Panay ang buntong-hininga niya habang iniisa-isa ang mga makakapal na folder sa isang stocks room. Pinapahanap sa kanya ng Sir Brikz niya ang 2000 financial reports. Halos maligo na siya sa alikabok pero hindi niya makita kung saan ba iyun tinambak ng mga naging sekretarya nito ang reports. "Grabe..nandito ba yun? Eh ang dami ng tambak dito ng mga report papers," bulalas niya. Mukha matatagalan siya sa paghahanap. Mabuti na lang naisipan niya bago umuwi siya hanapin ang pinapahanap sa kanya. Maya-maya pa ay nakita na din niya sa wakas. Yun nga lang kailangan pa niya tumingkayad para maabot iyun sa pinakamataas dahil pagod at ngalay na siya kumuha siya ng matutuntungan para makuha niya iyun na hindi mahuhulog sa maganda niya mukha. "Come on..come on.." anas niya habang hinihila ang ka

