Nagsusulat ako dahil dito ako sumasaya.
ABOUT THE AUTHOR:
Her real name is Eloiza Fernando; she was born on December 07, 1992 from Tarlac. She’s a former Overseas Filipino Worker in Kuwait City around the year 2017 to 2020.
She started writing at the age of 12, her first work entitled “Maling Pag-ibig” was published on her wattpad account. During highschool days she have finished a lot of novelettes and novels until she reached college.
When she discovered wattpad in 2014, she started posting her completed novel story including oneshots and flashfiction. It was then that she decided to join several writing contest around the year 2016 to 2019.
She was also a nominee of “Undiscovered Gems” ng gawad parangal ng PL year 2019. She released her first novel as a physical book around the year 2020. It was entitled "UNRAVEL ME" under Yeoja contest; a writing contest from facebook.
Under Howling Publishing House, one of her Oneshot “TAKIP-SILIM” contributed in OKATOKAT ANTHOLOGY. It is then followed by her erotic novel liable for publication under the same publishing house entitled “Untold Obsessive Sex Case”. Also, another novel of hers entitled “Playboy Meets The Unwanted Girl” is also liable for publication under Chapters Love Publishing House, this year 2021.
Lastly, another novel of hers entitled "Hunting Kendra (The Last Vampire) is also liable for publication under the RM Publishing House, this year 2021.
Currently, despite being busy due to the writing industry, she\'s a responsible and loving housewife and mother to her husband and son named JZ. She is active on joining writing contests and sometimes even becomes a judge in facebook writing contests.
You can follow her in:
Dreame account: @babz07aziole
Wattpad account: @babz07aziole
BOOKLAT:@babz07aziole
WEBNOVEL:@babz07aziole
GOODNOVEL:@babz07aziole
FB PAGE/INSTAGRAM: @babz07aziole
YOUTUBE CHANNEL:Babz07aziole Vlog
"The sweet taste of your blood makes my body ache for more..."
-Timothy Grae
HUNTING KENDRA
(The Last Vampire)
Vampire/Zombie/Wolf Series
Written by: Babz07aziole
Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan ay tawaging zombie sa mundo ng mga tao. Sakop din nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi.
Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng Bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria.
Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at Bampira na tumagal din nang ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyang nagapi at naubos ang mga lahi ng Bampira.
Pero iyon ang inaakala ng lahat—dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra—ang anak ng Hari ng mga Bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng Bampira.
Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito.
Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nanganganib mawasak sa hinaharap.
Ganni Dela Cuenco mahilig sa adventure. Lahat ay pinapasukan niya gulo man iyan o hindi. Magkagayunman ay nagsusumikap siyang pagtapusin ang sarili sa pag-aaral dahil ayaw na niyang maging pabigat sa mag-asawang matanda na kinupkop siya.Isang beses ay may nakapagsabi na magkakaroon ng isang bidding sa tagong lugar sa Lomono. Siyempre game na game siyang sumali, walang pagdadalawang-isip na nagpunta siya at napasama sa mga babaeng naroon.Akala niya ay simpleng pustahan lamang at labanan iyon at hindi siya mahihirapan. Ngunit laking gulat niya, puri pala niya ang nakataya sa mga mayayaman na naroon.Gusto niyang mag-back out dahil gurang na halos ang lahat ng kalalakihan na nakikipag-agawan upang ma-ikama siya.Sa huling sandali bago tuluyan magbago ang isip niya ay isang lalaki ang namumukod tanging umagaw sa atensyon niya.Si Aldwin Grendicio, Business Tycoon, mala-adonis ang kaguwapuhan, ang dating nito ay tila sa mga action leading man na napapanuod niya sa movie lang. Halos malula siya sa halagang inihain nito: isang daang milyon piso lang naman!Akala niya ay tapos na ang surpresa sa gabing iyon. Pero biglang dumating si Crisostomo Givera ang guwapo at kinaiinisan niyang Professor sa pinapasukan niyang University.Sa hindi malaman dahilan, mukhang magkakilala ito at ang lalaking gustong bumili sa kanya. Laking gulat niya dahil hinigitan nito ang bidding.Tila hindi pa nakuntento ang dalawa, dahil nagsukatan pa ng lakas ang mga ito para makuha lang siya.Mukhang seryuso ang mga ito sa kanya, dahil halos walang gustong magpatalo. Sa gulat niya ay hindi lang iisang lalaki ang napipintong makakakuha sa kanya sa gabing iyon.Sino ba sa dalawa ang mananalo sa puso ni Ganni.Si Aldwin ba o Si Crisostomo?Ang hindi niya alam sino man sa dalawa ang piliin niya, peligro ang magiging kalalagyan niya.
"You call it madness, but I call it love."
-Don Byas
Timeless Series 3
The Mafia Boss Unrequited Lover
Babz07aziole
Rom/Com/Action
Rudny Aragon, isa sa mga taniyag at bigating bagito na namamahala sa isa sa pinakamataas na high class syndicate o Mafia Group sa Bansa. Ang "AA(ARAGON ALLIANCE) " . Night Club, Casino at hostel ang mga pangunahin business nila.
Bata pa lamang siya ay tri-ni-train na siya ng Ama sa mga pasikot-sikot sa business nila. Pabor naman sa binata iyon, tila nasa dugo na niya ang ang angkin galing sa mga bagay-bagay ukol sa kalakaran na hinahawakan.
Happy go lucky, mapaglaro at babaero ito. Wala pa itong sineseryusong babae. Maging si Elisse na tinangkang ipakasal sa kaniya'y tuluyan niyang naitsapwera.
Ngunit, dumating sa buhay niya si Beatrice De Guzman, ang nakakabatang kapatid ni Novice na bestfriend niya. Ang babaeng nagbigay ng kaguluhan sa payapa niyang buhay. Bente singko na ito pero kung umakto'y nag-aasal desi-sais!
Paano niya maiwawala ito sa kaniyang landas, kung lagi itong nakabuntot at nangungulit sa kaniya. Isang beses ay umamin ito sa kaniya, for the first time ay may binasted siyang babae.
Dumating ang araw, na hindi na nangungulit si Bea. Akala niya'y babalik sa dati ang buhay niya. Ngunit, nagkamali siya.
Dahil napag-alaman niyang binihag ito at ginawang pain ng pinakabigatin kalaban niya.
Isa lamang ang makakapagligtas dito, itataya ba niya ang lahat ng meron siya para mailigtas si Beatrice? O hahayaan niyang mamatay ito sa piling ng mga kalaban? Or he will end it with one blow?
Playboy Meets The Unwanted Girl
Babz07aziole
Romance
Bimbi also known as Benedict Castellejo, isang certified playboy. Kung sino-sinong mga kilalang babae sa alta-siyudad nila ang kinikita nito at kinakarelasyon.
Ngunit. . . magbabago sa isang iglap ang lahat-lahat ng nakasanayan niya.
Dahil lang naman sa pagdating sa buhay niya ni Rachelle Madriaga, ang babaeng unang beses na pag-uukulan niya ng malalim na damdamin.
Ibibigay niya rito ang commitment na hirap siyang ibigay sa lahat ng babaeng nagkandarapa sa kaniya.
Pero hindi katulad ng mga babaeng humahabol rito ay ibang-iba si Rachelle.
Sa pagkamangha ni Bimbi ay ni-reject lamang siya ng babae matapos na may mangyari sa kanila ng gabing parehas silang malasing nito. . .
"I did that because narealize ko na mas magandang maghiwalay tayo. Dahil ayaw kong dumating ang panahon na dahil sa pagmamahal na meron tayo ay lalo nating mawasak ang isa't isa. . . I'm sorry."
-Novice
A Timeless Series 2
Bitter Sweet Lover
babz07aziole
romance
BLURB:
Kilalang walang sinasanto ang katulad ni Novice De Guzman. Pagdating man sa business world o usaping buhay.
Hindi siya nangingiming kalabanin ang sino man hahadlang sa kaniyang mga plano. Kung kinakailangan niyang pumatay, magagawa niya.
Sa kabila ng lahat ay mapapasunod siya ng taong higit na kinasusuklaman nito- ang sariling ama.
Iminungkahi nitong magpakasal siya, pumayag si Novice kahit labag sa kaniyang loob.
Natuklasan niyang kilala niya ang babaeng napipisil nito para sa kaniya.
Walang iba, kun'di si Shaina Monuz, ang dating nobya ng binata!
Ipapakita niya sa nagmamagaling na ama na maling-mali ito na ipakasal siya.
Pakikisamahan ni Novice ang babae at sasaktan katulad ng dati...
Pero namamalayan na lang niyang unti-unti siyang nahuhulog dito, kasabay ng pagkasira ng pagsasama nila, dahil na rin sa mga maling desisyon ng binata.
Maisasalba pa ba niya ang pagsasama nila? O hahayaan niyang muling mawala ito sa kaniyang buhay...
"Mabuhay man ako uli, siya at siya pa rin ang pipiliin kong mahalin at makasama habang buhay..."
-Kenjie Ryu Buencamino
I LOVE YOU SERIES17
LOVE YOU STILL(UN-EDITED)
Babz07aziole
ROMANCE
BLURB:
Kenjie Ryu Buencamino a 15 years old high school student in there own school, known as being badboy and notorious in town.
His family own a multi-millionaire corporation nationwide and a seafood restaurant all over the world na mamanahin at papatakbuhin niya in the future.
Ngunit sa sobrang pagkatigas ng ulo niya'y ka-kailanganin niyang magtrabaho sa sarili nilang restaurant ng isang Buwan.
Makikilala niya si Venice Santos. Unang pagkakita pa lamang niya rito'y may kakaiba na siyang naramdaman.
Paano ba niya ipaglalaban ang nararamdaman, kung 15 years gap nila. Hindi lang iyon, Venice is also known a single mother.
Mapapa-ibig ba niya ito? Masusuklian ba pabalik ni Venice ang nararamdaman niya?
O mananatili na lang pangarap niya ang babae hanggang dulo...
UNRAVEL ME
BABZ07AZIOLE
ROMANCE
Varun Sebastian is a well known young businessman in their society. He built a strong name when it comes to business industry.
He is devilish, mysterious and an intriguing man. He didn't give a s**t to anyone. He have this authority that no one can invade.
But all of a sudden... it will collapse when Pamela Juan comes into the picture.
Proclaiming that he is her long lost fiance!
Will he deny it?
Or will he just accept her claim and become her fiance?
Little did he know that this young woman has a big part on his past which ruined his trust on committing his self to any woman...
“Sa larangan ng pag-ibig, ano ang makakaya mong isakripisyo para sa kapakanan ng iyong minamahal?”
AN EVERLASTING LOVE BOOK 1 & 2
Babz07aziole
Romance/Historical
BLURB
Si Armina Deo Gracia at Xander Luis Montenegro, pinagtagpo sa maling panahon. Nagkaroon man ng kanya-kanyang pamilya ay nanatili ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Hanggang dulo…
Si Katherine Salcedo at Ivan Sammuel Stevenson, apo ng yumaong Armina at Xander Luis. Pinagtagpo at kusa nilang nasumpungan ang pag-ibig sa bawat isa kahit na magkaiba ang estado nila sa pamumuhay at marami ang humahadlang.
Magiging katulad din ba ng kanilang namayapang abuela at abuelo ang kanilang pag-iibigan? Sa panahong malupit ang kapalaran, magkakaroon ba ng pag-asa ang kanilang pag-iibigan?
Kaya bang mapanindigan ang wagas na pagmamahal kung ang alaala nila’y maaaring mahadlangan ng kanilang pagitan sa nakaraan?
SOON IN DREAME
"From the deepest DESIRE often come the deadliest hate."
-socrates
Hidden Desire R-18
Babz07aziole
Erotic/
MAGMULA ng madevirginize si Desiree ng hindi sinasadiya sa isang lalaking hindi naman niya kilala ay nagbago na ang lahat sa kaniya.
Hindi niya batid kung normal lamang sa katulad niyang babae ang naging uhaw sa sex pagkatapos noon. Dahil imbes na matakot siya sa naging karanasan ay lalo niyang hinahanap-hanap ang pakiramdam na nasa rurok ng luwalhati.
Dumating na nakilala niya si Guiller, pinakasalan siya at nagkaroon ng mga anak.
Akala niya magiging masaya at makukuntento siya sa lalaking pinili. Inaakala niyang titigil siya sa nakasanayan, ngunit nagkamali siya. Dahil lalo siyang inalipin ng tawag ng laman sa tuwina, hanggang sa tuluyan nakagawa ng pagkakasala si Desiree: Ang sumiping sa ibang lalaki bukod sa asawa niya.
Noon palang sana sinabi ko na, ipinadama ko na. Nayakap ka at nahagkan ang mapupula mong labi. . .
Hindi na sana nag-sisisi at naghihinagpis. . .
Napakahalaga pala ng bawat sandali na ikaw ay kapiling ko. .
Ngunit ngayon wala-wala na. . .
HINDI KO NA MAIBABALIK ANG KAHAPON. . .
ALAALA NA LANG BA NG KAHAPON NA IKAW AY KAPILING. . .
. . .Mahal ko
Hopeless
Alaala Ng Kahapon
Babz07aziole
Teenfic
Lawrence Paul Berlington, sikat at kilala sa kanilang eskuwelahan. Galing sa buena de familia sa kanilang siyudad.
Guwapo,matalino; halos lahat nasa kaniya na.
Napakapayapa ng buhay niya, sa eskuwelahang pinapasukan. Ngunit magiiba iyon, nang dahil kay Esteffany Perez. Bagong transferee, na galing sa pampublikong paaralan.
Unang kita pa lamang niya rito'y nagkaroon na si Esteffany, ng pitak sa kaniyang puso. Papaano, kung maski mga kaibigan niya ay ayaw kay Esteffany.
Araw-araw binibigyan niya ng pasakit ito. Sa araw na lumilipas na nadudulatan niya ang dalaga ng pasakit, nagiging daan naman iyon para lalo silang magkalapitan.
Ngunit hindi naging madali ang lahat sa kanilang dalawa. Sapagkat maski ang nagiisa niyang kapatid na si David ay mukhang nagkagusto na rin dito. Kailangan niyang pumili.
Ngunit sa pagpili niyang iyon. Lalo niyang naiwala ang lahat-lahat. Na maski ang tadhana nila' y hindi sumang-ayon....
Ang Lihim Ni Dhalia (PREVIEW ONLY)
BY: BABZ07AZIOLE
GERNRE:EROTIC
SUB. GENRE:MYSTERY/THRILLER
"Hypersexuality is not a good thing. It was a need that I had to fill..."
-GABE HOWARD
SYPNOSIS
Bata pa lamang si Dhalia Uson ay nakaranas na ito ng iba't ibang pang-aabuso sa mga kalalakihan.
Hanggang sa magdalaga ito'y dala-dala nito ang mapait na karanasan.
Ginamit niya ang ganda ng mukha at kakaibang alindog na sadiyang bumabaliw sa mga lalaking naiuugnay sa kaniya.
Hanggang isang lalaki ang dumating sa kaniyang buhay. Tinanggap siya nito ng buong-buo at walang pag-aalinlangan.
Nahanap niya rito ang tunay respeto at pagmamahal na matagal din niyang inaasam.
Ngunit...
Sadiya yatang mapagbiro ang tadhana, dahil lalong naging magulo ang mundo ni Dhalia magmula noon.
Unti-unting gumuho ang lahat ng pangarap niya sa buhay.
Maski ang kaniyang pagkatao na pilit niyang isinasalba ay naiwala niya ng tuluyan...
ANNOUNCEMENT:
THE WHOLE CHAPTER OF THIS BOOK POSTED IN THE GOODNOVEL APP JUST SEARCH MY USERNAME @babz07aziole
Love Can Save It All
Babz07aziole
Romance/Fantasy
Highschool sweet heart sina Monette Del Gado at Jared Lopez. Noong una, alangan si Jared kay Monette ngunit para sa dalaga, si Jared na ang kaniyang kapalaran. Kaya kahit na anong mangyari ay pinanatili niya ang relasyon nila ng binata.
Karaniwan na sa isang relasyon ang paminasan-minsang hindi pagkakaunawaan. Umabot sila ng walong taon kahit na malaki ang disgusto ng mga magulang ni Monette sa binata. Ipinaglaban niya ito.
Madaming pagkakataon na halos sumubok sa pag-iibigan nila at sa halos walong taon nilang relasyon, bukod-tanging si Monette ang nanatiling 'di nagbago sa kanilang dalawa.
Kahit ang totoo'y labis-labis nang nasasaktan ang dalaga, pilit na inuunawa niya si Jared.
Halos nalagpasan nila ang lahat ng uri ng pagsubok.
Ngunit paano kung isang araw, subukin sila ng isang trahediya na babago sa pagkatao ng bawat isa.
Kasabay ng trahedyang iyon, dumating ang isang matabang estrangherong hubad na lalaki sa buhay ni Jared.
Nagpakilala ito bilang Eros at madami itong nalalaman tungkol sa kanila.
Batid ng binata na hindi lamang pangkarinawang nilalang ang bagong kakilala. Malaking palaisipan din dito kung bakit siya lamang ang nakakakita at nakakausap dito.
Ganunpaman, kahit anong tanggi ng isip niya ay nanatili siyang nakikinig at umaayon rito.
Halos mabaliw-baliw na si Jared sa magiging desisyon. Hahayaan ba niyang pailalim sa mga dikta ng salita ni Eros o tuluyan siyang 'di maniniwala rito?
Magpapailalim ba siya ng tuluyan sa binuong laro ng isang mapaglarong nilalang o ibibigay niya rito ang buong tiwala upang maisalba ang buhay ng nobya at maitama ang mga pagkakamali sa reyalidad?
Forever Yours, Forever Mine
(romance)
babz07aziole
Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan.
Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. Isang certified playgirl, masama ang reputasiyon sa kanilang campus. Bitch figure kumbaga.
Never niyang magiging ideal woman ito, ngunit tuluyan napukaw nito ang kuryusidad ng binata.
Hanggang isang araw, tuluyan na siyang nahumaling rito. Binalewala niya ang lahat ng babala ng mga kaibigan niya. Nagpakatotoo ito.
Pero paano, kung malaman niya isang araw na nagpapanggap ito?
Ginamit lamang siya nito upang makaganti ito sa taong may malaking atraso rito.
Hindi aakalain ni Alden na ang taong naging punot dulo ng pagkawasak ng babaeng minamahal ay may malaking kaugnayan pala sa buhay niya. . .