boses ni Steven at matalim ko siyang tiningnan. "Bakit ba sa tuwing nababanggit mo ang pangalan ni Braeden gan'yan ang tono ng boses mo?" Nagkibitbalikat siya at tumingin kay Naya at balik tingin din sa akin. "What do you mean, Kylie? Ganito naman talaga ako magsalit." Awkward siyang natawa. "Sus!" Tinapik ko ang braso niya. "Hindi naman. Pag si Braeden na ang pinag-uusapan nag-iiba ang hitsura mo. Ano bang meron?" "Huh? What are you talking about?" natatawa niyang tanong. Alam ko kasing may mali kaya ngayon ko lang din ito natanong sa kan'ya. "Bakit mo pa ba tinatanong? Malamang nagseselos siya!" Mapang-asar na tumawa si Naya habang tinitingnan Steven. Tumingin sa kan'ya si Steven na hindi makapaniwala. "Nonsense." Umiling-iling ito. Agad naman siyang inakbayan ni Naya. "Joke lang 'to naman! Lika na baka hindi mo na kami ilibre." Tiningnan ako ni Steven. "Let's go." Tumango naman ako at sumunod na sa kanila ni Naya. Hindi ko talaga maintindihan itong si Steven e, pero hahayaan ko na lang din katulad ng mga nakaraan na araw. Naupo na kami sa square na upuan. Katabi ko si Naya at habang si Steven naman ay katapat ko. Sobrang fancy talaga ng restaurant na ito at sobrang komportable. Um-order na kami ng kakainin namin at sagot naman lahat iyon ni Steven. Si Steven ay kababata namin ni Naya at mayaman ito, magaling siyang model at sikat. "By the way, bakit ang late mong dumating? Sabi mo 7pm pero dumating ka na nang 7:15," ani ko bago uminom ng malamig na tubig. "Actually, kanina pa ako nandito. Nagkita kami ng pinsan ko, dito rin sa restaurant na ito." Tumatango-tango ako. "Kailan ba namin mame-meet ang pinsan mo?" tanong ni Naya habang nagbe-beautiful eyes kay Steven at nakapatong ang dalawang kamay sa kan'yang baba. Tumingin muna siya sa akin bago tumingin kay Naya. "I don't know. Wala rin akong balak na ipakilala siya sa inyo," natatawa niyang sagot. Sumama ang tingin sa kan'ya ni Naya. "Ang damot mo ah! Baka naman kasi puwede mo kaming ipakilala ni Kylie at baka malay mo, isa sa amin maging boyfriend siya, hoy!" kinikilig na sambit niya. Hinarap ko ang palad ko sa kan'ya habang nakangiti ng kaonti at umiling-iling. "No no no! Kay Braeden lang talaga ako." "Hoy! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sa tingin mo ba may chance ka sa kan'ya?" "Hello? Bakit naman hindi?" "Hello rin? Baka nakakalimutan mong may girlfriend na siya." Winawagayway ni Naya ang kamay niya sa harap ko. "That's right. Braeden already have a girlfriend. At saka, porket ba may picture kayo at binigauy niya sa'yo ang coat niya dahil nilalamig ka, ibigsabihin ba no'n may chance ka na sa kan'ya?" natatawa at nakakaasar na tanong ni Steven. Matalim ko silang tiningnan. "Alam niyo, panira kayong dalawa! Hindi ba puwedeng suportahan niyo man lang ako sa magiging delusional ko?" Tinaas ni Steven ang isa niyang daliri at ginalaw-galaw ito. "Ops! No way, para maiba naman, hindi ka na muna namin susuportahan diyan." Nakipag-apir naman sa kan'ya si Naya. "Tama tama!" "Nganga kayong dalawa kapag nagkaroon ako ng chance sa kan'ya ah!" inis kong sambit. Sabay silang nagkibitbalikat. Aangal pa sana ako nang dumating na ang in-order namin. Pinagtutulungan talaga ako ng dalawang 'to e. Mamaya lang talaga sa akin si Naya. Gutom na ako kaya kakain na talaga ako. "Thank you sa libre, Steven!" nakangiti kong sambit bago kinuha ang kutsara at tinidor na nasa gilid ng plato ko. "Don't mention it," aniya habang nakangiti. Tuluyan na nga kaming kumain at dahil masarap nang mga pagkain dito, mabilis lang din namin naubos at um-order ulit, lalo na si Naya. MAKALIPAS ang isang oras, natapos na kaming kumain at palabas na kami ngayon ng restaurant. "Ihatid ko na kayo," sambit ni Steven. "Sige," nakangiti kong sagot. "Dala ko kotse ko." Tinaas ni Naya ang susi ng kotse niya. "Oo nga pala! Nakalimutan ko! Ano ba 'yan kumain lang ako nakalimutan ko na," awkward kong sagot. "Ikaw? Dala mo ba kotse mo?" tanong sa akin ni Steven. Umiling ako. "Hindi." Tumingin siya kay Naya. "I'll take her home." Dahan-dahan na ngumiti si Naya na parang may meaning kaya masama ko siyang tiningnan. "Sure! Take her home kahit na nasa iisang bahay lang naman kami," natatawa niyang sagot. "Oh right." Napakamot siya sa ulo. "Oo nga pala. Edi sabay na kayo." "May dadaanan pa kasi ako, kaya ihatid mo na si Kylie alam kong inaantok na 'yan kasi busog." "As if naman may dadaanan. Titingin ka na naman sa mga gwapo e." Naningkit ang mga mata ko. "Shh! Hindi 'no! Sige na, umuwi ka na magpahatid ka na kay Steven." "Fine. Ingat ka! Umuwi ka rin kaaga ah!" "Yes, Ma'am Kylie!" Winawagayway niya ang kamay niya at sumakay na siya sa kotse niya. "Tara?" Tumango ako. Gusto ko na rin naman nang umuwi dahil maaga pa kami bukas dahil work ulit. Tama rin si Naya dahil inaantok na rin ako kaya pumayag na rin ako na ihatid ako ni Steven. Habang nagda-drive siya, may tumawag sa kan'ya at dahil naka-connect ang cellphone niya sa kotse niya. Nakita ko ang pangalan ng tumatawag at iyon ay si 'Brae'. Hindi ko kilala 'yan. Agad siyang tumingin sa akin nang makita niya na may tumatawag sa kan'ya kaya nagtataka akong napatingin dito. Para siyang nagulat at hindi ine-expect ang tawag no'ng Brae sa kan'ya. "Hindi mo ba sasagutin?" tanong ko. "O-oh yeah," sagot niya at napatawa. Agad din naman niyang sinagot ang tawag na parang nagdadalawang-isip pa. Anong nangyayari kay Steven ngayon? "Hey! Steven! What took you so long to answer my call?" tanong ng lalaki sa malamig na boses. Para bang pumasok sa isip ko kaagad ang boses niya at na-realize ko na sobrang familiar nito. Parang kaboses niya si Braeden! Hindi ko pinahalata kay Steven na nakikinig ako at kunwari ay hindi ko napansin ang boses ng kausap niya. Hindi rin naman kasi ako sigurado kong sino 'yon pero kaboses niya si Braeden my love. "I'm sorry, I'm driving. Bakit ka napatawag?" "Are you going to grandma's house tonight? I'm already here with other family members." Kaboses talaga niya si Braeden! "Yes, I'll be there in 15 minutes. I'll just drop off my friend and I'll go straight there," sagot niya habang nakatingin ng diretso sa daan. "Okay." Pinatay na ng kausap niya ang tawag. Napatingin ako kay Steven at napatingin din siya sa akin kaya ngumiti naman ako. "Ummm... puwede namang ibaba mo na ako rito at maghihintay na lang ako ng taxi," nakangiti kong saad. Umiling siya. "Ang sabi ko kanina, ihahatid kita, right?" "May pupuntahan ka pa kasi baka kanina ka pa nila hinihintay." Ngumiti siya. "Kararating lang ng mga 'yon at saka 8:20 pm palang naman. Ang usapan namin, before 9." Nagkibitbalikat ako. "Okay." Sinandal ko na muli ang ulo ko sa upuan at pumikit ng kaonti, pero bakit parang naririnig ko pa rin ang boses ni Braeden hanggang ngayon. Hindi talaga ako nagkakamali na magkaboses sila ng kausap ni Steven kanina, pero pwede rin na kaboses lang talaga niya? Hays ewan. "Thank you! Ingat ka sa pagda-drive!" nakangiti kong paalala kay Steven nang makababa na ako sa kotse niya. Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay. "Yes, I will!" Matamis siyang ngumiti. Hinintay ko na muna siyang makaalis bago pumasok sa bahay. Nang hindi ko na matanaw ang kotse niya, pumasok na kaagad ako at kinuha ang cellphone ko sa aking bag. Hello, Braeden! Sorry if I messaged you again. I just want to give your coat back. Can we meet tomorrow? Ito ang message ko kay Braeden. Syempre ibabalik ko ito, hindi naman niya ito binigay sa akin dahil pahiram lang naman ito dahil nilalamig ako kanina. Hindi pa ako nagsho-shower at hinihintay ang sagot ni Braeden. Ilang minuto ang nakalipas nag-reply na ito sa akin. Sure. OMG! May pa smiling face pa at kinagulat ko pa nang may heart emoji pa! Pinapakilig na naman niya ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD