Chapter One

1147 Words
BIGLANG inimulat ni Ganni ang mata, pagkagising niya ng umagang iyon. Ikinurap-kurap pa niya ang mata, unang tumambad sa kanya ay ang puting kisame. Sa kabiglaan niya ay bigla siyang napaupo mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. "Teka nasaan ako?" tarantang pagtatanong niya sa sarili. Muli niyang iginala ang tingin sa kinaroroonan. Lalo siyang nawindang dahil estranghero ang silid kung nasaan siya. Mula sa kama na kinahihigaan ay tiyak niyang hindi biro ang halaga niyon. Maging ang mga kagamitan ay magandang klase at tiyak niyang imported. Pero ang labis niyang ikina-schock ay kung ano ang suot niya ngayon. She's wearing a silk night gown na hindi niya matandaan kung paano niya naisuot. Dahil sa pagkakaalala niya ay ibang damit lang naman ang suot niya kagabi. "Teka! huwag naman sana..." nerbyus niyang saad at maang na kinapa-kapa ang kabuuan ng sarili. Bigla ang pamumutla niya at kaba. Dahil maaring kagabi, nakuha na ang pinakaingat-ingatan niyang puri. Paano ba siya napunta sa lugar na iyon at sino nga ba kina Aldwin at Crisostomo ang nagwagi. Ang huling naalala niya ay napabagsak si Crisostomo sa ilang ulit na pag-atake ni Aldwin. Halatang bihasa ito sa pakikipaglaban. Inaakala niya rin na tuluyan susuko si Crisostomo, ngunit ipinakita nito na kahit ilang beses itong natatamaan ng malalakas na suntok at sipa ni Aldwin ay tumatayo pa rin ito. "Crisostomo! ibalato mo na kasi ang laban na ito sa akin. Huwag mong sabihin pati rito ay hindi tayo magkakasundo!" naiiling at nagyayabang na sigaw ni Aldwin na pinunasan ang tumulong pawis mula sa baba. Habang si Crisostomo naman ay tahimik lamang na nakamasid at unti-unting napatayo. Bagama't madami na itong natamong sugat ay hindi pa rin nagbabago ang determinasyon nitong manalo. "Kung dadaldal ka lang ay mabuti pang ikaw ang sumuko. Dahil hinding-hindi ako papatalo, akong mag-uuwi kay Ms. Dela Cuenco!" maigting na sigaw nito kasabay ng pagpunas nito sa dumugong bibig. "Mangarap ka Cris, dahil dito ko na tatapusin ang lahat." Saka naglabas ng baril ito na ikinahiyaw pa ng mga nanunuod. Tila lalong kinaaliwan ng mga ito ang nagaganap na labanan sa dalawang binata na gustong makuha si Ganni. "M-maam! b-bakit may baril, hindi ba paglabag iyan!" panic na wika niya sa babaeng announcer na nasa tabi lang naman niya. "Mukhang wala ka talagang masiyadong kaalam-alam. Pagdating dito sa Lomono, okay lang gumamit ng mga delikadong sandata." Ngiting-ngiti pa ito na tila isang napakagandang topic ang pinag-uusapan nila. Napa-cross sign na lang si Ganni, dahil tiyak niyang wala ng laban si Crisostomo. Kahit hindi sila close ng prof niya dahil strikto at sobrang sungit nito ay ayaw naman niyang mapahamak ito dahil lamang sa gusto siyang iligtas nito. Kaya hindi na siya nagdalawang-isip, orada siyang tumayo at isinigaw ang naiisip na paraan para matigil na ang labanan na iyon. "Sir Givera, tama na po! ayos lang. Okay lang kung mapunta ako kay Mr. Grendicio. Kaysa mapahamak ka!" Tagos sa puso niyang pagsisigaw. Maang naman na pikatitigan siya ni Crisostomo, hindi niya alam kung namalikmata lang siya. Dahil tila napansin niyang nangiti ito buhat sa sinabi niya. Mabilis lang naman iyon, dahil biglang nag-react si Aldwin. "Ano ba naman iyan, akala ko pa naman ako ang bet ni Binibining Ganni. Kaso epal ka Cris, hindi kita mapapatawad naiintindihan mo, sa oras na ito lalagutin ko iyang hininga mo!" galit na pagbabanta ni Aldwin at tuluyan ikinasa nito ang baril na hawak. Sa takot naman ni Ganni ay napatakip na lang siya ng mata at nagsisigaw. Matapang siyang babae, ngunit hindi siya nakahanda na makasaksi ng taong papatayin pa mismo sa harapan niya. Isa, dalawa at tatlong putok ng baril ang sunod-sunod na umalingaw-ngaw. Bago siya tuluyan nawalan ng malay sa gabing iyon. TULUYAN bumaba sa itim na van si Aldwin, kasabay ng paghinto ng dalawang itim din na kotse na nakasunod sa sinakyan niya. Isa-isang nagsibaba ang mga tauhan niya na pawang naka-itim na suit. Dire-diretso sila sa loob ng 25th floor building, kung saan makikita ang malaking sign board sa itaas ng pag-aaring business lang naman nito. "Boss, may bisita kayong naghihintay sa lobby. Gusto raw kayong kausapin," bulong sa kanya ni Richi ang isa sa pinagkakatiwalaan niyang tauhan sa illegal niyang business. Isa lang naman siya sa taniyag na mafia boss ng isang crime family sa Maynila. Ang "Bloody Tiger" kung tawagin sila. Droga, casino at ilang bar ang hinahawakan nila sa kasalukuyan. Wala pa naman kumalaban sa kanila, ngunit nagkakamali siya. Dahil simula kagabi ay napatunayan niyang masiyado siyang nakampante. "Sino ba iyon?" tanong niya. Agad niyang ipinitik ang dalawang daliri, senyales na dapat siyang bigyan ng tobaacco. Nagmadali naman ginawa iyon ng isa pang tauhan at sinindihan na rin nito pagkatapos. Tuloy-tuloy lamang silang pumasok sa hotel. Lahat ng makakita sa kanya ay binabati at ngini-ngitian siya. Ngunit kasabay niyon ang pagtataka, dahil pansin din ang nakabendang braso ni Aldwin. "Hercules Romualdez daw boss," sagot nito. Pagkarinig sa pangalan na binanggit nito ay tuluyan nakuha niyon ang interes niya. "Sige papuntahin niyo siya sa opisina ko ngayon na," mando niya at tuluyan dumiretso ng pasok sa private elevator nito. Minasahe-masahe nito ang likuran leeg. Nanakit pa rin kasi magpahanggang ngayon ang buong katawan niya, dahil sa nangyari kagabi. Nakaupo na siya sa swivel chair habang nakataas ang dalawang paa niya sa kaharap na lamesa ng pumasok ang hinihintay niya. "Goodmorning Boss Grendicio! Kumusta, hindi ba't sinabi ko kagabi na makukuha mo agad-agad si Ganni. Ano nagustuhan mo ba ang performance niya?" nagagalak na umpisa nito matapos na pabayaan iwan ito ng dalawang tauhan niya na naghatid dito papunta sa kanyang opisina. "Okay naman," kalmado at matipid niyang tugon. Binuksan niya ang drawer at may kinuha mula roon. Naglakad siya papunta sa may bintana at napasilip doon. Umuulan na pala, sa mga ganoong panahon madaling maitago ang isang krimen. "Good! good! so pwedi ko na bang makuha ang bonus ko. Dahil kung hindi sa akin ay hindi mo mapapasakamay si Ganni, ewan ko ba at madaming nakikipag-agawan sa kanya. Hindi naman siya ganoon kagandahan!" Iiling-iling ng baklang si Hercules. Hindi na niya tuloy napansin ang ngising pumunit sa labi ni Aldwin. Bigla isang putok ng baril ang tumama sa may paanan ni Hercules na ikinagulat lang naman nito. "What is the meaning of this! Papatayin mo ako matapos mong makuha ang hinihiling mo!" takot na takot na saad nito. "Tanga! ka pala eh! anong nakuha ko! Wala ka ba kagabi. Hindi naman nangyari ang gusto ko, dahil may ibang tumangay sa kaibigan mo. Kaya ngayon, sa ayaw at gusto mo tutulungan mo kong mabawi si Ganni kung gusto mong buhayin pa kita. Maliwanag..." Nanggagalaiting pagbabanta ni Aldwin dito, para siyang makakapatay anuman sandali. Dahil sa labis na takot ay umu-oo na lang si Hercules. Muli ay pipiliin niyang isakapalaran ang kaligtasan ni Ganni sa kamay ng isang mafia boss na si Aldwin at ang perang ipinangako lang nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD