PROLOGUE
PROLOGUE
Dahan-dahan akong humiga at napapikit. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko, tila may nag-iba na.
Biglang gumuhit sa balintataw ko ang isang malabong imahe . . .
Imahe ng isang babaeng umiiyak na may hawak-hawak na bracelet.
Pilit ko itong inaaninag ngunit nanatiling malabo ang lahat.
Muli kong iminulat ang aking mga mata. Mabilis pa ring tumitibok ang puso ko. Natitiyak kong ang imahe ng babaeng malabo sa isipan ko ang siyang makakasagot sa mga nangyari sa akin. Na may dahilan kung bakit nabigyan ako ng ikalawang buhay. Nararamdaman ko, hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakikita ito. Pinapangako ko iyan!
AN EVERLASTING LOVE BOOK 1 & 2
Babz07aziole
Romance/Historical
BLURB
“Sa larangan ng pag-ibig, ano ang makakaya mong isakripisyo para sa kapakanan ng iyong minamahal?”
Si Armina Deo Gracia at Xander Luis Montenegro, pinagtagpo sa maling panahon. Nagkaroon man ng kanya-kanyang pamilya ay nanatili ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Hanggang dulo…
Si Katherine Salcedo at Ivan Sammuel Stevenson, apo ng yumaong Armina at Xander Luis. Pinagtagpo at kusa nilang nasumpungan ang pag-ibig sa bawat isa kahit na magkaiba ang estado nila sa pamumuhay at marami ang humahadlang.
Magiging katulad din ba ng kanilang namayapang abuela at abuelo ang kanilang pag-iibigan? Sa panahong malupit ang kapalaran, magkakaroon ba ng pag-asa ang kanilang pag-iibigan?
Kaya bang mapanindigan ang wagas na pagmamahal kung ang alaala nila’y maaaring mahadlangan ng kanilang pagitan sa nakaraan?
A/N
Handa ka na bang makilig, tumawa, mainis, umiyak, ma-inlove sa nobela kong ito. Halika! Samahan mo kong tunghayan ang nilalaman ng kwentong ito na isinulat ko noong ako'y umeedad ng 17. Paunawa, walang masyasong BS ito. Pero huwag kang mag-alala ibang level naman ang mararanasan mo kapag binabasa mo ito. Dito mo mararanasan ang isang wagas na pag-ibig na hahamakin man ng tadhana at panahon ay kusa pa rin silang magtatagpo para sa pag-ibig na inaasam-asam nila...