Chapter 3 New CEO

1859 Words
Nakangiti akong gumising habang iniisip ang nangyari kagabi pero mabilis din nabawi ang ngiti ko sa labi ko nang mapag-isip ko na baka panaginip lang ang lahat kagabi kaya mabilis akong bumangon at kinuha ang cellphone ko sa gilid ko. Mabilis kong pinuntahan ang messages namin ni Braeden sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil iniisip ko na baka panaginip lang 'yon at ang akala ko ay natupad ko na ang pinapangarap ko pero hindi pala. Dahan-dahan akong napangiti nang makita ko na totoo ang lahat nangyari kagabi. Muli kong binasa ang palitan ng mensahe namin ni Braeden at hanggang ngayon kinikilig pa rin ako, sino ba ang hindi? Makakausap mo ang crush na crush mo? tapos sikat pa? Ay talaga naman, sobrang saya! Hindi ko akalain na kapag pumunta ako sa game nila ganito ang mangyayari, iyon pala ang umpisa ng pag-uusap namin. First time ko manood sa game niya in person pero sobrang solid nang mga nangyari. "I knew it!" rinig kong sambit ni Naya kaya napatingin agad ako sa kan'ya na nakatayo sa may pinto. "Natulog ka ba ng maayos?" Ngumiti ako ng malawak. "Masarap ang tulog ko." "Mabuti naman kung gano'n kaya halika na kumain na tayo, baka nakakalimutan mo may work tayo today?" "I know... bakit ko naman makakalimutan 'yon?" "Baka kasi sa sobrang kilig mo dahil sa nangyari kagabi baka nakalimutan mo nang may trabaho tayo ngayon." Ngumiti siya na may halong pang-aasar. Nakangiti akong tumayo. "Ang ganda ng mood ko ngayon kaya mas lalo akong ginaganahan pumasok." Huminto ako sa harap niya habang nakangiti pa rin bago pumasok sa cr. Nagmadali na talaga akong maligo at lahat ng ginagawa ko tuwing umaga ay ginawa ko na. Pagkatapos ko, mabilis akong umupo sa dining table at nakangiting nakatingin kay Naya na kumakain na ngayon. Tinaas-baba ko ang kilay ko. "Maniniwala ka ba kung sinabi kong magtutuloy-tuloy ang pag-uusap namin ni Braeden?" Binaba niya ang kutsara at tiridor na hawak niya lang kanina at nagkunwaring nag-iisip at ilang sandali lang ay tumingin din siya sa akin. "Ummm... I can't tell. Kung sakali man na magtutuloy-tuloy ang pag-uusap niyong dalawa... it's good! Pero sikat kasi Braeden at malay mo naman may girlfriend siya... maari na last na 'yong pag-uusap niyo kagabi." Ngumiti siya bago hinawakan ang kutsara niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Okay na sana e... pero biglang may bawi sa dulo." Muli niya akong tiningnan ng diretso. "Ask him first kung may girlfriend siya para malaman natin kung anong sagot sa tanong mo." "Hello? Bakit ko naman tatanungin 'yon? Agad-agad? Nakakahiya ano! At saka baka isipin niya na masyado akong interested sa kan'ya," natatawa kong sambit. "Hindi ba?" nakangiti niyang tanong dahilan para samaan ko siya ng tingin. "Okay sige, hayaan na muna natin 'yon. Huwag muna natin alamin kung may girlfriend siya at saka kung meron man lalabas din naman 'yon at maaaring ipakilala na niya ang girlfriend niya sa public." "You have a point," sagot ko habang kumuha ng kanin. Kumain na kami para makapasok na kami sa trabaho. Nasa iisang bahay lang kami ni Naya ngayon dahil napagdesisyunan namin na mag-rent kami na magkasama pa rin. Mag bestfriend kami since bata palang kami at luckily nasa iisang kompanya rin kami nagtatrabaho ngayon. PAGPASOK palang namin ni Naya sa kompanya na pinagtatrabahuhan namin ang dami na namim agad naririnig na bulong-bulungan at dahil hindi ko ma-gets ang sinasabi nila ay pinakinggan ko ng maigi ang pinag-uusapan ng mga katrabaho namin. "May bagong CEO!" sabi ng isang babae na nasa likuran namin. "So, totoo nga ang usap-usapan?" tanong ng isang babae. Nagkatinginan kami ni Naya at dire-diretso na kaming naglakad papunta sa table namin para mas maintindihan namin kung totoo nga ba ang naririnig namin ngayon. Matagal na ang usap-usapan na may darating na bagong CEO. "Good morning!" sabay naming bati ni Naya sa mga kasama namin dito sa amin. "Good morning!" balik bati rin nila sa amin. Anim kaming lahat dito at pag dating namin ay nandito sila at may pinag-uusapan katulad ng mga naririnig naming bulong-bulungan kanina pagpasok palang namin sa kompanya. Naunang lumapit si Clara sa amin ni Naya at sumunod naman si Jasmine, Giselle at si Claire sa kan'ya. Hinihintay namin ang kanilang sasabihin kaya sa kanila lang nakatuon ang atensyon namin. "Iyong bulong-bulungan na may darating na bagong CEO, ay totoo..." saad ni Clara. "T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Naya. "Yes! At ang panganay na anak ng Chairman ang soon to be CEO ng kompanya," sagot ni Clara. "Sabi ng secretary ng Chairman na sobrang pogi raw ng bagong CEO, as in!" masiglang sambit ni Jasmine na napapapikit pa. "Tama 'yan! Sa pagde-describe ni Ms. Lopez sa anak ni Chairman... ang dami nang nag-aabang sa pagdating ng bagong CEO," saad ni Claire. "Kasing guwapo ba 'yan ni Braeden?" kinikilig kong tanong. Lahat ng atensyon nila ay napunta sa akin na kinagulat ko dahil sa kanilang reaksyon na parang napatulala pa sa akin habang si Naya naman ako pabiro akong pinalo sa braso. "Shhh! Bakit mo naman sinisingit si Braeden sa ganitong usapan?" hindi niya makapaniwalang tanong. "Bakit? Nagtatanong lang naman ako." Ngumiti ako ng awkward. "Nakita ko ang post mo ah! Tungkol kay Braeden! Ang suwerte mo dahil nakapagpa-picture ka pa talaga sa kan'ya," nakangiting sabi ni Clara. "Oo nga e! Kinikilig nga ako hanggang ngayon kaya pati ngayon sinisingit ko siya sa usapan natin." Awkward akong napakamot sa ulo ko. "Malay naman natin kasing guwapo nga ni Braeden na matagal mo nang crush!" natatawang sambit ni Giselle. "I'm sure kapag nangyari 'yon... lalo kang gaganahan magtrabaho." "Mas sobrang gaganahan kapag kamukha talaga ni Braeden," natatawa kong sagot. Sabay-sabay naman kaming nagtawanan at nabalik din kaagad ang usapan namin tungkol sa bagong CEO nang ibalik itong pag-usapan ni Claire. "Mabalik tayo sa bagong CEO, kailan daw ba ang pagpunta niya rito?" tanong niya. "Wala pa akong idea tungkol diyan at wala rin akong naririnig kung kailan," sagot ni Giselle. "Ako rin," sagot din ni Claire. "Ang naririnig ko naman na sinasabi ni Ms. Lopez, mas focus pa raw ang magiging bagong CEO sa career na pinakagusto niya kaya hindi pa alam kung kailan niya balak maging CEO," saad ni Jasmine. "Ano raw ba ang pangalan?" tanong ko. Nagkibitbalikat si Jasmine. "Hindi ko rin alam e. Wala pa yatang nakakaalam kung anong pangalan." Tumingin naman ako kila Clara at nagkibitbalikat din sila. Mukhang wala pa ngang nakakaalam kung anong pangalan ng magiging bagong CEO. "T-teka... hindi ba Powell ang apelyido ng chairman? Hindi kaya anak niya si Braeden Powell?" Tumingin sa akin si Naya na parang sumasang-ayon sa sinasabi niya. Natatawa akong tumingin sa kan'ya. "Hindi naman siguro. Baka parehas lang sila ng apelyido pero hindi siya anak ng Chairman." "Pero... possible rin 'yong sinasabi ni Naya," ani Giselle. hey "Puwede rin na hindi," sabi naman ni Claire. Tinaas ko ang kamay ko na nakaharap sa kanila ang palad ko. "Hay naku! Huwag na muna natin isipin 'yan, imposible para sa akin." Tumingin ako sa relo ko. "Ops! 8 am na, tara na at magsimula na magtrabaho." Sabay-sabay din silang tumingin sa kanilang relo kaya bumabalik na sila sa kanya-kanya nilang table. Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang computer na nasa harap ko. Tumahimik na ang lahat at ang tanging pagtitipa na lang namin ang naririnig namin ngayon. Sa kalagitnaan ng pagiging busy ko sa ginagawa ko, tumunog ang cellphone ko pero hindi ko 'yon pinansin ng una pero nang tumunog muli ito ng isa pa, kinalkal ko na ang cellphone ko sa aking bag na nasa table ko lang din. Nakita ko na nag-message sa akin si Steven, ang childhood bestfriend namin ni Naya na isang model. Mabilis ko naman binuksan ang message niya sa akin. Are you busy? Let's have dinner tonight. From: Steven Napaisip ako sandali kung anong gagawin ko mamayang at mukha walang akong maisip, so meaning wala hindi ako busy. To: Steven I'm in! Wala pang isang minuto nag-reply na siya kaagad kaya imbis na ibabalik ko na ang cellphone ko sa bag ko, binasa ko na muna muli ang reply niya. Nice. Sinabihan ko na rin si Naya and she's not replying. From: Steven To: Steve She's busy, but I'm sure sasama siya. Tumingin ako kay Naya na nasa gilid ko na tutok na tutok sa kan'yang ginagawa. Napatingin muli ako sa cellphone ko nang mag-reply muli si Steven. Okay. I'll see you guys later! From: Steven. Napangiti naman ako habang binabalik ang cellphone ko sa bag ko. Hindi na ako nag-abalang mag-reply pa. Tinuloy ko na ang ginagawa ko at madami pa akong kailangan tapusin ngayong araw kaya talagang sinubsob ko ang sarili ko ngayon. LUNCH BREAK NA! Nakatayo na ako sa harap ng table ni Naya. Hinihintay ko siyang matapos sa pagkakalikot ng kan'yang cellphone. Ilang sandali lang ay napatingin na siya sa akin. "Nag-message sa akin si Steven, tinanong niya kung puwede raw ba tayo mamayang gabi," gulat na sabi niya. "Na-late ka na... nakausap ko na siya." Ngumiti siya ng malawak. "I'm in!" masaya niyang sambit habang tina-type ito. Parehas pa kami ng reply kay Steven. After two months makakapag-dinner na ulit kami kasama si Steven. Sobrang busy kasi niya at sa tingin ko ngayong gabi siya may free kaya heto... nagyayaya kumain sa labas at treat niya pa kaya sobrang ganado kami ni Naya ngayon. "Halika na nagugutom na ako." Agad kong hinila si Naya kahit katatayo palang niya. Hindi kasi ako masyadong nakakain ng maayos ng umagahan kanina kaya nagugutom na talaga ako ngayon. Habang kumukuha kami ng pagkain, nagulat ako nang bigla akong tabihan ni Jane na katrabaho rin namin na nakangiti ng malawak. "Hello, Ms. Kylie!" bati niya. "Hello." Ngumiti ako ng matamis. "Nakita ko 'yong pictures niyo ni Braeden Powell kagabi, sobrang sweet niyong tingnan." Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. "S-sweet? Paanong sweet?" "Base kasi sa picture niyo, ang sweet niyong tingnan kahit nakangiti lang kayo. To be honest, sobrang ganda niyong tingnan dalawa... kinikilig nga ako kagabi," nakangiti niyang sambit. "Hay naku, Ms. Jane! Huwag mong sabihin 'yan kay Kylie kasi baka hindi na naman siya makakain ng maayos niyan sa sobrang kilig," ani Naya kaya masama ko siyang tiningnan. "Ang suwerte nga ni Kylie e kasi nakapagpa-picture siya kay Braeden at kung hindi ko lang kilala si Kylie baka naisip kong girlfriend siya ni Braeden," natatawa niyang sagot. Mabilis na tinakpan ni Naya ang tenga ko. "Shhh... huwag mo nang ituloy pa ang sasabihin mo, tingnan mo oh? Namumula na siya nagiging hinog na kamatis na siya." Natawa naman si Jane. "Sige! Enjoy your meal!" "Bye!" Nag-wave pa si Naya sa kan'ya. Mabilis kong tinanggal ang kamay ni Naya na nakatakip sa tenga ko at sama siyang tiningnan. "Kahit kailan talaga... halika na nga!" Hinila ko na siya para kunin na namin ang pagkain namin at umupo sa tabi nila Clara na nauna nang pumunta dito sa cafeteria. Hindi ko lang alam bakit sinasabi nila na ang sweet namin tingnan ni Braeden sa pictures na pinost ko kahit naman nakangiti lang kami at ang dalawang pictures ay nakatinginan habang nakangiti. Ay iyon talaga! The best 'yon! Sobrang kilig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD