"Aroo! Sa tingin ko may na halikan ka!" pang-aasar si Naya. Masama ko siyang tiningnan. "Ano na naman pinagsasabi mo diyan?" "E nakatulala ka diyan e habang hawak-hawak pa ang lower lip mo! Ano ba? Sinuko mo na ba ang first kiss mo?" Nakapamewang siyang nakatingin sa akin. "Paano kung sinabi ko, oo?" Pinalo niya ang braso ko. "Aray!" "Bakit?! Akala ko ba isusuko lang 'yan kapag kinasal ka sa taong mahal mo?" "Dapat! E ang kaso naisuko ko na sa matagal ko nang crush." Kinagat ko ang lower lip ko sabay yuko. Feeling malungkot pero ang totoo kinikilig at masayang masaya. "Hmmm? Matagal mo nang crush?" Mukhang napapaisip pa siya nang bigla niya akong paluin ulit sa braso. "S-si Braeden ba 'yan?!" Tumingin ako sa kan'ya. "Sino pa nga ba?" Nagbago ang ihip ng hangin! Bigla siyang natuw

