CHAPTER EIGHT(CHRISTMAS BREAK: FIVE DAYS WITH HIM PART TWO)

2878 Words
ISANG KATOK ang pumukaw sa aking pagkakatulog. Mabilis akong napabalikwas kasabay ng paglibot ng paningin ko sa paligid. Nagulat ako nang mapagtantong ako’y nasa aking silid pa rin. Kagigising ko pa lamang. “It means, lahat niyon panaginip lang?” ang tila wala sa sarili kong sabi. Kasabay niyon ang pamumula ng aking magkabilang pisngi. “I-it’s a bad dream,” I finally stated. But deep inside, kabaliktaran niyon ang aking nararamdaman. Parang totoo . . . na kasama ko siya sa napakagandang lugar na iyon. Ang lugar na parang paraiso. “Hinding-hindi ko malilimutan ang panaginip na iyon. I swear,” mahina kong bulong sa aking sarili. Muling nabaling sa ibang atensyon ang aking pag-iisip. Naulit ang katok sa aking pinto. Kasabay niyon ang pagtawag sa aking pangalan. Kailangan ko na raw mag-almusal dahil tanghali na. Mabilis na lumipad ang aking paningin sa orasang antigo na nakasabit sa dingding ng aking kuwarto. Nagulat pa ako. It was already past nine in the morning. Dahan-dahan akong bumangon at nagpunta sa aking banyo upang maligo. Habang patayo sa aking higaan ay napag-isip-isip ko ang aking panaginip. Iiling-iling ako na napapangiti. First time kong mag-wet dreams and it is Goddamn freaking me out! Nakakahiya! Lalo na’t si Xander ang lalaking nakaulayaw ko. “Why? Why? Bakit siya pa? Ang dami namang iba riyan!” nakabusangot kong sabi. “Okay, okay, a dream will always be a dream!” matigas kong panambitan sa aking sarili at pagkatapos niyon ay nagtuloy na ako sa loob ng banyo. PABABA NA AKO ng hagdan nang makasabay ko si Armina. Kasabay ng pagtitig ko sa kaniya ay ang pamumula ng kaniyang magkabilang pisngi. Ako’y tila hindi rin mapakali. Kasi naman . . . “What a dream!” mahina kong bulong habang nakasunod sa kaniya. Habang naglalakad kami ay napansin kong ‘di niya maiwasan ang mapalingon sa akin. Kasi naman, nasa likuran nga niya ako, hindi ba? Basta, alam kong kagaya ko ay hindi rin siya mapakali. Tila conscious siya na nasa malapit ako. “Ba’t ka sumusunod?” she hissed. “Nah, ‘di ba daanan ‘to papunta sa kitchen?” mahina ko ring bulong at halos magkasalubong na ang kilay. “So?” mataray niyang sagot. “Obvious na mag-aalmusal pa lang ako. Kagigising ko lang Armina, so, kung puwede ay padaanin mo na ako,” mabilis kong sabi at walang anu-anong nagpatuloy ako sa paglalakad. I don’t know but I love the way she blush. Tila may isinasamo ang mga mata niyang nangungusap. Nang marating namin ang dining area ay dahan-dahan akong naupo sa isa mga upuan. Nagulat nga ako nang sumunod na umupo si Armina. “Are you going to have your breakfast too, Armina?” “Obvious ba? Kagigising ko lang Luis,” panggagaya niya sa dialogue ko. Iiling-iling akong napatingin sa kaniya. Kasabay niyon ang paglapag ng mga katulong ng iba’t ibang klase ng pagkaing pang-almusal like hotdogs, ham, cheese, bacon, fresh sunny side up eggs, sandwich, siningag na kanin with matching soup, a kettle of hot chocolate and fruits. I was amazed. Dadalawa lang naman kami ni Armina sa hapag-kainan pero kung makapag-serve ang mga maids nila ay tila sasabak kami ng giyera. Halata naman sa kasama ko na hindi ito masiba sa pagkain. “What are you staring at?” she snapped at me. “Nothing, sis. Just eat,” I stated. Nang lumapit sa amin ang matandang mayordoma ay may sinabi siyang hindi namin inaasahan ni Armina. Kapwa kami napanganga. It seems that she didn’t know anything and expecting that plan of our parents. Nang makaalis si Yaya Imelda ay marahan ko siyang tinapunan ng tingin na parang iisa ang nasa isip namin. “Hindi mo rin alam?” she finally said. “Yeah,” maikli kong sagot. “Five days silang mawawala, Xander. Anong gagawin natin sa limang araw na iyon nang wala Dad at Mama Ysabellita?” tila problemado niyang sambit. Itinigil ko ang pagnguya at maang ko lang siyang tinitigan. “Go on with your plans, Armina. I have my own plans, too. Kung nabo-bored ka, just go with your friends. Watch a movie, perhaps, stepsister?” patuya kong sabi habang umiinom ng kape. Mabilis na napabaling ang atensiyon ni Armina sa akin. “Yeah, what a bright idea, stepbrother? Kokontakin ko na lang si Bobby,” mahina niyang bulong habang ipinagpapatuloy na niya ang pagkain. At dahil sa sinabi niyang iyon, nabaling ulit sa kaniya ang atensiyon ko. Sa pagkakarinig ko ng pangalang Bobby ay tila nasira ang umaga ko. Isang ideya ang pumasok sa isip ko. A bright idea indeed. “Do you mind a double date, Armina?” “Double date? And who’s with you naman, Xander?” magkasalubong ang kilay niyang tanong. “I prefer to be with Vanessa. . . if you don’t mind?” pang-aasar ko sa kaniya. Tila naman nagtagumpay ako dahil parang nawalan nga siya ng gana at sa ‘di maalis na pagkakasalubong ng kaniyang kilay. Pigil na salita ang lumabas sa bibig niya. “At bakit mo tinatanong kung ayos lang sa akin na kasama mo si Vanessa? Na para bang may pakialam ako? Luis, I don’t care if you’re with Vanessa, okay?” diretsa niyang sabi at pagkatapos niyon ay uminom siya ng gatas. “Okay, stepsister. So, see you soon at Padilla Cinema Yard,” I finally said. Iniwan ko siyang kumakain dahil kokontakin ko si Vanessa. Sure akong sasama iyon kapag inaya kong manood ng sine o kumain sa labas. Kahit kasi sobrang busy ng schedule niya ay ginagawan niya ng paraan para sa akin. Hindi man niya aminin ang pagkakagusto sa akin ay halata naman sa mga kilos nito. Wala akong balak manggamit ng ibang tao. But this time, I need the presence of Vanessa to make Bobby go away from Armina. I was serious with this plan. Ayaw kong maging nobyo ni Armina ang ganoong klase ng lalaki. DUMATING ANG ORAS na susunduin ko na si Vanessa. When I reached her place, I meet with her parents as a usual routine. Her parents are full of good radiance. Ang akala siguro nila ay magnobyo kami ni Vanessa. Hinahayaan ko na lang sila kung ano man ang isipin nila. Mababait kasi ang pamilya Ramirez. According to Vanessa ay retired Army at may mataas na panunungkulan ang ama niya. Her mother was also a retired teacher sa isang mababang eskuwelahan sa kolehiyo. Binati ko rin ang Kuya niya na nag-aaral ng Law sa UP. Mabait din siya katulad ng mga magulang niya. Matapos kong maipagpaalam sa pamilya niya si Vanessa ay inalalayan ko siyang pumasok sa aking kotse. Habang nasa daan kami at binabagtas ang kahabaan ng Ayala ay marahang umimik si Vanessa sa aking tabi. “X-Xander, ayos lang ba ang suot ko?” nahihiya niyang tanong. Maang ko siyang tinitigan. A genuine smile broke my lips. “Yeah, you’re beautiful, Vanessa,” maikli kong sabi. Nag-blush siya at ikinubli mula sa akin ang pamumula ng kaniyang magkabilang pisngi. Muli ay ibinaling ko ang aking pansin sa daan. Kung ikukumpara si Vanessa at Armina . . . Vanessa was her opposite. Mahinhin ito ngunit may vulgarity sa pananamit dahil na rin sa klase ng trabaho nito. Tahimik at inosente siya pero kapag nakaharap sa madla ay tila sanay na sanay. With Armina, she is beautiful in her own way. The innosence is evident in her eyes. Tahimik din ito at mahinhin kapag maraming tao. Pero kapag kami lang dalawa ay lumalabas ang pagiging tigre niya. Ewan ko pero matagal ko nang kakilala si Vanessa. But it seems that my heart feels nothing for her. Kabaliktaran niyon sa nararamdaman ko sa stepsister ko. The first time I set my eyes on her at the restaurant . . . nag-iba na ang t***k ng puso ko. It was unexpected . . . and scary. Nakakatakot itong nararamdaman kong hindi naman nararapat. WHEN WE ARRIVED at our meeting place, I saw Bettina chattering with Armina and Bob. Mula sa malayo ay kitang-kita ko ang porma ni Bob. Yeah, magaling itong magdala ng kasuotan. But he didn’t have the charisma. Wala itong charm na katulad sa akin. Maikli ko silang binati. Kasabay niyon ang paglalahad ng aking kamay na aking ginagawa sa ngayon kay Bobby. Hindi iyon katulad nang una naming pagkikita. “Hey! You don’t mind if my company join too?” Bettina asked. “Yeah, sure,” Armina said na sinang-ayunan naman ni Bobby at siyempre pati ni Vanessa. “At sinu-sino naman ang kasama mo, Bettina?” “Luis, it’s Christmas break kaya mahabahabang break din ‘to. As usual ang kasama ko ay sina Geo, Alex, at Nicko!” nakangiti niyang salaysay. “Bakit isinama mo pa si Nicko? Mangugulo lang iyon!” kunyaring sabi ko dahil nakita kong papalapit sa amin sina Nicko. “Anong sabi mo, Xander? Upakan kaya kita riyan?” parang batang sabi nito sa akin at kunwaring sinasakal ako. “Hoy! Magtigil nga kayo! Nakakahiya sa kanila at ang dami kayang tao,” mahinang saway sa amin ni Alexandra. Maang lang na nakatingin sa amin si George habang lumipad ang tingin niya sa nakatitig na ring si Bobby. “Hey, dude, you look familiar. Nagkita na ba tayo?” Bob asked. Mahina siyang siniko ni Armina . . . may ibinulong. Dahil sa narinig ay dali-dali siyang humingi ng pasensiya sa ginawa. Isang taon na ang nakalilipas. Ngunit alam ko na hindi iyon kahit kailan makakalimutan ni Geo. Kilalang-kilala ko ito. “Okay. Okay, tapos na. Tara na manood na tayo at baka mawalan pa tayo ng upuan! Ang daming tao,” hiyaw ni Alexandra. “Ano ba, Alex? Kung makasigaw ka parang nasa gubat lang, ah!” pagbibiro ni Nicko. “Che! Pakialam mo? Kilala ba kita?” pagsusungit dito ni Alexandra at nauna nang pumasok. Natatawang sumabat si Bettina. “Ano ba kayo, guys? We have the VIP tickets here. Hindi tayo mawawalan ng seats.” “Oh, tingnan mo,” mahinang bulong ni Nicko na binigyan lang ng maarteng death glaire ni Alexandra. Naiiling na lang kaming sumunod nina George, Betty, Vanessa, Armina at Bobby. Napansin ko ang pagkawit ni Betty sa braso ni George. It seems may hindi sila sinasabi. “Ang saya palang kasama ng mga friends mo, Xander. Tiyak mag-e-enjoy tayo with their company,” nakangiting sabi ni Vanessa sa tabi ko. “Ah, yup! Ganiyan talaga kami. Kapag magkakasama, makukulit!” napapangiti ko ring sabi. Nang mapadako ang tingin ko sa mga kasama namin ay naalis ang ngiti ko nang biglang akbayan ni Bob si Armina. Tila umalsa ang dugo ko sa nakitang sweetness ni Bob kay Armina. Para namang napansin iyon ni Vanessa at mahinang binulungan lang ako. “What’s wrong, Luis?” nag-aalalang saad ni Vanessa sa akin. “N-nothing, Vanessa.” Nginitian ko na lang siya bilang assurance. Pero sa kabila niyon, hindi maalis ang pagkainis ko. Nauna na akong naglakad habang si Vanessa naman ay nakasunod lang sa akin. HABANG NASA LOOB kami ng sinehan, hindi ako makapag-concentrate sa palabas na aming pinapanuod. Panay ang halakhakan ng bawat manonood sapagkat comedy ang naturang palabas. Palihim kong pinag-aaralan ang bawat kilos ni Xander. Bakit kaya parang naiinis siya? Parang kani-kanina lang maganda ang mood niya, ah? Narinig ko ang mahina niyang pagbuntong-hininga. Sa palagay ko ay naiinis siya sa presensiya ni Bobby na kasalukuyang nakatitig kay Armina na stepsister ni Xander Luis. I was staring at Armina now. She laughs as if she doesn’t notice anything. Muli ay tinitigan ko si Xander and the sad thought popped on my mind. Tumingin ako sa mga kamay ko na nakakuyom. Yes, the realization that Xander Luis have feelings for his stepsister hits me. Hindi iyon maikakaila sa akin ni Xander dahil kahit bulag o kung sino pa man ay makikita at mararamdamang may gusto siya kay Armina. “Hey, Vanessa, what’s wrong?” “Huh? W-wala.” Nilingon ko si Xander na seryoso na palang nakatitig sa akin. Sinubukan kong balewalain ang natuklasan ko pero pilit iyong gumugulo sa aking isipan. Muli ay palihim akong napatingin kay Armina. “I don’t know but I have this feeling na magiging complicated ang lahat sa amin ni Xander. And it’s all just because of Armina existence.” NANG MATAPOS ang panunuod namin ay hindi pa rin nagbago ang mood ni Xander. Parang nakasimangot pa nga siya sa unang tingin. Naagaw ang atensyon ko nang walang anu-anong sumigaw sa kung saan si Alexandra. Ayon kay Xander Luis, may pagka-tomboyish type siya pero sweet girl naman sa grupo nila. “Guys, tara na sa Menesis Grills! In the house lahat. Siguro naman walang tatanggi sa libre!” “Naman! Tara, nagutom ako roon sa pinanood natin,” sabi naman ng makuwelang si Nicko. “Oo nga, eh, ‘di halata!” iiling-iling na sabi naman ni Alexandra. Habang naglalakad kami ay nasa likuran lang kami ni Xander kaya kitang-kita namin ang ka-sweet-an ni Bobby kay Armina. Marahan kong tinapunan ng tingin si Xander na unti-unti na yatang tinutupok ng galit. Mabini kong hinawakan ang kanang kamay niya upang kahit papaano ay mapayapa ang kalooban niya. Para namang nahimasmasan siya at pilit na ngumiti sa akin. Pero ‘di man lang umabot sa mga mata niya ang kislap. I just grabbed his hand tightly. Hinayaan ko na lang kung ano ang isipin nito. Bahala ito kung iwaksi niya ang kamay ko na humahawak sa kamay niya. Ang gusto ko lang ay iparamdam na narito lang ako sa tabi niya. Na hindi ako mawawala. Nang marating namin ang Menesis Grills ay iginala ko ang paningin ko. Halos puno na ang naturang lugar. Natuon ang atensiyon ko sa unahan, nag-umpisa na kasing maglakad si Alexandra. Habang naglalakad ay ibinibida nito ang naturang pag-aari ng kanilang pamilya. “May barbeque kami rito, inihaw na bangus, pusit, at tilapia. Kung gusto niyo naman ng ulam ay meron din kami rito. Specialty namin ang sisig rito. . .pati lechon manok at baboy. Unli rice at sabaw rin dito mga repa. Kaya ano pang hahanapin n’yo? Dito na tayo!” Mukhang sanay na sanay siyang iprinopromote ang kanilang negosyo. “Hindi ba, ikaw si Vanessa Ramirez? Hi, fan mo ko!” magiliw na sabi ng may edad ng babaeng biglang lumapit sa akin. Mukhang napalakas ang pagkakasabi niya kaya nakaagaw ng pansin. Hanggang sa mayamaya ay dinudumog na nga ako ng mga tao. May kumukuha ng litrato at nagpapapirma. Napansin kong tumigil din sa paglalakad sina Armina. “Guys, mauna na kayo. Tatapusin ko lang ‘to,” nagpapaumanhin kong sabi. “Sige, wait ka na lang namin,” mahinhing sabi ni Bettina. Nang matapos ang mahabang kuhanan at pirmahan ay agad akong lumapit kina Xander. “Sorry, hindi ko naman aakalain na matatagalan,” nahihiya kong sabi sa kanila. “It’s okay, Vanessa, tiyak dadayuhin na ng maraming tao ang Resto Grill namin kasi pinupuntahan na ng mga katulad mong sikat,” natutuwang sabi ni Alexandra. “Tama! Iba na talaga ang may kasamang sikat. Feel ko sikat din tayo!” hagikhik ni Nicko. “Kayo naman, baka lumaki ang ulo ko niyan,” nahihiya kong saad. “C’mon Vanessa, malayong mangyari iyan. You know. . . humble ka,” out of the blue na sa sabi ni Xander. Tila lumobo ang puso ko sa papuri na sinabi ni Xander patungkol sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang kumawit sa braso niya. “Ganoon ba, Xander? Thanks for that nice compliment of yours!” “Tara na, gutom na si Bobby, guys!” Napalingon ako kay Armina. Mukhang masama ang timpla niya na nakatunghay sa amin. Tila inis siya sa nasaksihan sa amin ni Xander. But, I don’t care kung may gusto rin siya kay Xander na stepbrother niya. Kahit magkagustuhan sila ay walang forever sa kanila dahil kasal na ang mga parents nila. And that is my lucky chance for Xander Luis. I will do everything to own his love. WERE IN A COZY dining room of Menesis Grills at the moment. Nakaupo na kaming lahat. Tahimik lang kami habang nagbibigay naman ng malamyos na tugtugin ang stereo. Love song ang kasalukuyang tugtugin kaya romantiko ang ambiance ng lugar. Bagay sa aming apat na pares. While eating, napansin kong siniko ako ni Bobby na nasa kanan ko. “Something wrong, Bobby?” I asked. “Nothing, my dear cousin!” walang anu-anong lahad ni Bobby. Napansin kong umagaw sa atensiyon ni Xander, Armina at ng iba pang kasama namin sa lamesa ang sinabi ni Bobby. “Cousin?” magkakapanabay nilang sabi. “Yeah! We became cousins nang ipinanganak kami. Her mother and my mother are siblings,” bunyag ni Bob sa lahat. As my eyes set to Xander Luis, tila nawalan ng kulay ang mukha niya. I don’t know but there is something bothering him. May tumatakbo sa isip ni Xander . . . and I desperately want to know that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD