Palabas na kami ngayon ng kompanya. Nagmamadali na ngang lumabas si Naya at todo hila pa ito sa akin.
"Hindi naman halata na excited ka, 'no?" naiirita kong saad.
Tumigil siya at tiningnan ako. "Nagugutom na ako at gusto ko na ulit matikman ang libre ni Steven." Muli siyang naglakad at hinila ako.
Wala na nga akong nagawa kundi ang sumunod sa kan'ya. "Baka nakakalimutan mo na 7pm pa ang usapan natin?"
"I know, okay? May pupuntahan pa naman tayo bago pumunta sa restaurant na sinasabi ni Steven e, kaya 'wag ka nang magsalita diyan at sumunod ka na lang sa akin," sagot niya habang hindi siya lumilingon sa akin.
"Saan naman?" walang gana kong tanong.
Huminto siya muli at tiningnan ako. "Hindi ba kasasabi ko lang na huwag ka na magsalita at sumunod ka na lang?"
"Fine," ani ko habang tinitingnan siya ng boring.
Sumakay na kami sa kotse niya. Ilang beses ko siyang kinukulit para malaman kung saan ba niya ako planong ipunta pero wala akong nakukuhang matinong sagot mula sa kan'ya kaya nanahimik na lamang ako at kinuha ang cellphone ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa aking nakita at nabasa. Agad akong tumingin kay Naya at napansin naman niya ito.
"Ano na naman ba? Tahimik ka na kanina ah. Huwag mo na kasing alamin pa kung saan tayo pupunta—"
"May girlfriend si Braeden." Pagputol ko sa sinasabi niya.
"W-what?!" Gulat din siyang tumingin sa akin saglit. Hindi rin niya inaasahan iyon. "May girlfriend siya? Naku! Mukhang ito na ang oras para tigilan mo na si Braeden." May habol pa siyang pang-aasar.
"Even though may girlfriend na siya, idol ko pa rin siya at hindi magbabago 'yon. Crush ko pa rin siya at saka hindi ko naman hinahangad na maging girlfriend niya," mahinahon kong sagot.
"Talaga ba, Kylie? Kilala kita! Gustong-gusto mo si Braeden at alam kong na-hurt ka dahil sa nalaman mo," nakangiti niyang sambit. Mukhang masaya pa 'tong na-hurt ako ah!
"Oo na, oo na! Nasaktan ako pero okay lang 'yon wala naman akong karapatan para pagbawalan siyang mag-girlfriend o mag-demand. Buhay naman niya 'yon e magiging masaya na lang ako at susuportahan siya." Matamis akong ngumiti.
Tiningnan niya naman ako na may halong pang-aasar. Hindi ako masyadong nainis sa nalaman ko about kay Braeden e, mas nainis ako sa inaasta nitong babaeng ito.
"Alam mo, Naya, ang sarap mong kurutin." Bakas sa tono ng pananalita ko ang inis.
"Alam mo, Kylie, manahimik ka na lang diyan at huwag masyadong dinidibdib ang nalaman mo na may girlfriend na si Braeden," pang-aasar niya muli.
Inikot ko na lamang ang mga mata ko sa kan'ya. Ayaw ko nang makipagsagutan dahil puro pang-aasar lang naman ang makukuha ko. Sinandal ko na lamang ang ulo ko.
May nakita akong litrato na may kasama si Braeden na babae. Hindi naman gano'n katanggad, siguro hanggang bibig siya ni Braeden, hindi gano'n kaputi at blonde ang buhok. Ang litrato nila ay nakuhanan sa isang restaurant din at sa picture na 'yon, nag-confirm na ang kasama ni Braeden na babae doon ay ang girlfriend niya at isang tao na rin pala sila. Ngayon lang lumabas ang balita na 'yon at mukha ngang tinago nila ito ng isang taon.
Ilang minuto pa ang nakalipas nakarating na kami sa sinasabi ni Naya. Nag-park siya at agad din kaming lumabas ng kotse. Madilim na rin at napapalibutan ito ng malalaking building. Ang ganda pa ng view dahil mailaw at madami ring tao na nandidito. Nasa harap namin ang isang malaking mall at ang mga stores dito ay mga mamahalin madami rin sasakyan na mamahalin. Nasa gilid lang din naman kami ng kalsada.
"Anong gagawin natin dito? Pupunta ka ba ng mall?" tanong ko habang nakatingin sa mall.
"Nope," tipid niyang sagot.
"E ano?" Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Let's just stay here dahil maghahanap ako ng pogi para naman mabusog ulit ng mga mata ko," masigla niyang sagot.
"H-huh? Pumunta tayo rito para tumingin ng mga gwapo?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kan'ya.
"Exactly! At saka malapit lang naman dito 'yong restaurant na pupuntahan natin e. Ilang saglit na lang pupunta na rin tayo doon pero for now, dito muna tayo." Ngumiti siya ng matamis.
Hindi ko talaga alam kay Naya at gustong-gusto makakita ng gwapo at talagang pumunta pa kami rito. Well, kababa ko lang naman ng kotse kanina nakakita na agad ako na parang model pero hinayaan ko lang dahil loyal ako kay Braeden, hoy! Hindi kami pero loyal na agad.
Totoo nga ang sinasab ni Naya, madami nga talagang dumadaan na gwapong mga lalaki rito. Mga mukhang mamahalin din sila. Dalawang beses naman na kaming pumunta sa restaurant pero hindi pa ako nakakapunta rito, ewan ko lang kay Naya. Nakakapunta ako rito dahil kay Steven.
Tiningnan ko si Naya at iyong ngiti niya ay umaabot na hanggang tenga niya. Busog na busog nga talaga ang mga mata nito. Tumingin ako sa direksyon na tiningnan niya at nakita ko kaagad ang tatlong lalaking naka-suot nang leather jacket, yong dalawa ay black at ang isa naman ay brown. Mga gwapo nga! Nakatayo rin sila at parang may hinihintay.
Pumunta ako sa likod ni Naya sabay hawak ko sa braso niya at tinulak ito papunta sa may bandang gilid na ng kalsada.
"Oh ayan! Diyan ka! Para mas malapitan mo silang makita," ani ko.
"Thanks sis," sagot niya habang hindi ito nakatingin sa akin.
Umiling-iling na lang ako habang nakangiti. "Doon lang ako sa dulo hihintayin ko mag-seven o hanggang sa magsawa ka kakatingin ng mga gwapo diyan."
Hindi niya ako sinagot at talagang busy na ito, kaya naman ay umatras na ako at tumayo sa gilid sabay sandal. Habang nakatulala, unti-unti kong nararamdaman ang lamig. Pinagkiskis ko na ang palad ko para idampi sa mukha ko o sa anong part ng katawan ko dahil sa lamig.
Pinuntahan ko si Naya. "Nilalamig ako."
Tiningnan niya ako ng mataray. "Ayan kasi! Bakit kasi iniwan mo 'yong coat mo sa kompanya?"
"Correction, hindi ko naiwan, okay? Nakalimutan ko kakamadali mo," mataray ko ring sagot.
"Bakit kasi hindi mo pa sinuot no'ng alam mong malapit na ang oras ng labas natin?"
Kahit kailan talaga laging may sagot si Naya.
"Argh! Pahiram ako ng coat mo," pagmamakaawa ko.
Ngumiti siya. "No way."
"Sige na! Nilalamig na ako!" pagpupumilit ko.
"Paano naman ako? Nilalamig din ako ano. Kung malaki lang itong coat ko baka siniksik na kita rito," sagot niya.
Nag-pout ako. "Ikaw kasi e."
"Sorry." Ngumiti siya sabay nag-peace sign.
Nanahimik ako sandali at nang busy na muli siyang maghanap ng mga gwapo. Mabilis at pilit kong hinuhubad ang suot niyang coat.
"Anong ginagawa mo, Kylie?" Gulat niya akong tiningnan.
"Pahiram na kasi. Hindi ko talaga kaya ang lamig ngayon promise." Tiningnan ko siya ng diretso.
"Parehas lang tayo." Nangasim ang mukha niya.
"Please? Sige na! Lamig na lamig na talaga ako," pagmamakaawa ko habang pilit pa rin hinuhubad ang suot na brown coat ni Naya.
"Here. Wear it," rinig kong sambit ng isang sobrang familiar na boses.
Naramdaman ko ang pagpatong niya nito sa balikat ko at mabilis ko rin naman iyon hinawakan para hindi malaglag. Isang kulay itim na coat at sobrang bango as in. Iyong amoy lalaki talaga, sobrang manly.
Agad akong lumingon sa likod ko at nakita si Braeden na nakangiti sa akin ng matamis nang ibubuka ko palang ang bibig ko bigla niyang nilagay ang kamay niya sa labi niya senyales na huwag akong mag-ingay o magsalita kaya napatango na lamang ako habang kinikilig at gulat pa rin sa pangyayari.
Tinalikuran na rin niya ako at nagsimula na siya muling maglakad kasama ang dalawang lalaki na naka-formal attire. Hindi ko alam kung sino mga iyon, kung anong connection nila kay Braeden. Nanatili akong pinapanood sila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
Ang mas iniisip ko ngayon 'yong pagpatong niya sa akin ng coat niya. Sobra akong kinilig ah! Hindi ko akalain na magkikita kami ngayon dito at iniwan niya pa sa akin ang coat niya na ang sarap amuyin at komportable. Mas hinawakan ko pa ito ng mahigpit hanggang sa isuot ko na, malaki sa akin pero okay lang dahil galing naman ito kay Braeden at nilalamig na rin talaga ako.
"Hoy! Kanina pa kita tinatawag," inis na saad ni Naya.
Bumalik ang diwa ko at agad siyang tiningnan. "Ano ba 'yon? Kita mong ine-enjoy ko 'yong nangyayari e."
"S-si Braeden ba talaga 'yon?" Bakas sa mukha niya na hindi rin siya makapaniwala.
"Oo!" Sa kilig ko lumaki ang mga mata ko.
"Akin nga, pasuot." Hinawakan niya ang coat na galing kay Braeden pero mabilis akong umiwas.
Ngumisi ako. "Hmm! No way!"
"Damot, Kylie ah!"
Inilabas ko ang dila ko para mas maasar siya. "Sige na, mag-focus ka na diyan. Dito na lang ako ulit sa gilid."
Iniwan ko na siya muli at bumalik sa puwesto ko. Hindi ko maalis ang kamay ko sa coat na suot ko dahil paano ko naman maaalis 'di ba? Galing sa crush na crush ko ito tapos siya pa nagpatanong sa balikat ko. Para na nga akong baliw dahil bigla bigla na lamang akong ngumingiti habang iniikot ng kaonti ang beywang ko sa kaliwa at kanan na direksyon na para bang sumasayaw ng kaonti.