Samantha's POV
Nakaalis na siya ng tuluyan, babalik na sana ako sa loob ng coffee shop ng may mapansin ako. Kinuha ko ito at tiningnan.
Miguel Anthony Arcela. ID to nung lalaking yon! Tiningnan ko pa iyong iba. Business Card. Arcela Rice Mill, ibig sabihin sila may ari ng tanyag na Rice Mill muka dito sa lugar namin. Pati driving liscence din kasama nito.
"Tch." Napangisi na lamang ako at tinapik tapik ang mga hawak ko sa isang palad ko at muling pumasok sa loob.
--
"E girl, bakit di mo nalang isauli yang mga gamit niya." Sabi sakin ni Anne. "Importante yan sa kanya."
Kanina pa ako tulala sa totoo lang, hindi ko talaga bumawi mula sa ginawa niya sakin. Pakiramdam ko kasi narape ako ng wala sa oras.
"Ano bang plano mo kay Mr. Handsome?" Tanong ni Jane.
"Oo nga friend, balik nalang natin yan sasamahan ka namin." Sabay sabay silang nagtanguan. Hayyy. Inirapan ko lang sila. Mga babaeng to basta gwapo
"To get even, paghirapan niyang mabawi to." Sabi ko sabay ngisi.
"What!?"
"Alamo Sammy, ikaw ha. Feeling ko may gusto ka dun e."
"Oo nga saka hindi mo ba magets girl? Yung nangyari sa inyo, obviously wala lang sa kanya, kung di ka manlang niya nagawang kausapin kanina o paglaanan ng kaunting oras kasi nga wala ka lang sa kanya. Masakit pero, yun ang totoo." Daredarechong aabi ni Michelle.
"Just accept the fact girl, that you just had a one night stand with him." Hinawakan ni Jane kamay ko. At sabay sabay narin silang tatlo.
One night stand? No!! Lasing ako. Lasing ako ng gabing iyon. Hindi ko alam ginagawa ko, ni hindi ko matandaan ang nangyari at kung pano ako nakapunta sa bahay niya.
"One night stand?" Never been kiss and never been touch ako tas ganon ganon lang niya kukunin lahat ng first sakin. How dare him! No way! Hindi ako papayag! "No! Lasing ako that night. And Im sure kung nasa katinuan ako hindi ko yun gagawin."
"Friend ikaw unang lumapit sa kanya."
"Panay ang tawag namin sayo pero bigla ka nalang nawala."
"And tell me Sammy, hindi mo ba nagustuhan?"
Sunod sunod na nilang sinasabi. Sinamaan ko sila ng tingin.
"Akala ko ba bestfriends tayo e bat parang nasa side niya kayo!"
"Samantha, sinasabi lang namin na kalimutan mo nalang to dahil nangyari na."
Tumayo ako sa kinauupuan ko. At isa isa silang tiningnan.
"Nakukunsensya ako." May kung anong bumukol sa lalamunan ko. Bigat kasi sa pakiramdam. "Sa tingin niyo ba matutuwa ang parents ko sa nagawa ko? Im sure nadisappoint ko sila ngayon, lahat ginagawa ko para maging proud sila sakin kahit wala na sila. Pero eto palpak padin ako. Sabi sakin ng Mama ko, mahalaga to bilang isang babae na lagi ko dapat iingatan." Diko na napagilan maluha. "Pero wala e. Nangyari na. Kinuha lang niya ng ganon ganon." Sunod sunod na luha ko. Natahimik narin mga kaibigan ko.
"Hayy.. Ano bang plano mo?" Buntong hinga nalang no Anne.
"Hindi ko alam" Tanging naging sagot ko na lang.
*****
Matthew's Pov
Napangisi ako ng maalala ko na naman kung paano ako bugbugin ng tatay ko sa harapan ng mga tauhan namin.
Nakikita ko mula sa transparent na salamin mula dito sa veranda ng hotel na tinutuluyan ko ang sarili.
"You are good for nothing!"
"Wala ka ng ibang binigay sa pamilyang to kung hindi puro problema!!"
"Sakit ka sa ulo!"
"Ano bang mapapala mo sa pagiging musikero mo ha!! Wala!"
"Hindi ka tumulad sa kapatid mo, may pakinabang!"
"Bumalik ka nalang sa America! Wala akong anak na iresponsable!"
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko! Habang binabalikan ang mga sinabi sakin ng Tatay ko.
"Aaaahhh!!" Naibalibag kona ang basong hawak ko. "Kahit kailan hindi mo ako itinuring na anak!" Paulit ulit na binubulong ng isip ko.
Ringgggg!!
Kinuha ko cellphone ko. Miguel's Calling....
"Hello" bati ko agad.
"Umuwi kana. Wag mo nalang pansinin mga sinabi ni Dad."
"Tol salamat. Pero tama si Dad, I am good for nothing. Hayaan mo na muna ako. I want to figure out something by myself."
"Nagaalala ako sayo, but make sure you're safe."
"Oo tol, kahit ganon. Alagaan mo si Dad at Mom. Okay?"
"Of course. Let's hang out together, send mo lang sakin address kung nasaan ka."
"Tetext ko na lang sayo kung saan ako makikipagkita."
"Bro, i love you." Natawa ako sa sinabi niya.
"I love you too twin brother." Tinapos na namin ang tawagan namin.
Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko alam kona kung saan ako dapat magpunta. Kung saan magiging panatag ang kalooban ko.
Nakangiti kung pinaandar ang sasakyan at nagdarecho sa shelter.
"Father." Bati ko kay Father na mas tinuring pakong anak kaysa sa sarili kung kadugo. Si Father Alfred ang Pari dito.
"Matthew!!" Sinalubong niya ako agad ng yakap. "Kamusta ka na? Isang linggo ka ng hindi nakakadalaw dito."
"Oo nga father e, may inasikaso lang. Kamusta yung mga bata?"
"Nako mabuti naman sila. Halika! Matutuwa mga yon kapag nakita ka." Sumabay na ko kay Father patungo sa kinaroroonan ng mga bata.
Ramdam na ramdam ko ang payapa at katahimikan mula sa lugar na ito. Napangiti ako ng makita ang mga batang busyng busy sa kani kanilang ginagawa.
"Nagrerecycle sila ng mga gamit na pwede pang magamit nila." Napalingon ako kay Father at ngumiti.
Naglakad ako palapit sa kanila.
"Mukang busy kayo ah." Pagkasabi ko nan agad silang napalingon sa kinaroroonan ko. At kitang kita ko dito ang mga masisiglang ngiti nila at takbuhan palapit sakin payakap.
"Kuya matt!!!!!"
Masayang masaya ako sa nararamdaman ko dahil mahal na mahal ko ang mga batang ito. At masayang masaya din ako dahil mahal na mahal din nila ako.
"Kuya matt bat ngayon ka lang?"
"Oo nga kuya, namiss ka namin."
"Kuya kumain ka na ba? Gusto mo ipagluto ka namin?"
Ginulo ko mga buhok nila. Tiningnan ko mga ginagawa nila.
"Ano ba tong mga ginagawa niyo?" Tanong ko.
"Kuya tamo to oh!" Napatingin ako kay Luke, isa sa mga bibong bata at mahilig din kumanta katulad ko.
"Wow!" Reaction ko ng makita ko ung ginagawa niya.
"Kuya, ginawa kung drums ang mga di na nagagamit na plastic bottle, tapos itong aluminun na nakita kong nakatambak lang sa likod, nilagay kona din." Namangha ako sa nakita ko.
Pinakita pa niya ito sakin kung paano ginagamit. Napatingin ako kay father, dahil sa namuong idea mula sa isip ko.
After 4hours na walang tigil sa paggawa. Nakabuo na kami ng mga musical instruments.
"Sige subukan natin ngayon." Tuwang tuwa kung sabi. Sabay sabay naman nila itong sinubukan.
Nakakatuwa lang dahil nakakataba ng puso na may napapasaya kang mga bata.
"Masaya talaga sila kapag nandito ka." Bulong ni father mula sa tabi ko.
"Father may plano ako." Nagkatinginan kami. "Kailan yung fiesta ni Saint Marcus?" Mukang nagets din naman agad ni Father ang nais kung ipahiwatig.
"Magiging masaya ang mga bata sa naisip mo." Napangiti nalang kami habang nakatingin sa mga bata na ngayon ay nagkakantahan na at kanya kanyang gamit ng instrument.
****
Samantha's Pov
Pinagmamasdan ko lang ang ID niya. Napakagwapo niya talaga. Hay! Diko na alam gagawin ko.
Gusto ko siyang sampalin talaga. Kailangan may gawin ako para makaganti manlang ako sa ginawa niya sakin.
Kinuha ko ang cellphone ko. At dinial ang number niya.
Nakailang ring pero hindi ito sumasagot. "Ano ba naman tong taong to!" Bulong ko sa sarili. Dinial ko nalang ulit.
This time sinagot na niya.
"Hello."
" Im in a middle of meeting!" Yan lang sinabi niya at binaba na agad, hindi manlang inintay na makapagsalita ako.
Napakabastos talaga ng lalaking ito. Ngumisi ako at nilapag ang cellphone ko at natulog nalang, bahala siya sa buhay niya.