NAPANGUSO ako dahil sa narinig sa sinabi ni Karim. 'Pag binigay ko ang cellphone niya, hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon para makita, o maka-date man lang siya at hindi ako papayag.
Lumipad ang tingin ko sa likod niya at nakita ang sasakyan na ginagamit namin ni Zeus 'pag may mga assignment. Kumaway ang kaibigan ko dahilan para mapangisi ako at makaisip ng paraan. Bumalik ang tingin ko kay Karim na nakalahad ang palad.
Tumingin ako sa bandang gilid ko at tumuro. "Waaaa! May alien doon!" Sigaw ko nang napakatinis.
Karim's gaze turned and I took the oppotunity to ran towards our vehicle. Nang makasakay ako at maisara ang pinto ay saktong lumitaw si Karim sa bintana at marahas na kinakatok iyon.
"Zeus! Paandarin mo na!" Sigaw ko sa kaibigan ko.
"Gaga ka talaga!" He replies, starting the engine.
Kitang-kita ko ang pagkasalubong ng kilay nito dahil sa inis. Pinasibad ni Zeus ang sasakyan hanggang sa tuluyang makalayo kami kay Karim na nanggagalaiti sa galit.
"Happy na?" Sarkastikong tanong ni Zeus na nakataas ang kilay.
I nods. "Naman, hinabol niya ako kanina beks, patay na patay na siya sa'kin!"
"Gaga!" Binatukan ako ni Zeus. "Hinabol ka kasi ninakaw mo cellphone niya."
Ngumuso ako at humalukipkip. "Panira ka rin eh. Masama bang mangarap? At saka! nakita mo siya kanina? Parang kumikinang sa kagwapuhan beks!"
Niyugyog ko ang balikat ni Zeus dahil sa kilig. Karim is my ultimate crush and for sure, lahat ng fans niya maiingit sa akin. Sino ba namang hindi? It's Karim Immanuel for hell's sake?
"Aray ko naman!" Reklamo ko nang bigla huminto ang sasakyan.
I looked up to him. Zeus was shaking terribly while looking at his side. Nilingon ko ang tinitingnan niya at agad kumalat ang takot sa bou kong katawan. We are witnessing a murder scene.
"T-tara na," nanginginig na suhestiyon ni Zeus.
Pinigil ko ang braso niya at lumapit sa bintana. Binaba ko ang windshield at dinukot ang aking cellphone. I saw how those men in suit killed the guy. Nanlamig ang bou kong katawan dahil sa nakita. Agad kong tinututok ang camera ng cellphone ko at pinindot iyon.
Nanlaki ang mata ko nang bigla silang lumingon at masama kaming tinitigan.
"Gaga ka Dess! Bakit may flash 'yung camera mo!" ani Zeus at agad minaobra ang sasakyan.
"S-sorry!" Kinakagat ko ang aking kuko dahil sa kaba. "Z-zeus! Sino sila?!"
Tinitigan niya ako nang masama. "Baka kilala ko 'no?" He drove fast. "Bakit ba kasi napaka walking disaster mo! Argh!"
Mabilis ang pagmamaneho ni Zeus dahil sinusundan kami ng mga goons. Tiningnan ko ang litratong nakuhanan ko at kitang-kita roon ang pagtutok ng baril ng isang lalaki na may kahabaan ang buhok.
"Iliko mo bakla!" Sigaw ko, at kinapa ang cellphone na kanina pa tumutunog.
Zeus cursed under his lungs. "Kingina mo Dess! 'Pag namatay ako rito! I swear, jujumbagin kita sa langit!"
Nangingnig ang kamay ko na sinagot ang tawag. It's Karim's phone.
"H-hello?"
"I'm out patience, ibalik mo ang—"
Napatili ako at nabitawan ang cellphone nang marahas na niliko ni Zeus ang sasakyan. Kitang-kita ko ang mga lalaking humahabol sa amin na halos kapantay na ng sasakyan.
"s**t!" Zeus swore. "Ang bibilis nila beks! May mga lahing kabayo!"
"B-beks!" Sigaw ko at tinuro ang gilid niya.
His eyes widened. Agad niyang tinapakan ang silinyador at bumilis ang sasakyan. Mahigpit naman ang hawak ko sa seatbelt habang tumitili nang malakas.
"Beks! May sumusunod pa ba?!" Tanong ni Zeus.
Lumingon naman ako at napalunok dahil sa aking nakita. Kung kanina ay isang sasakyan at dalawang motor ang humahabol sa amin, ngayon ay nadagdagan na iyon ng tatlo pang motor.
Humarap akong muli. "B-beks, mamatay na tayo!"
"Gaga ka! Kasalanan mo 'to! Kung bakit ba naman kasi may flash 'yang lintek na cherry mobile mo!" Aniya at namumula ang pisngi.
"Sorry na Beks!" Sagot ko. Bigla ko namang naalala ang cellphone ni Karim na nahulog.
Yumuko ako para kunin iyon sa ilalim. Nag-untog pa ako dahil sa bilis ng pagmamaneho ni Zeus. I was rubbing my head when I sat up straight. The phone rang and I answered it quickly.
"Hello?" Sagot ko at muling humawak sa seatbelt.
"Anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw?" Sagot ni Karim na kahit hindi magpakilala ay kilalang-kilala ko na.
Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin ngayon o mamaya na lang.
"M-may humahabol sa amin," wika ko sa nanginginig na boses.
"Humahabol?"
"Papatayin nila kami, Karim ko! Save me! Save me—Aray ko naman!" Reklamo ko nang batukan ako ni Zeus na matalim na nakatitig sa akin.
"Mamatay na nga tayo! Numininja moves ka pa diyan!" Sagot niya.
Ngumuso ako at inirapan siya. "Karim ko—"
"Where are you? Anong location niyo?" Tanong niya na ika-kunot ng noo ko.
Tumingin ako sa labas pero hindi ko masabi ang lugar dahil mabilis ang patakbo ni Zeus. Huminga ako nang malalim at akmang sasagot nang magsalita siya mula sa kabilang linya.
"My Therese," aniya na pabulong. I was about to ask him when he continued. "Mike, Yankee, tango, hotel, echo, romeo, echo, sierra, echo. Open the GPS."
Nanlaki ang mata ko at sunod-sunod na tumango. Binaba ko ang tawag at tinipa ang password na sinabi at ini-ispell niya sa akin. My eyesbrows furrowed upon realizing his password. My Therese?
Nagkibit-balikat ako at binuksan ang GPS ng cellphone niya. Lumapad ang ngiti ko pero agad ding nawala nang muli siyang tumawag. Sinagot ko iyon at hinintay ang pagsalita niya.
"Turn right," Rinig ko, agad kong kinalabit si Zeus.
"Kumanan ka Beks!" Tumango siya at sinunod ang sinabi ko. Muli kong pinakinggan ang instruction ni Karim. "Tapos?"
"Huminto kayo sa tapat ng pulang apartment at bumaba kayo," anito at nakarinig ako ng mga kaluskos. "Bilisan niyo, papaalis na 'yung truck ng basura. Sumama kayo doon."
Nanlaki ang mata ko at bumuga ng hangin. "Basura talaga?"
I heard him cursed. "Anong mas gusto mo? Mamatay? Magrereklamo ka pa?"
Ngumuso ako at nagkamot ng ulo. "Sabi ko nga sa basura."
Tiningan ko ang labas ng bintana at agad kong nakita ang pulang apartment na tinutukoy niya. Agad kong kinalabit si Zeus na pinagtaka naman nito.
"Itigil mo, Beks," wika ko na agad naman niyang sinunod. "Tara na!"
Mabilis akong bumaba sa sasakyan at kasunod si Zeus. Sa gilid ng apartment ay may maliit na eskinita. Hinila ko si Zeus papasok doon hanggang sa lumabas kami mula sa kabilang dulo.
"Hayun!" Turo ko sa truck.
"No way!" Nandidiring saad ni Zeus.
Sabay kaming napalingon sa likod namin nang may mga lalaking pinagbabaril ang sasakyang inabandona namin. Nagkatinginan kami at sabay na tinakbo ang papaalis na truck ng basura.
We both jump and landed on the trash. The smell was unbearable. Maswerte na lang kami at hindi biodegradable ang nalandingan namin dahil kung nagkataon ay mangangamoy panis kami.
"Yuck! Ew! Kaderder!" Sunod-sunod na tili ni Zeus.
Napailing ako sa ginagawa niyang pagtatanggal ng mga plastic sa kaniyang katawan. I took a deep breathe and closed my eyes tightly trying to shake my thoughts away about the murderers.
Namukhaan ko ang lalaking may mahabang buhok at kulay pilak na kamay. The way he shoot the poor victim, he was like a pro. Parang gamay na gamay niya ang ganoong klaseng trabaho.
Napaigtad ako nang tumunog ang cellphone ni Karim. Ngumiti ako nang malapad at sinagot iyon. I didn't know how he helped us in escaping death earlier.
"Hello? Karim ko?" Nakangiting tawag ko sa kaniya.
"You're safe now?"
Ang puso kong mabilis ang t***k dahil sa hingal ay mas bumilis dahil sa tanong niya. Pakiramdam ko 'will you marry me?' na 'yung tanong niya sa akin. Wala sa loob na dinama ko ang puso ko, ganoon ang epekto niya sa akin. Simpleng tanong lang parang lumiliwanag ang boung kapiligiran ko.
I swallowed a lump. "O-oo. Salamat."
"Where are you? Dumaan na ang truck bakit wala kayo?"
Kumunot ang noo ko at kahit nahihirapang tumayo ay pinilit ko. Nanlaki ang mata ko nang puro kahoy na ang aking nakikita at mukhang kakalabas lang ng City.
"Bakit lumabas kami ng City?!" Histerikal ko.
"Wait? Don't tell me.." He chuckled. "Sa truck na may laman kayo sumabay?" He asked me, his voice sounds amuse.
Nanlaki ang mata ko at nilingon si Zeus na masama ang tingin sa akin. Inabot pa niya ang isang sirang hanger at hinamapas ako nang iilang beses. Panay naman ang iwas ko at umupo sa gilid.
"Dapat ba.." Kinagat ko ang aking ibabang labi. "Sa isang truck na papaalis pa lang? 'Yung wala pang laman?" Nakangiwing tanong ko na obvious naman.
Lumakas ang tawa ni Karim sa kabilang linya. "Tangina!"
Ngumuso ako ginulo ang aking buhok. Napangiwi akong muli nang maamoy ang basura. Samantalang si Karim naman ay tawa lang nang tawa.
"Karim Imannuel!"