Chapter 41; Realization After the party, nagdarecho na muna ako sa kusina para uminom at binaluktot ko at inunat ang katawan at braso ko. "Magpahinga kana." Agad akong napatingin sa biglaang nagsalita. "Im sure pagod kana." "Kaya pa naman." Sagot ko sa kanya. Ngumiti lang siya sakin. "Wag mo masyadong pwersahin katawan mo." Dagdag nito. Ngumiti nalang ako sabay inom ng kakasalin ko lang tubig sa baso. "Si Baby MA kamusta na?" "Nako, ayon bagsak tulog na tulog. Nandon siya sa kwarto ng Daddy niya, gusto mo bang silipin?" Tumango ako sa kanya, nagdarecho kami sa kwarto ng Daddy niya at nakita ko dito ang anak ko na himbing na himbing sa pagkakatulog, nakauwi naman na ang mga bisita maging mga kaibigan ko. Umupo ako sa katabi ng anak ko. Habang si Matthew naman ay nakatayo lang hab

