Tumingin ako kay Naya at binigyan naman niya ako ng nagtataka na tingin. "Gustong makipag-meet sa akin ni Braeden." Pasimple akong ngumiti. "T-talaga?! Ulit?!" hindi niya makapaniwalang tanong sa akin. "Mukhang iba na 'yan ah!" "Hay naku, Naya! Huwag mo nga akong pinapaasa. Baka naman kasi gusto niyang makipag-meet sa akin para talagang mapaniwala ang mga public na ako girlfriend niya ako at talagang magselos si Nicole para naman bumalik na siya sa kan'ya," sabi ko kahit na may pagka-bitter ako ngayon. Binigyan niya ako ng nakakalokong tingin. "Akala mo ba hindi ko mapapansin 'yang bitterness mo ah! Selos ka naman!" Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Wala akong karapatan." Umalis na ako kaagad kahit na rinig na ring ko ang malakas niyang tawa. Kahit kailan talaga ang hilig nito ma

