Halos malaglag ang panga niya sa isang lalaki na nasa harapan niya.
Isang ubod na gwapo lalaki ang nakasmirk sa kanya ngayon.
He's too handsome,masyado na nga masakit sa mata ang kaguwapuhan nito.
"Good morning,pwede ko ba makausap si BRIKZ ?" anito.
Dayum,pati boses nito ang gwapo din,lalaking-lalaki. Ang tatas pa magtagalog kahit pangdayuhan ang mukha nito.
Bigla siya napasimangot ng marinig ang pangalan ng boss niya.
"Uhm,sandali lang inform ko lang muna siya,"aniya.
Nakangiti na tumango ito sa kanya.
"Okay,Ms.beautiful,"anito.
Isang mahiyain ngiti ang tinugon niya rito.
"Sir,may naghahanap po sa inyo,"saad niya ng sagutin iyun ng boss niya.
"Let him in,"tugon naman nito sa kanya. Mukhang inaasahan nito na darating ito dahil hindi na nito inalam pa sa kanya ang pagkakakinlanlan ng lalaki dumating.
She sighed.
"Pasok ka na daw,"aniya.
Ngumiti ito muli sa kanya.
"Salamat,Adriane.."anito na binuntutan pa ng pagkindat sa kanya.
Tinungo na nito ang pintuan ng opisina ng boss niya pero bumukas na yun at sumilay ang seryosong anyo ng boss niya.
" Mahal na Prinsipe!"pagbati ng lalaki sa boss niya.
Napatingin siya sa mga ito,Prinsipe,huh? Aniya sa isip niya.
Napuna niya ang mataman na nakatingin sa gawi niya ang amo.
Ngumiti siya rito. "Magpapasok po ba ako ng maiinom niyo,Sir Brikz.."pagdiin niya sa pangalan nito.
Naningkit ang mga mata nito. Bahagya tumawa naman ang lalaki sa tabi nito na nakatingin pala sa kanya.
Hindi siya nito sinagot. Pinagkibitan na lang niya ng balikat ang inasta nito.
"Ang ganda ng sekretarya mo.."
Naulinigan niya sabi ng bisita nito bago tuluyan sumara ang pintuan.
Mataman siya nakatingin sa kanya bisita.
"What is it,Zei?" untag niya rito habang abala ito sa pagsipat ng kung ano-ano sa opisina niya.
Nakangiti ito bumaling sa kanya.
"Ikaw ang una ko sasabihan..The prince of white wolves is finally found his mate..nasa mundong-Colai na siya.."
"Really?" aniya.
"Yes,maganda ang mate niya at bata." nakangisi nito saad.
"Ganun ba..mabuti naman kung ganun.." aniya.
Humalukipkip ito humarap sa kanya.
"Ikaw? Natagpuan mo na?"
Nag-angat siya ng mga mata rito.
"Hindi pa,pero hindi ako nagmamadali..." balewala niya saad.
Tumango-tango ito.
"Hmm..maganda ang sekretarya mo,bago lang siya,tama? Iba kasi ang nakita ko noon,saka mas maganda ngayon.."
Sinamaan niya ito ng tingin.
"Bumalik ka na sa lungga mo,Zei.."
"Oo naman,pero bakit parang may naaamoy ako na hindi niyo gusto ang isa't-isa?"
"What do you care?"
He chuckled." Sungit niyo naman,kamahalan.."
Muli niya ito sinamaan ng tingin. Hindi niya gusto ang pag-usapan nila ang babae.
"Ang weird nun pero mukha naman hindi siya ang mate mo..?" anito.
"Yes,she will never be.." matigas niya saad.
Naikuyom niya ang mga palad. Taliwas iyun sa kalooban niya.
I want her to be our mate!
But she not.