INAMOY ko ang aroma ng bagong luto kong Kare-kare. Napangiti ako dahil sa naiisip kong reaksiyon ni Karim 'pag natikman niya ito. He'll forget his name for sure. "Beks?" Nilingon ko si Zeus na salubong na naman ang kilay. Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay laging badtrip itong si Zeus. Baka naghiwalay na naman sila ng jowa niyang mukhang bulate. "Oh?" Sagot ko sa kaniya. "Nagluluto ka na naman? Juskobels naman bakla! Ilang kare-kare na ba ang naluto mo diyan sa Karim na mukang kwago na 'yon—" "Excuse me beks, Karim have slightly chinky eyes." Putol ko sa sinasabi niya. He rolled his eyes. "Whatever! Ah basta! Purgang-purga na 'yong mga kabanda no'n sa luto mong kare-kare! Ni hindi niya nga 'yun tinitikman!" Napatigil ako sa pag-salin dahil sa katotohanang sinabi niya sa aki

