KAKABUKAS ko pa lang ng pinto ng apartment nang umilaw ang paligid. Ipinikit ko ang aking mata para hintayin ang lumilipad na tsinelas na tatama sa ulo ko.
"Aray!" Daing ko at kinamot ang aking noo na tinamaan.
"Saan ka galing, bata ka!" Salubong ni Lolo at inabot ang aking tenga para pingutin.
"L-lolo, may assignment po ako sa malayo!" Dahilan ko saka niya ako binitawan.
Nasa seventies na si Lolo at siya na lang ang natitirang kapamilya ko. Siya kasi ang nag-alaga sa akin nang iwanan ako ng nanay at tatay ko. Lumapit ako sa kaniya at inilahad ang binili kong fried chicken na paboritong-paborito niya.
Hinablot niya iyon at sumimangot. "Ang baho mo, Joy. Saan ka ba galing?"
Inamoy ko ang aking sarili at napangiwi. "Basta po." Nag-mano ako sa kaniya at pumasok ng kwarto at ni-lock iyon.
Pagkapasok ko ng kwarto ay agad kong hinubad ang lahat ng damit ko at patakbong dumiretso ng banyo. Binuksan ko ang shower at hinayaan kong mabasa ng malamig na tubig ang aking katawan.
"Nakakainis naman!" Reklamo ko nang maalala-ala ang ginawa kong pagtalon sa basura.
Humalukipkip ako at ipinikit ang aking mata. Bumalik sa ala-ala ko ang lalaking may hanggang panga na buhok at kulay pilak na kamay. That scene was a puzzled to me. Hindi sila mukhang pipitsuging killer base sa mga sout at gamit nilang sasakyan.
First is, who are they? Second, why did they kill that guy? Third, Bakit ko ba sila pinoproblema?
Nagmadali akong maligo at lumabas ng banyo saka nagbihis. Matapos iyon ay sumampa ako sa kama at kinuha ang aking laptop at binuksan iyon. Kinuha ko rin ang aking cellphone at nilipat ang pictures na nakuha ko at doon ko mas nakita ang facial feature ng murderers.
"Ulysses Omega Org.?" Basa ko sa maliit na burda na nasa damit ng isa pang lalaki na nakasout ng kulay pink na V-neck shirt.
Mafia ba sila?
Napabuntong-hininga ako at muling niliglit ang laptop. Masyado na naman akong pakialamero at tiyak na hindi magandang balak ang alamin pa kung sino sila.
"Pero kasi..." napapailing na wika ko sa sarili. "...ang popogi naman nilang killer!"
Ngumuso ako at pabagsak na tumihaya sa kama. Agad naman akong napangiwi nang sumakit ang likod ko dahil manipis lang pala ang foam ng higaan ko. Napabalikwas ako ng bangon at kinuha ang cellphone ni Karim.
"MyTherese," bigkas ko habang tinitipa ang password.
Napatili ako nang bumukas iyon. Madali ko namang binuksan ang laptop ko at kinabit ang cord sa cellphone ni Karim. Kukunin ko mga selfie niya at itatago ko pang remembrance.
Ang ngiting nakaplaster sa labi ko ay agarang nabura nang tumambad sa akin ang mga litrato ng isang magandang babae. May stolen, habang kumakain, nakangiti at nakasout ng uniform. Ini-scroll ko iyon at huminto ako sa isang imahe kung saan yakap ni Karim ang babae mula sa likod at nakahalik siya sa pisngi nito. Pareho rin silang nakatingin sa camera at nakangiti ang babae nang matamis.
Mabilis kong sinara ang laptop at tumihaya ulit. Wala sa loob na dinala ko ang kanang kamay ko sa dibdib ko. Girlfriend niya?
"Bakit parang masakit?" Tumagilid ako at niyakap ang isang unan. "Fangirl lang ako! Fan lang! I should be supporting him, pero bakit parang ayoko?"
Bumangon ako at ginulo ang walang suklay ko pang buhok. Naguguluhan ako sa sarili ko.
"Ano ba naman 'yan, Dessa Joy Miranda!" Kinagat ko ang aking ibabang labi. "Fan ka lang, Okay?"
Tumayo ako at naglakad nang pabalik-balik sa loob ng kwarto ko.
Fangirl ako.. Fangirl ako.. Fangirl ako. Paulit-ulit na bulong ko sa sarili nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko iyon at sinagot ng hindi tinitingnan ang caller.
"Yes? Hello?"
"Delete the picture or I'll kill you."
Napatuwid ang likod ko dahil sa sagot ng kabilang linya. I've experienced receiving death threats but this one sounds creepy. Pinilit kong iwinaksi ang takot at tumawa nang pagak.
"Nako, bes. 'Wag mo akong pagtripan. Maghanap ka ng iba," sagot ko na napapa-iling pa.
"Brave reporter eh?" Narinig ko ang nakakatakot niyang tawa. "I'll be giving you until tomorrow to delete the f*****g pictures or else..."
Napalunok ako sa paghihintay ng susunod niyang sasabahin. Napaigtad ako nang sunod-sunod na katok ang umalingaw-ngaw na nagmumula sa pinto ng kwarto ko.
"Joy! May package ka!"
Sigaw ni Lolo na ikina-kunot ng noo ko. Package?
"Enjoy my gift," wika ng lalaki sa kabilang linya at pinatay ang tawag.
Nagmamadali naman akong lumabas at hinablot kay Lolo ang maliit na box at diretsong tinapon sa labas. Kumalat mula roon ang iba't-ibang litrato. Pinulot ko ang isa at mabilis na kumalat ang takot sa boung katawan ko.
It was my mother's picture. Pinulot ko ang isa pa, at isa pa. Puro litrato nila mama at papa, pati ang mga half-siblings ko. Ang huling pinulot ko ay mas nakadagdag ng takot sa akin. It's my Lolo's picture. Kakakuha lang nito kani-kanila lang base sa damit at hawak na fried chicken niya.
"s**t," mura ko at nagmamadaling pumasok ng bahay.
Diretso ako sa kwarto at kinalikot ang cellphone ko at binura ang boung gallery. My eyes widened when I realize something.
"s**t!" Madali kong pinidot ang cancel button pero huli na.
Napapanganga ako nang nag-pop up ang 'Deleted!' na word.
"'Yung mga picture ni Karim!" Naiinis na tili ko at sumalampak sa ibabaw ng kama.
Mangiyak-ngiyak akong humiga at pinikit ang aking mga mata. Dahil sa pagod ay agad akong nakatulog.
SUNOD-sunod na ring ng cellphone ang nagpagising sa akin. Irita akong sinagot iyon at akmang tatarayan nang magsalita ang nasa kabilang linya.
"Ligaya.."
Nanlaki ang mata ko at napabalikwas ng gising at dire-diretsong nahulog sa kama.
"Karim?" Napangiti ako at humagikhik. "Good morning Karim ko!"
Rinig ko ang 'tss' niya na halatang iritable. Kahit naalala ko ang litrato niya kasama ang kaniyang girlfriend ay hindi pa rin nababawasan ang pag-hanga ko kaniya. He will always be my Karim.
"Let's meet," aniya na nagpakabog ng puso ko.
"Niyaya mo akong magdate?!" Histerikal ko at agad tumayo.
"Hindi."
"Ay," simangot ko at ngumuso. "Eh bakit ka tumawag?"
Narinig ko ang tawa niya at mga mura sa mga boses lalaki na malamang ay kabanda niya. Ilang minuto akong naghihintay ng sagot.
"Kukunin ko ang cellphone ko," saad niya sa malamig na boses.
"'Di ba magde-date tayo?"
"I don't dates, Ligaya—"
"Then what do you do?—" putol ko sa sinasabi niya at dumiretso ng banyo para umihi.
"f**k," Nanlaki ang mata ko sa sagot niya. "I do f**k, Ligaya."
Dahil sa gulat ay namali ako ng tapak dahilan para madulas ako sa tiles ng banyo at saktong tumama ang balakang ko sa bowl. Napangiwi ako at hinimas ang napuruhang balakang. Tiyak na magkakaroon iyon ng pasa or worst, fracture sa lakas ng impact.
"A-aray ko," daing ko at pinulot ang cellphone na nabitawan ko.
"Hello? Ligaya? Anong nangyari?"
Nag-init ang aking pisngi at muling napangiwi. "W-wala. A-ano.. Ahmm."
"Ibigay mo na ang phone ko, wala ka rin namang mapapala sa akin," aniya sa malumanay na boses.
Hindi ko na iyon sinagot at pinatay ang tawag. Hindi ko mapigilan ang mapaluha dahil sa sakit ng balakang ko, o sa balakang nga lang ba ang masakit? Kahit nasasaktan ay pinilit kong tumayo at dumiretso sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at agad tinawagan ang aking kaibigan.
"Hello? Dess ang aga-aga pa! P'wede—"
Suminghot ako at pinunasan ang aking luha. "Z-zeus..."
"Hey," nag-iba ang timbre ng boses nito pero hindi ko na iyon pinansin. "Anong problema? Teka, magbibihis lang ako. Papunta na ako sa bahay mo."
"Zeus! bilisan mo. Ang sakit eh!" Sigaw ko.
Zeus is my best friend and he is a gay. Lagi siyang naka-alalay sa akin tulad na lang ngayon na kahit wala pa akong sinasabi ay papunta na siya ng bahay. I chose him as my best friend, maybe because he's a gay and I'm sure that, he is not like my former best friend.
Ilang minuto lang ang nakalipas nang marahas na bumukas ang pinto ng kwarto ko at tumambad si Zeus na salubong ang kilay. Mabilis siyang lumapit sa akin at agad akong pinangko.
"Ano bang nangyari sa'yo?!" Naiinis na saad niya at ipinasok ako sa sasakyan niya.
Pinunasan ko ang aking luha. "N-nadulas ako sa b-banyo," suminghot ako at kinagat ang aking ibabang labi. "...ang sakit."
Napapitlag ako nang hawakan ni Zeus ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Lumipad ang tingin ko sa kaniya na naka-focus lamang sa daan.
Zeus face was stiff and cold. Nakatiim-bagang din siya at mahigpit ang hawak sa manibela.
"Bakit ba kasi ang lampa mo," bulong niya na narinig ko naman. Ngumuso na lang ako at napapangiwi dahil sa kirot. Namanhid din ang binti ko dahil siguro sa pagkabangga naman nito sa balde kanina.
Nang marating namin ang ospital at agad niyang hininto ang sasakyan at mabilis akong binuhat at naglakad papasok. Nakahawak lang ako sa leeg niya na namumula na para bang may pinipigil na kung ano.
When Zeus was about to put me on the hospital bed, I saw a rushing stretcher heading towards the ER. Nanlaki ang mata ko nang makilala ang lalaking nakahiga roon at dumudugo ang ulo. Tumambol ang kaba sa puso ko at hindi ko mapigilan ang mag-alala.
Lumagpas ang stretcher sa amin at nakasunod lamang ang mata ko roon. I bit my lower lip, trying to control my emotions. He was my best friend and he will always be.
Anong nangyari sa kaniya?