Prologue
HIYAWAN at panay sipol ang madidinig sa buong bulwagan ng Lamono, isang tagong lugar. Basement iyon mula sa isang lumang building na pag-aari ng isang mayaman na English Man mula Italya.
Iba't ibang klase ng aktibidades ang nagaganap sa naturang lugar, karamihan ay mga illegal na pinangungunahan ng mga sangay ng mayayaman na angkan sa Lamono.
Magkagayunman, kahit kailan ay hindi iyon pinapakiaalaman ng mga autoridad. Sa takot na buhay ng mga ito ang manganib, maging ang pamilya'y maaring madamay kapag nagkataon.
Mula sa likod ng ready made na stage ay naroon lang naman si Ganni. Isang typical na college student na naghahanap ng extra na mapagkikitaan para sa tuition fee at allowance niya mula sa pag-aaral niya.
"Hoy! Ganni, ang ganda-ganda mo naman ngayon. Hindi ko alam na may hilig kang sumali sa mga ganito!" Tukoy ni Belen. Ang matandang babaeng bugaw na kilala sa lugar nila. Nasa kwarenta na ito at halos may puti-puti na rin ang buhok. Nagtitina lamang ito ng buhok para hindi mahalata iyon. Kahit na may katandaan na rin at medyo may wrinkles na ay nakuha pa rin magsuot nito ng sexy na outfit.
"Naman! Ako pa ba, kahit anong isuot ko kayang-kaya kong irampa iyan!" Nakatawa at nagmamalaking saad ni Ganni. Umikot-ikot pa siya habang ipinapalantik pa niya ang beywang.
"Iyan ang kailangan mo mamaya, palaban! dahil tiyak ko magagamit mo iyan sa lalaking makakabili sa iyo ngayong gabi!" habol pa ng babae na tinapik pa siya sa may balikat bago ito tuluyan umalis kasama ang mga babaeng alaga nito.
Natigilan naman si Ganni, ilang beses na binalikan niya sa isipan ang katatapos na pag-uusap nila.
At hindi siya lubos makapaniwala sa napagtanto.
"Lintek! anong ibig sabihin nito Hercules!" Hiyaw niya. Sa isang iglap ay gusto niyang lumitaw ang kaibigan na nagpasok sa kanya mismo sa lugar na iyon.
Akala niya ay malinis at walang business monkey na magaganap. Ngunit mukhang nagkamali siya.
Natigilan siya ng isa-isa na silang tinawag ng mga kasama niya papunta sa may stage.
Kulang na lang ay tumalon siya palabas ngunit hindi na maari. Dahil naroon na siya bakit hindi pa niya pangatawan. Lalo at magbibigay iyon ng sapat na pera para makapagtapos na siya sa kinukuha niyang kurso sa kolehiyo.
Kahit na parating sinasabi ng Lola Jesusa niya at Lolo Tope niya na huwag na siyang mag-problema sa gagastusin niya sa pag-aaral ay hindi niya iyon pinapakinggan.
Kahit hindi umamin ang mag-asawang kumupkop sa kanya ay hindi naman siya basta maniniwala na hindi nahihirapan ang mga ito sa pagbuhay sa kanya. Dahil sa tuwing hindi siya nakaharap sa mga ito ay alam niya kung paano mamroblema ang mga ito.
Kaya heto, kahit unang beses na sumali siya sa ganoon pagkakakitaan ay linakasan na lang niya ang loob. Pasaan at matatapos din lahat-lahat ito.
"Let's welcome Ganni Dela Cuenco 18!" Narinig niyang anunsiyo ng babaeng tagapagsalita.
Taas-noo siyang naglakad, kinailangan niyang tibayan ang loob. Inayos na niya ang pagkakahapit ng maiksi niyang skirt na kadangkal lang ang haba ay makikita na ang pinagtatago niya. Naka tube din siya na kulay pushia pink. Ang pansapin naman niya sa paa ay boots. Nasanay siya sa maluluwang na t-shirt at short na lagpas sa tuhod niya kaya ang pagsuutin siya ng ganoong mga tipo ng damit ay nakakapanibago talaga.
Dagdag pa na binalutan siya ng make up ng baklang pinakiusapan niya na ayusan siya. Nangako naman siya na babayaran ito pagkatapos. Dahil pixel cut ang hairstyle niya ay pinagamit na lamang siya ng wig para magmukhang mahaba ang buhok niya. Sa postura niya ngayon, nagmukha siyang babae na pag-aagawan ng mga kalalakihan ngayon.
Halos kakabog-kabog ang puso niya ng tuluyan siyang makalabas sa sulok. Para siyang papanawan ng ulirat sa dami ng kalalakihan na pinagmamasdan siya ngayon. Ngunit kasabay niyon na mapangiwi, paano ba naman halos gurang na ang lahat ng naroon iilan lamang ang sa tingin niya ay bata pa ang edad. Parang hindi yata niya kakayanin na isa sa mga ito ang makakuha sa kanya.
Matapang siyang babae, sanay siya adventure at gulo na pinapasok niya mula pagkabata. Dahil laking kalye siya, ngunit sa estado niya ngayon halos panginigan siya ng buong katawan.
Lalo mga nagnanasa at halos hubaran na siya ng mga mayayaman na kalalakihan sa tingin pa lang. Pinilit na lang niyang ngumiti at ipagsawalang-bahala ang kaba. Kahit kulang na lang ay tumakbo siya paalis.
"Let's start the bidding gentleman, how about twenty thousand!" Umpisa ng babae. Halos lahat ay nagtaas ng hawak na numero, ibig sabihin lahat ay nanabik na nakisali. Lalong dumoble ang ingay sa buong lugar. May halos gusto ng gumapang papunta sa stage, mabuti at may mga bouncer na malalaki ang kaha na nakabantay.
"Okay, mas taasan ko pa. Dahil pinaka-special si Ms. Dela Cuenco, one hundred thousands pesos!" Muling pagbibigay nito ng presyo sa kanya. Halos masamid ng sariling laway si Ganni.
Ang laki ng perang iyon, inaakala niya ay walang papatos. Ngunit nagkamali na naman siya dahil halos lahat yata ng lalaking mayayaman na nagtaas kanina ay game na game pa rin.
Tense na tense na si Ganni sa lumipas na sandali. Lalo siyang kinakain ng kaba dahil anuman sandali ay may isang lalaki na ang maaring makabili sa kanya at makuha ang pinaka-ingat ingatan niyang puri.
Kahit naman hindi siya pino gumalaw, palaayos na katulad ng mga kadalagahan sa henerasyon niya. Isa lang ang tiyak niyang maipagmamalaki, virgin pa siya at never pa siyang nagkaroon ng boyfriend sa buong buhay niya.
Kaya sa gabing iyon ang isa sa pinakaimportanteng yugto ng buhay niya.
Bigla siyang napatigil sa pag-iisip ng biglang isang guwapong binata na nakasuot lang naman businesses suit ang umagaw ng atensyon niya. May suot itong itim na shade kaya hindi niya makita ang kabuuan ng mukha nito. Ang buhok nito'y nakapantali mula likuran, kahit malayo ang kinaroroonan nito. Tiyak niyang mala-adonis sa kaguwapuhan nito ay tila sa mga action leading man na napapanuod niya sa movie lang. Halos malula siya sa halagang inihain nito: isang daang milyon piso lang naman!
Muli ay nadinig niya ang babaeng taga-annoucer. Kung meron pa bang papantay sa presyo na binigay lang naman ng lalaking mukhang makakabili na sa kanya sa halagang isang daang milyon!
"Can I call you to come at stage sir." Tawag dito.
Para naman tukso na sinundan lamang ng titig ito ni Ganni, maging ito man ay lantaran siyang pinagmamasdan.
"Hai! by the way I'm Aldwin Grendicio. Hindi na ako makapaghintay na mauwi ka Binibining Ganni." Sabay ng pagkindat nito.
Halos pinamulahan naman ng mukha ang dalaga, sa inasal nito ay pakiramdam niya babaeng-babae siya.
Ngunit inaakala niyang tapos na ang surpresa sa gabing iyon. Pero biglang dumating si Crisostomo Givera ang guwapo at kinaiinisan niyang Professor sa pinapasukan niyang University.
Sa hindi malaman dahilan, mukhang magkakilala ito at ang lalaking gustong bumili sa kanya. Laking gulat niya dahil hinigitan nito ang bidding.
Ngayon ay nasa two hundred million pesos na ang halagang pinag-uusapan. Ang mga kalalakihan na nakilahok noong una ay tuluyan tumahimik at tila naghihintay na lamang kung sino ang mananalo sa dalawa.
Biglang napapiksi si Ganni ng hawakan siya sa may braso ni Crisostomo at idikit nito ng walang pakundangan ang bibig nito sa may teynga niya.
"Huwag mong gawin laro ang nangyayari sa iyo ngayon Ms. Dela Cuenco. Dahil maari kung isumbong sa pinapasukan mong paaralan ang pinaggagawa mo ngayon lang naman!" wika ng antipatikong lalaki.
Sa inis niya ay kaagad na iwinaksi nito ang hawak-hawak niyang braso.
"Excuse me! Sir Givera, bakit ka ba nanghihimasok sa buhay ng may buhay. Bakit hindi mo pakialaman ang sarili mo, leave me alone. Kung wala kang magawa umalis ka rito! Saka ano bang ginagawa mo rito. Stalker ba kita at napadapad ka sa ganitong klaseng lugar!" Pilosopo niyang sagot.
"C'mon Cris, huwag mo naman ganiyanin si Binibining Ganni. Pabayaan mo na lang siyang mapunta sa akin ng tuluyan. Dahil ako ang mas karapat-dapat sa kanya," bigla naman sabad ni Aldwin.
Dahil pinaggitnaan siya ng dalawang lalaki ay ramdam niya ang mabigat na tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki.
"Tumahimik ka, hindi ikaw ang kinakausap ko!" mariin pagpapatahimik naman ni Crisostomo dito.
Nagkibit naman ng balikat ito at ipinatong sa magkabilang beywang ang dalawang kamay na naaliw pa lalo. Tila nag-eenjoy ito,
hindi katulad ng isa na napaka-seryuso.
Muli ay napatutok ang pansin nila sa babaeng announcer, mukhang may mahalagang sasabihin ito matapos na makapag-usap sa kasama nito.
"Gentleman, dahil mahigpit ang labanan ay magkakaroon po ng preliminary match between Mr. Grendicio and Mr. Givera. Isang tagisan ng lakas ang magaganap at kung sino ang matitirang nakatayo siya ang mag-uuwi sa ating star of the night Ms. Dela Cuenco!" Muli namayani na naman ang hiyawan ng nanunuod na tila isang magandang laban ang magaganap. Habang si Ganni ay napanganga na lang, dahil walang nag atubiling magreklamo sa dalawang lalaki na ang gusto'y makuha siya.
Nagpunta na nga sa gitna ang dalawa, si Aldwin ay piniling alisin ang suot na pang-itaas. Kaya kitang-kita naman ang magandang pangangatawan nito.
Ngunit sa kabiglaan niya pati si Crisostomo na kilala niyang conservative ay ganoon din ang ginawa. Parehas ng nauna sobrang perfect din ng mga abs nito!
Kulang na lang ay tuluaan siya ng laway. Hanggang sa inumpisahan na nga ng mga ito ang tagisan ng lakas.
"Are you ready, this is the final match. Inuulit ko sino man ang matirang nakatayo iyong-iyo na si Ms. Dela Cuenco!"
"Pangako Binibining Ganni, ako ang mag-uuwi sa'yo ngayong gabi!" Mayabang na sigaw ni Aldwin na ikinanganga niya.
"Huwag mo siyang pansinin, makakauwi ka kasama ako. Sa ayaw mo man o hindi Ms. Dela Cuenco." matapang din na sabi ni Crisostomo at walang sabing sinugod ang katunggalian nito.
Sa lumipas na sandali ay pigil hininga si Ganni, ang gagawin lamang niya roon ay manuod at maghintay.
Kinakabahan siya pero sa kabila niyon may isang bahagi ng puso niya na excited sa sino ang magiging end game niya.