NAGISING ako sa isang yugyog sa aking balikat. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at agad tumambad sa paningin ko si Zeus na alalang-alala ang mukha. "Pucha naman beks! Suicidal ka na ba?!" Histerikal niya. Umupo ako at iginala ang aking tingin sa paligid. White walls and ceiling. The alcohol smell and the dextrose in my hand—wait? Nasa ospital na naman ba ako? Kakalabas ko lang ah? "Nasa ospital ako?" "Hindi. Nasa mental ka," aniya at tinampal ako ng marahan. "Ang gaga mo bakla ka—" "Babae ako. Ikaw ang bakla," pang-iinis ko na effective naman sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin at inirapan. Naiiling akong tinanggal ang swero sa kamay ko at tumayo. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang halik na iginawad ni Karim sa akin. It was magical and heart melting. Wala sa loob na kina

