bc

Love You Still (ILY SERIES 17 TAGALOG)COMPLETED

book_age16+
167
FOLLOW
1K
READ
age gap
second chance
badboy
inspirational
single mother
sweet
bxg
male lead
office/work place
like
intro-logo
Blurb

"Mabuhay man ako uli, siya at siya pa rin ang pipiliin kong mahalin at makasama habang buhay..."

-Kenjie Ryu Buencamino

I LOVE YOU SERIES17

LOVE YOU STILL(UN-EDITED)

Babz07aziole

ROMANCE

BLURB:

Kenjie Ryu Buencamino a 15 years old high school student in there own school, known as being badboy and notorious in town.

His family own a multi-millionaire corporation nationwide and a seafood restaurant all over the world na mamanahin at papatakbuhin niya in the future.

Ngunit sa sobrang pagkatigas ng ulo niya'y ka-kailanganin niyang magtrabaho sa sarili nilang restaurant ng isang Buwan.

Makikilala niya si Venice Santos. Unang pagkakita pa lamang niya rito'y may kakaiba na siyang naramdaman.

Paano ba niya ipaglalaban ang nararamdaman, kung 15 years gap nila. Hindi lang iyon, Venice is also known a single mother.

Mapapa-ibig ba niya ito? Masusuklian ba pabalik ni Venice ang nararamdaman niya?

O mananatili na lang pangarap niya ang babae hanggang dulo...

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
MARAHAN ang ginawang pagsunod ng mga mata ni Kenjie sa babaeng nakasuot ng pulang backless dress na humahapit sa balingkinitan nitong katawan. Matagal ng panahon ng huli silang magkita nito, hanggang ngayon ay wala pa rin kakupas-kupas ang angkin nitong ganda. Para ba siyang nabatabulani sa pagkakatitig sa maganda nitong mukha habang nag-umpisa na siyang maglakad palapit sa babae. Agad niyang hinablot sa waiter na dumaan ang isang bote ng champagne na hindi pa nabubuksan, maging ang dalawang basong babasagin na nakapatong sa hawak-hawak nitong tray. Nang mapagsino siya'y nginitian na lamang siya at tinanguan. Sino ba naman kasi ang hindi makakakilala sa kanya. Kilala ang angkan na pinagmulan sa society na purong mayayaman ang kinabibilangan. Lalo't ngayon matapos ang mahabang taon ay naipasa na sa kanya ang lahat ng mga properties at business na pagmama'y ari lang naman ng mga Buencamino. Pasasaan at kakailanganin niyang makapamili ng babaeng hahali sa kanyang pagpapatakbo ng kumpanyang minana. Magkagyunman ay wala sa mga babaeng napipisil ng mga magulang ang aaprubahan niya. Kung 'di nasa babaeng patuloy niyang hinahabol ng mga sandaling iyon. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha nito, pagkatapos ay ang lantaran pagkunot-noo ng babae matapos niyang ngitian ito ng buong simpatiko. "Care for a drink Venice?"maginoo niyang pag-aya sa babae. Hindi na niya ito hinayaan makasagot at makatanggi katulad ng palagi nitong ginagawa sa tuwing nasa paligid siya may labing-limang taon na ang nakararaan. Agad niyang hinapit sa beywang ito at iginaya paalis sa karamihan ng tao. Ngiti at pagtango na lamang ang isinukli niya sa mga taong nakakasalubong nila. Kahit nasa paligid ang atensyon ni Kenjie ay ramdam niya pa rin ang panginginig ng buong katawan ni Venice na nakadikit sa kanya. "Hanggang ngayon ay wala pa rin palang pinagbago ang ugali mo Mr. Buencamino,"inis na umpisa ni Venice na napairap kapag-daka matapos itong makalayo mula sa pagkakahapit ng binata. Sumandig naman mula sa hamba ng terasa ang binata. Ipinatong na nito ng tuluyan sa lamesa na naroon ang bote at dalawang baso. "Come on! sweety, even you're also the same woman I met before. Napakaharsh mo pa rin magsalita pagdating sa 'kin,"ammuse na sabi ni Kenjie na umpisahan ng buksan ang bote na naglalaman ng champagne. Matapos malagiyan ng binata iyon ay mabilis na inuumang nito iyon sa babae na nakahalukipkip pa rin ng mga oras na iyon. "Here take this, it makes your nerve to calm sweety... para hindi ka napaghahalataan diyan,"pilyong biro ni Kenjie. "Aba at ang kapal talaga!"pagpaparinig ni Venice, ngunit maya-maya ay kusa naman kinuha ng babae iyon at agad na idinampi sa mapupulang labi nito. Hindi naman mapigilan ni Kenjie na pagmasdan kung paano inumin ni Venice ang lamang ng baso. Agad niyang ipinilig ang ulo ng lubos niyang maisip kung saan patungo ang isip niya. Natatawa siya na ewan. Hanggang ngayon pa rin kasi ay pinapangarap niyang mahalikan ang labing iyon na kinabaliwan niya noong umeedad pa lamang naman siya ng kinse. Matagal ng panahon... "Oh! ano tinatawa-tawa mo diyan?"asik ni Venice na magkasakubong na ang dalawang kilay. Halos malukot na ang mukha ng babae ngunit gandang-ganda pa rin siya rito. "Nothing sweetheart! chill okay!" Ngunit halatang hindi ito naniniwala. "Pwedi ba ano bang kailangan mo? Tahimik na ang buhay ko bakit lapit ka na naman ng lapit? manhid ka ba, hindi ba't sinabi ko na noon pa man na wala kang maasahan sa akin. Kaya pwedi! shooo! get lost! Go away!"Pagtataboy pa nito. Malakas pa nitong ibinagsak ang basong hawak. Mabuti na lamang at nakontrol pa rin ni Venice ang sarili. "I decided to grant the wishes of my beloved parents Venice. To find a woman to be my bride and that perfect woman for me Venice is none other than... you."dire-diretsong bigkas ni Kenjie na may maluwang na ngiti sa labi. Awang at puno ng pagkamangha ang makikita sa kabuuan ng mukha ni Venice. Tuluyan siyang napahalakhak pagkatapos. "Ayun! pinakahanep na prank na narinig kong magagawa mo sa akin. Kaso, hindi ako naniniwala! Diyan ka na nga, humanap ka ng babaeng magta-tiyaga sa mga kalokohan mo hindi ka pa rin nagbabago akala mo laro lang sa'yo ang lahat!"nasa himig na ng babae ang pagkainis sa lalaking kaharap. Tatalikod na sana siya ngunit mabilis na nahawakan siya sa may braso ng binata. "Not so fast sweety, stay!"Pigil ni Kenjie sa maawtoridad na tinig. Mabilis na ipinagpag ni Venice iyon. Dama niya ang kilabot na rumaan sa himaymay ng katawan niya. "Pakialam mo ba! Kahit na kailan ay hindi ako papayag sa mga gusto mo!"bulyaw na niya wala ng kapaki-paki si Venice kung may makapansin sa kanila. Ang gusto niya lang ay makalayo sa lalaki. "Paano kung sabihin kong wala kang magagawa. Hinayaan na kita dating makawala sa paningin ko, 'di na ngayon..."Kitang-kita ni Venice ang gwapong pagngisi ng binata. Sa isang iglap ay malaya na siyang nahapit nito. Isinandig pa siya nito sa may hamba ng terrace. Wala sa oras na napakapit tuloy siya sa bisig ni Kenjie at mariin na napapikit, takot siyang mahulog sa ibaba pero mukhang mas takot siyang mapalapit kay Kenjie. "Lumayo ka nga!"hysterical ng bulyaw ni Venice. Lalo siyang natuliro ng itinaas pa ng binata ang binti niya. Ramdam niya ang lalong pagdikit ng ibabang bahagi nito sa kanyang katawan! "See... see what you're f*****g doing to me sweety,"anas ni Kenjie. Nang magmulat si Venice ng mata ay ka-hibla na lamang ang puwang sa mukha nila ni Kenjie. Dumoble tuloy ang pagtibok ng puso niya na tila anuman sandali ay mahihimatay siya! "B-bitiwan mo ko Ken, please..."sumamo ni Venice. Ngunit tila yata kulang ang diin ang mga salitang nanulas sa labi niya. Dahil lalo lamang inilapit ng binata ang mukha sa kanya. "Bakit? Naapektuhan ka na ba, dahil hindi na ako katulad ng dati Venice na isang kinse anyos na panay ang habol lang sa'yo. Now, I'm a fully man grown man now. Makakaya ko ng makipagsabayan sa mga lalaking nagpapansin sa'yo. So, don't you ever stop me for getting near from you, 'cause no one can't push me way from you. Not even you my sweets." Naestatwa na lang si Venice ng kusang dumikit at laliman pa ni Kenjie ang paghalik sa labi niyang kaytagal ng pinangarap maangkin ng binata...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook