"Parang ang lalim ng iniisip mo ah." Nabalik ako sa ulirat ng mapagtantong nakaupo na pala sa harap ko si Anne at Michelle. "Anong iniisip mo?" "Hindi ganyan ang tanong Mich, dapat SINO BANG INIISIP MO?" Napailing at napairap lamang ako sa kanila, kailangan pa talagang iemphasize ang tinatanong. "Kayo pala." Sabi ko lamang. "A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Kumunot naman noo nung dalwa at nagkatinginan pa. "Sasagutin namin yang tanong mo, kung sasagutin mo muna ang tanong namin." Inirapan ko lang ulit sila bago ko haluin ung coffee americano ko na parang malamig na. "Wala. Namimiss ko lang anak ko." Sagot ko na lamang. Ngumiti naman ng malisyosa tong dalwang to na parang ayaw tanggapin ang naging sagot ko. "Anak nga ba talaga?" Sabi ni Mich. Magsasalita sana ako kaso biglang

