Huminga ako ng malalim bago pihitin ang doorknob papasok sa loob ng silid niya. Panandalian ko siyang tinitigan habang darechong nakatingin sa liwanag na nanggagaling sa labas ng bintana. Tila hindi niya napansin ang pagpasok ko, kaya inilapag ko nalang ang dala kung ilang prutas para sa kanya. Pinagmasdan ko muna siya na hindi nababago ang pwesto. Tulala na naman siya? Madalas siyang ganito. "Bukas madidischarge ka na." Panimula ko. Nakita kung napansin na niya ang atensyon ko. Kaya dahan dahan siyang tumingin sakin. May kung anong kumirot sa puso ko sa tuwing makikita ko siya sa kalagayan na ganito. Gusto ko siyang protektahan sa lahat ng sakit. Gusto kung akuin ang lahat ng bigat na nararamdaman niya. Maging magaan lamang amg pakiramdam niya. "H-hindi padin ba ako pu-puntahan ni

