Hindi pa rin nababago ang hitsura ko habang naglalakad kami ni Naya palabas ng court nila. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sobrang kilig, hindi ko akalain na mangyayari ito kahit na pinapangarap ko dahil ang akala ko lang ay hanggang tingin na lamang ako sa kan'ya.
"Tara kain tayo, treat ko!" masigla kong sambit.
Ngumiti ng malapad si Naya. "Sure ba?"
"Oo naman, at saka gusto ko rin magpasalamat sa'yo kasi gumawa ka ng paraan para makaupo tayo malapit sa kanila," nakangiti kong sagot.
"Syempre naman, pinapangarap mo 'yon e kaya gumawa talaga ako ng paraan at syempre si Braeden ang mismong tumupad ng paraan mo... pumayag siya na mag-picture kayo at nakausap mo pa kahit saglit lang. Nagdikit pa nga ang mga balat ninyo e, kitang-kita ko kung gaano kapula ang mukha mo and I'm sure kitang-kita niya rin yon," natatawa niyang saad.
"Nakakahiya nga at nakita niya kung paano ako kiligin, hays! Pero okay lang siya naman ang dahilan e." Matamis akong ngumiti.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Tara na! Gutom na ako. Saan ba tayo kakain?"
"Kung saan mo gusto."
"Sure?"
"Sure!"
Masaya kaming sumakay ng taxi. Pumunta kami sa isang fancy restaurant sa hindi kalayuan, mukhang mapapalaban ang nito dahil mamahalin ang mga pagkain dito.
Huminto si Naya at sabay tingin sa akin. "Okay lang ba dito?"
"Oo naman, minsan lang naman ito kaya i-push na natin." Ngumiti ako ng matamis.
Masaya naman niya akong inakbayan habang papasok sa restaurant. Madami na rin ang kumakain dito at halata talaga na mamahalin ang restaurant na ito. Habang hinihintay namin ni Naya ang order namin, tinitingnan ko na muna ang mga pictures namin ni Braeden hindi ko maitatago ang ngiti ko sa labi at ang kilig ko sa mukha ko. Mas napangiti ako nang sobra nang makita ko ang isang litrato namin ni Braeden na nagkatinginan at nakangiti sa isa't isa na para bang masayang couple, oy!
Sa picture na ito, kitang-kita ang ngiti namin sa isa't isa. Napa-genuine lalo na 'yong ngiti niya... Grabe pa 'yong tingin niya, hinding-hindi ko makakalimutan 'yon! Ito 'yong litrato na nagkatinginan kami habang hinihintay si Naya na pumunta sa harap namin.
"Ang galing mong kumuha ng picture ah! Nakuhanan mo pa ito." Agad kong pinakita sa kan'ya ang litrato namin.
Ngumiti siya. "Ako pa ba? Grabe 'yong ko diyan. No'ng tumabi na siya sa'yo parang may spark na e! Kahit ako kinikilig lalo na sa tuwing tumitingin siya sa'yo sabay ngiti... argh!" Hinawakan niya ang dibdib niya. "Nakakakilig!"
Kung siya sobrang kinikilig, paano pa kaya ako?
"This is the best night ever talaga! Sana lang makita ko pa siya ulit."
"Malay mo naman makita mo pa siya one time ngayong gabi bago tayo umuwi," nakangiti niyang sambit.
"I'm hoping, Naya."
Iyong feeling ko kanina habang katabi ko siya at kausap sobrang bilis ng t***k ng puso ko na para akong tumakbo. Grabe ang epekto ng isang Braeden Powell!
Saktong pagdating ng order namin, bumukas ang pinto ng restaurant kaya agad akong napatingin sa direksyon na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad kaagad ang head coach nila at sinubukan ko talagang sumilip sa labas sa paggagalaw ng ulo ko. Nakita ko na may mga ilan pang lalaki sa labas pero di ko lang masyadong makita kung sino.
Sinipa ko ang paa ni Naya. "Look who's coming."
Agad naman siyang tumingin sa may pinto at kitang-kita ko rin ang pagkagulat niya sabay tingin sa akin. "I think, he's here too."
Tumango-tango ako bago tumingin muli sa may pinto at saktong pagtingin ko doon, bumungad si Braeden na inaayos ang kan'yang wavy brown na buhok. Hindi ko alam bakit sobra akong na-a-attract sa tuwing ginagawa niya 'yan. Napaka-hot niyang tingnan. Nakasuot na siya ngayon nga jacket na itim at jogger pants din na itim, hawak-hawak din niya ang kan'yang cellphone.
Umupo sila sa may bandang dulo sa kabilang side at hindi rin siya napatingin sa direksyon namin ni Naya. Kitang-kita ko naman siya dahil umupo siya kung saan nakaharap siya sa table namin. Makaulit ko siyang tinitingnan pero hindi na talaga nagtatama 'yong mga mata namin ngayon.
"Kita mo naman oh, hoping ka lang kanina na sana makita mo pa siya bago tayo umuwi tapos ngayon nasa iisang restaurant pa tayo kumakain," ani Naya.
"Mabuti na lang dito mo napiling kumain!" nakangiti kong sambit.
Ang hirap pigilan ng sarili ko sa pagtingin sa kan'ya. Para bang may magnet na humahatak sa akin para tingnan siya. Pagkatapos namin kumain ni Naya hindi pa rin talaga siya tumitingin sa direksyon namin pero okay lang 'yon since may pinag-uusapan sila kaya hindi na talaga siya nag-abalang tumingin-tingin pa sa paligid niya. Bago kami tumayo kinuhanan ko muna siya ng litrato at masayang lumabas ng restaurant habang nilalagay ang cellphone ko sa bulsa ng aking jacket.
Pag-uwi sa bahay agad kong tiningnan muli ang mga pictures namin habang nakangiti at napagdesisyunan na i-post ito. Sa post kong iyon pinindot ko ang pangalan niya para ma-tag siya at pagkatapos no'n napatulala na naman ako sa kisame namin na nakangiti. Bumalik ang diwa ko nang sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ko kaya mabilis kong binuksan ang notification ko at ang dami na agad nag-heart at nag-comment sa post kong iyon.
"You look together!'" kinikilig kong basa sa isang comment.
"You're so lucky, Kylie!"
"Bakit kinikilig ako sa inyong dalawa ni Brarden? May spark!" basa ko pa sa isang comment.
Madami pang positive comments ang natatanggap ng post ko ito kaya hindi ko maiwasan na sobrang kiligin. Grabe! Bagay daw kami? Hoy 'wag sinasabi sa akin ng masabi 'yan baka mas lalo kong i-push si Braeden. Argh!
"See! Hindi lang ako ang kinikilig kanina dahil pati ang ibang nakakita ng post mo ay kinikilig!" nakangiti sambit ni Naya habang papasok sa kuwarto ko. "Oh ito! Pakinggan mo itong babasahin ko ah? Comment din ito... Baka naman may part two pa sa pictures?"
Napatawa ako. "Hindi ko nga alam kung magkikita pa kami e kaya nga sinulit ko na talaga kanina."
Umupo siya sa kama ko. "Alam mo think positive lang! Makikita mo siya ulit lalo na may picture ka sa kan'ya."
Napatingin ako muli sa cellphone ko nang tumunog ito muli. Nanlaki ang mga mata ko nang mag-heart si Braeden sa post ko. "Oh my gosh! Nag-heart siya!"
"T-talaga?!" Mabilis na lumapit sa akin si Naya para tiningnan ang cellphone ko. "Hala oo nga!"
Umiinit na naman ang pisngi ko sa kilig. Akalain mo 'yon, iyong crush na crush mo nag-heart sa post mo tapos sobrang sikat pa niya, hays! Kinikilig na talaga ako ng sobra!
"Hoy! Grabe na 'to!" sigaw ko sa saya at gulat.
"B-bakit? Ano na naman 'yon? Nag-comment siya?" sunod-sunod na tanong ni Naya.
Muli kong pinindot ang story ni Braeden para ipakita kay Naya. Nag-story lang naman si Braeden ng picture namin na pinost ko. Mas maganda sana kung 'yong pinili niyang picture e 'yong magkaharap kami sa isa't isa. Joke!
"T-totoo ba ang nakikita ko? Nag-story siya ng picture niyo?" Hindi ako makapaniwalang tiningnan ni Naya.
"Kurutin mo ko at kukurutin kita para malaman natin kung talagang totoo ang lahat nang ito," utos ko.
Sabay namin kinurot ang isa't isa at sabay din kaming napaaray. Hindi nga ito panaginip! I'm so happy at kinikilig!
"Masyado ka nang pinapakilig ni Braeden ah? May girlfriend ba siya?"
Nag-pout at sabay kibitbalikat. "Ayan ang hindi ko alam. Wala naman siyang pino-post."
"Baka tinatago?"
"I don't have any idea."
Meron nga bang girlfriend si Braeden?
Mas lalo kong kinapalan ang mukha ko at nag-message ako muli kay Braeden. Lahat ng pictures namin ay sinend ko sa kan'ya at agad din naman niya itong sineen. Omo! Nakita na niya 'yong dati kong messages sa kan'ya! Nakakahiya pero I'm sure nakita na niya iyon hindi ko lang alam na sine-seen niya since hindi niya pa ina-accept ang message request ko no'n pero ngayon accepted na!
Whoa, what a sight that is! I appreciate you sending me the photos. I'll save them.
"Naya!" Niyugyog ko siya gamit ang isa kong kamay habang nakatingin sa cellphone ko. "I can't believe this!"
Agad siyang sumilip sa cellphone ko. "Nagre-reply siya? Talaga naman! Napakagandang gabi para sa'yo kaibigan."
"Sinabi mo pa! Hindi ko rin ine-expect na magre-reply siya sa pag-send ko ng mga photos namin sa kan'ya e. Ang gusto ko lang ma-send sa kan'ya pero sobrang saya dahil nag-reply pa siya." Ngumiti ako ng matamis. "Teka... magre-reply ako."
Sandali akong nag-isip. "Ah! No problem. By the way, I don't expect you to reply to my message to you today. I'm so thrilled!"
"Iyan ang ire-reply mo sa kan'ya?"
"Yes!" Mabilis kong sinend sa kan'ya ang reply ko.
Sinend ko na rin sa kan'ya ang picture na kinuhanan ko sa restaurant at mabilis din niyang pinindot ang heart sa reply ko at sa picture niya.
Were you also at the restaurant earlier where my team and I ate?
Yes, I saw your head coach enter first and I waited for you to enter before I ate to make sure if you were with them.
Oh, I see... I didn't see you.
It's okay as long as I saw you.
Bigla akong natawa sa reply ko sa message niya.
I'm going to rest now, you too. Bye! Nice to meet you.
"Nice to meet you too! Take care always, Braeden," sabi ko habang tina-type ang reply ko sa kan'ya. Nag-heart na lang ito at hindi na nag-reply.
Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyayari ngayon. Para lang akong nananaginip at sana nga ay magtuloy-tuloy ang pag-uusap namin ni Braeden. Magiging saya talaga ako kahit magkaibigan lang kami. Hoping na sana dumating ang araw na 'yon.