PAIKA-IKA akong naglalakad palabas ng kwarto. Nakayupyop naman si Zeus at tulog na tulog sa lamesang nasa harap niya, humuhilik pa ito nang mahina. Napangiwi ako nang tumunog ang pagbukas ng pinto at nilingon ko si Zeus. Nang hindi naman siya gumalaw ay nagpatuloy ako sa paglabas.
"Nurse," tawag ko sa babae. "May Keith Ephraim Romero po bang naka-confine dito?"
"Yes Ma'am. Sa room 609 po," sagot niya at iginiya ako sa kwartong iyon.
"Dessa Joy!"
Napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko at agad nanlaki ang aking mata. Si Kiko, 'Yung adik na patay na patay sa akin. Nakangiti siya nang malapad at namumula ang mata sanhi ng pagkalulong sa droga. Napalunok ako at pilit na tumakbo kahit nahihirapan.
Saktong papasara ang elevator nang makapasok ako at agad kong pinindot ang floor ng kwarto ni Keith. Nang huminto iyon at bumukas ay tinakbo ko na ang kwarto at marahas na binuksa ang pinto ng room 609. Napahawak pa ako sa dibdib dahil sa pagkahingal.
Nang humupa ang mabilis na kabog ng puso ko ay tinitigan ko si Keith. Nanlalaki ang mata nita at bahagyang nakaawang ang labi dahil sa pagkagulat. Ngumiti ako at naglakad papunta sa kaniya.
At katulad ng dati ay dinutdot ko ang noo niya at nginitian siya nang matamis. Ngunit umigting panga nito at tumalim ang tingin sa akin.
"Napaka-pasaway mo pa rin talaga," wika ko.
He shake my hands of from his forehead. "Bakit ka nandito?"
Parang kasing talim ng kutsilyo ang paraan niya ng pagsasalita at nasasaktan ako dahil sa kagaspangan ng ugali niya sa akin na para bang hindi na niya ako kaibigan.
Tumikhim ang babaeng kasama niya na ngayon ko lang napansin. Lumipad ang tingin ko sa kaniya at agad kumunot ang noo ko. Pamilyar siya sa akin.
"I'll leave you two," anas niya at akmang aalis nang pigilan siya ni Keith. Ilang segundo silang nagtitigan at napangiti ako nang kabigin ng babae ang kamay ng kaibigan ko at pinagsalikop iyon sa kaniya.
Humarap siya sa akin. "Bakit nga pala ako aalis?" Ani niya at nagtaas ng kilay. "Leave us alone, Miss whatever your name is."
Taray naman..
Humagikhik ako at ngumiti. "Girlfriend ka ni Epi?" My gaze turned to Keith. "I'm glad Epiboy, you found someone to love."
"Can you please just leave. I don't know you. 'Wag kang feeling close," sabi ng babae na nakataas ang kilay.
Napangiti ako at inilahad ang aking kamay sa kaniya. "My name is Dessa Joy Miranda." Sumulyap ako kay Keith. "Keith's best friend."
Napaigtad ako nang tabigin ni Keith ang aking kamay. Nag-igting ang panga nito at matalim akong tinititigan. Parang tumatagos sa akin iyon at nasasaktan ako.
"We were best friend. P'wede ba Dessa Joy, umalis ka na." Pagtataboy niya sa akin.
I sighed. "Gusto lang naman kitang kamustahin—"
"Okay naman ako eh, naging okay naman ako noong wala ka. Kaya sino ka para kamustahin ako?" Nakangising putol niya sa sinasabi ko. And I must admit, that was hurt.
Sinubukan kong lapitan siya pero agad akong hinarangan ng pamilyar na babaeng ito. Artista ba siya?
"Stop there, b***h. Pabayaan mo na siya tutal pabaya ka naman 'di ba?" Aniya at humalukipkip sa harap ko.
Nakaramdam ako ng kaunting inis kaya sinagot ko siya at tinitigan ng blanko. She maybe look rich but it doesn't mean she have the right to block my way to my best friend.
"Hindi ka niya girlfriend. 'Wag ka ring feeler," anas ko sa walang emosyon na tono.
She rolled her eyes. "Hindi niya ako girlfriend. You're not his girlfriend too." she smirked. "H'wag ka ring feeler."
My forehead creased in annoyance. Akmang sasagutin ko siya nang malakas na sumigaw si Keith na ikinagulat ko. Keith never raised his voice towards me.
"Enough!" Bumuga siya ng hangin at tinitigan ako nang masama. "Lumabas ka na Dessa. I don't need you, and I'll never will."
Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko. Nasasaktan ako dahil simula nang araw na iyon ay iniwasan na niya ako. Hindi na rin niya ako pinapansin at tuluyan na niya akong hindi kinausap.
Tumango ako at tumalikod. I blinked my tears away and tried to forget that my best friend just pushed me away. Nang makalabas na ako nang kwarto niya ay huminga ako nang malalim at pinunasan ang mga takas na luha.
"Dessa Joy!"
Lumipad ang tingin ko sa tumawag sa akin. Na naman? Kahit paika-ika ay pinilit kong tumakbo ulit. Hinahabol na naman ako ng adik na si Kiko. Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit patay na patay siya sa akin, hindi naman ako maganda. Kunti lang.
"Tigilan mo ako!" Sigaw ko habang tumatakbo nang mabilis.
"Dessa Joy!" Sagot niya ulit hanggang sa mahablot niya ang kamay ko at binuhat na parang isang sakong bigas.
Nagpumiglas ako pero malakas siya at mahigpit ang hawak sa aking hita. Hindi naman kami pinapansin ng mga dumadaan dahil inaakalang magkarelasyon kami na nagkakaroon ng LQ.
"Kiko! Ibaba mo ako!" Ngawa ko at pinaghahampas ang likod niya.
"Tahimik!" Sagot niya. Nanlaki ang mata ko nang mapansing papalabas na kami ng hospital.
"Zeus! Tulong!"
Naiiyak na ako sa kaba pero bingi ang mga taong nilalagpasan namin. Hanggang sa bigla na lang akong naihulog ni Kiko at sumalampak ako sa malamig na semento. Napa-angat ako ng tingin at tumambad sa akin ang lalaking hindi ko inaasahang makikita rito. Prente siyang nakatayo habang masama ang tingin kay Kiko na putok ang labi.
"Karim.."
Lumingon siya sa akin at naglakad palapit. Napakapit naman ako nang mahigpit sa leeg niya nang bigla na lang niya aking pinangko at walang kagatol-gatol na muli akong pinasok sa ospital.
"Masakit ba?" Tanong niya sa akin habang nakatingin nang diretso.
"A-ang alin?" Sagot ko. Sinulyapan niya ako at tinaasan ng kilay. Sungit!
"Ano bang masakit sa'yo?"
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. "H-hindi naman. Okay lang ako."
"Anong room mo?"
"Room 405," saad ko. Tumango naman siya at nagpatuloy sa paglalakad nang bigla na naman may sumigaw.
"Dessa joy!"
Sabay kaming napalingon sa likod namin at muling nanlaki ang mata ko nang makita si Kiko. May hawak siyang isang itim na bagay na umiilaw at may digital timer pa iyon. May hawak rin siyang baril na nakatutok sa direksiyon namin.
"What the hell?" Naiinis na wika ni Rim. Nagpumiglas naman ako sa buhat niya at kahit paika-ika ay pinilit kong lumapit ng kaunti.
"K-kiko!" Sigaw ko at itinaas ang aking dalawang kamay. "Ibaba mo ang baril mo."
Napalibutan na siya ng security pero hindi nito alintana bagkus ay masama ang tingin nito sa akin at nakatutok sa akin ang hawak nitong baril.
"'Di ba sabi ko akin ka!" Galit na aniya. "Bakit ka lumalapit sa lalaking 'yan!"
My eyes grew wide when he pulled the trigger. Napapikit ako at hinihintay na damhin ang sakit nang may matitigas na braso akong naramdaman na pumalibot sa aking katawan kasabay niyon ang dalawang putok ng baril na umalingaw-ngaw sa paligid. Nang imulat ko ang mata ko ay tumambad sa akin si Rim na nakaharap sa akin. Blanko ang ekspresiyon ng mukha niya at hindi mababanaag ng sakit.
"You okay?" Tanong niya sa akin.
"Karim!" Nahihintakutang sagot ko. "Nasaan ang tama mo!"
But instead of showing hurt on his face. He smirks.
"I'm fine."
Hindi ko mapigilan ang mapayakap sa kaniya dahil sa pag-aalala. Sigurado akong natamaan siya pero paanong hindi man lang siya nasaktan?
Sinubukan kong titigan ang lalaking nagwawala nang pigilan ako ni Karim. Tinakpan niya ang mata ko at pinatalikod.
"Stay still, Ligaya," bulong niya na nagpatayo ng mga balahibo ko sa batok. "Don't you dare turn your back."
Tumango ako at kinagat ang aking ibabang labi nang dumausdos ang kamay ni Karim pababa sa nanginginig kong kamay. "O-okay."
I closed my eyes tightly as the gunshot filled the whole lobby. Hindi ko alam kung anong nangyayari basta ang alam ko hawak ni Karim ang aking kamay at mahigpit itong hinahawakan.
And that's the cue. My heart automatically raced fast as his hands tightened against mine as if he assured my safety.
I'm not just his fan anymore.
He is my hero.