NAPAGAWI ang tingin ni Ganni mula sa pinto ng makarinig siya ng sunod-sunod na pagkatok mula roon. Naging maalerto naman siya at dali-daling kumuha ng magagamit niyang pang-dipensa kung may panganib. Ang lampshade ang unang nahagip ng palad niya, kaya mahigpit niya iyon hinawakan.
Nang mabuksan iyon ay isang matandang lalaki na umeedad ng sing-kwenta ang pumasok. May dala-dala itong isang tray na naglalaman ng mga pagkain.
Kahit hindi niya silipin ang laman niyon ay langhap naman niya ang umuusok at sariwang aroma ng tinolang manok, bagong lutong kanin mula sa plato. Isang baso rin na may laman tubig ang naroon.
Bigla siyang nagutom pagkaamoy pa lang ng mga iyon ay kaagad ng nangalam ang sikmura niya.
"Magandang umaga ija, ako nga pala si Chito bantay sa bahay. Heto dinalhan na kita ng makakain baka kako nagugutom ka na. Pinasasabi pala ni Sir Givera na pagkatapos mong kumain ay babain mo siya dahil may mahalaga kayong pag-uusapan." Bilin sa kanya ng matanda.
Tingin niya rito ay mabait naman at mapagkakatiwalaan. May puti-puti na ang buhok at nakasuot lang ng kamiseta de tsino. Ang pambaba nito ay lumang short naman na binili sa tiyange.
Tumango naman siya rito at nagpasalamat, ngunit bago ito makahakbang paalis ay may pinahabol pa siyang itanong dito.
"Kung hindi niyo mamasamain Mang Chito s-sino po pala nag nagbihis sa akin kagabi?"
"Si Ameng ang nagbihis sa iyo. Ang asawa ko, nasa kusina lamang siya at kasalukuyan naglilinis kaya ako ang naatasan magtaas ng kakainin mo. Kung wala ka ng itatanong ay baba na ako."
Tuluyan na nga itong naglakad paalis, habang siya ay nag-umpisa na rin kumain.
Kakailanganin niyang magpalakas dahil kakailanganin niya iyon sa gagawin niyang pagtakas sa poder ng Prof niyang si Crisostomo.
Hindi niya aakalain na mananalo ito laban kay Aldwin. Matapos nga niyang makakain ay pumasok na rin siya sa banyo. Nakita naman niyang may nakahanda ng pampaligo at ilang maisusuot niyang desinting damit. Katulad ng nakasanayan niyang isuot ang naroon.
Hindi naman siya nagtagal sa loob ng banyo dahil mabilisan naman siyang naliligo. Pagkabihis niya ay tuluyan na siyang lumabas, ngunit muli siyang napabalik sa palikuran dahil may ibang tao siyang nakita na nasa silid niya!
"Hoy! anong ginagawa mo! lumabas ka!" panic na taboy niya habang nakatago siya sa likuran ng pinto ng banyo.
Napatingin lamang sa kanya si Crisostomo.
"Kung tapos ka ng magbihis bumaba ka na," pagkasabi niyon ay tuluyan na itong naglakad paalis.
Nang mawala na nga ito sa paningin ni Ganni ay saka pa lamang nakayang lumabas nito.
"Hay! naku! ano na bang nangyayari sa mundo at nawawala ang respeto ng isang tao!" inis niyang sabi.
Katulad ng ibinilin ni Crisostomo ay tuluyan siyang sumunod mula sa ibaba.
Nakita nga niya itong nakatalikod mula sa kanya. Sa pagkamangha niya ay kasama pa nito ang Lola Jesusa at Lolo Tope niya. Nang makita siya ng mga ito ay dali-daling napatayo ang dalawang matanda kasabay ng mahigpit na yumakap.
"Mabuti naman at nasa mabuti kang kalagayan apo, akala namin ng Lolo Tope mo ay napahamak ka na dahil sa hindi mo pag-uwi kagabi!" sabi nito sa kanya na pinapasadaan pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Oo nga naman, tiyak malalagot kaming tunay kapag may masamang nangyari sa iyo," segunda naman ni Tope.
"Sorry po Lola, Lolo. Nagawa ko lang naman pong sumali dahil gusto ko pong makaipon na sapat na pera para sa pag-aaral ko. Para na rin hindi pa kayo mag-problema," tugon niya.
"Aba! dahil sa ginawa mo, muntik ka ng mapahamak!" Sabay palo ni Jesusa sa braso niya.
"Aww! Lola masakit!"
"Dapat nakikinig ka na lang sa dalawang matanda Ganni," sabad naman ni Crisostomo. Matalim naman na tinitigan ito ng dalaga, muntik na niyang makalimutan na nasa tabi lang pala ito.
"Huwag ka ngang makialam sir! pakialamero ka na nga chismuso ka pa!" malditang saad niya.
Muli isang tampal ang ginawa ng Lola Jesusa niya sa may braso niya.
"Manahimik ka nga Ganni, bakit mo ganiyan kausapin si Sir Givera. Hindi mo ba alam na kung hindi dahil sa kanya ay hindi ka maliligtas kagabi. Magpasalamat ka dahil walang nangyaring masama sa iyo!" pangangaral naman ni Lolo Tope.
"Opo naiintindihan ko," sagot na lang niya. Sumang-ayon na lang siya dahil lalo lamang siyang pagagalitan ng dalawa.
"Salamat sa pagliligtas mo sa akin kagabi. Kung hindi dahil sa iyo wasak na ako!" labas sa ilong niyang sabi.
Bigla naman napakunot-noo si Crisostomo, mukhang may gusto itong sabihin ngunit hindi na lang nito itinuloy.
"Oh, siya maiwan ka na namin rito ng Lolo mo. Babalik na lang kami bukas," paalam ni Jesusa.
"Po? bakit naman kailangan kong maiwan dito. May bahay naman tayo, saka hindi ko masikmurang makasama ang lalaking iyan!" Pagprotesta niya. Masama pa niyang tinitigan si Crisostomo. Lalo siyang nabwe-bwesit dahil sa walang emosyon na titig nito.
"Ganni! aba bakit mo ganiyan pagsalitaan si Cris. Baguhin mo iyan, dahil may karapatan siyang suwetuhin ka!" Si Lola Jesusa na patuloy sa pagsita.
"Whatever Lola, ang mabuti pa'y umuwi na tayo. Dahil hindi ko na kayang tumagal na kasama siya!" Paghuhumerantado ni Ganni.
Hahakbang sana siya ng may marinig siyang sinabi ni Crisostomo.
"You can't leave this house Ganni, because it's your home."
"Huh? nagbibiro ka ba? S-sa akin ang bahay na ito? P-paano!" Hindi siya makapaniwala doon. Bukod sa sobrang laki niyon ay ang gara pa.
Naghihintay siyang magsalita ulit ito, ngunit mukhang wala ng balak pang mag-explain nito sa kanya.
Hanggang sa mapansin nila ang paglapit ng matandang lalaki na nakasakay sa may wheelchair na tulak-tulak naman ni Mang Chito.
"Ikaw na ba iyan, Ganni apo ko?" May himig ng pangungulila ang tinig nito. Ibinuka naman nito ang kamay, senyales na gusto nitong yakapin niya ito.
Napatingin naman siya sa Lolo at Lola niya at isang nangeenganyong tingin ang ibinigay ng dalawa sa kanya.
Lumapit nga siya rito at niyakap naman ito. Iyon ang unang beses na makita niya ito, ngunit kakatwang tila sanay siya sa yakap nito.
"Ang laki-laki mo na Ganni apo. Kasing ganda mo ang namayapa mong ina. Kung nabubuhay lamang siya kasama ang Papa at Lola mo tiyak kong masayang-masaya sila na makita kang buhay," galak na pagkwe-kwento nito.
Tuluyan naman na siyang pinakawalan nito buhat sa pagkakayakap. Takang-taka siya dahil hindi niya alam ang pinagsasabi nito.
Mukhang napansin naman nito ang reaction niya kaya hinayaan lamang siya.
"Wala ka sigurong naalala apo, marahil dahil napakabata mo pa ng mangyari ang kaguluhan sa pamamahay natin. Pinasok at pinagpapaslang ang ilan sa mga tauhan ng familia. Maging ang aking asawa at magulang mo ay nadamay. Matagal din panahon bago nagkaroon ng kapayaan sa buhay natin. Pero ngayon nandito ka na at si Crisostomo natitiyak kong makakaya niyong pamunuhan ang ating mga negosyo at familia," mahabang paliwanag naman nito.
Hindi pa rin naiintindihan ni Ganni ang lahat, sa mga sandaling iyon. Kaya napagpasiyahan ni Crisostomo na kausapin na ito.
"Ang mabuti ho'y magpahinga na kayo. Mag-uusap lang muna kami ni Ganni."
Nakakaintindi naman ito at tuluyan nagpahatid kay Mang Chito sa silid nito. Nagpaalam na rin naman sina Jesusa at Tope. Kaya ng sila na lamang ang naiwan na dalawa roon ay hindi na nagpatumpik-tumpik si Ganni.
"Ano bang nangyayari talaga Sir Givera, i-iyong pinagsasabi ng matanda kanina na a-apo raw niya ako. Paanong nangyari iyon, mayroon naman akong ibang nilakihan na buhay," naguguluhan dagdag ni Ganni na pabalik-balik sa harapan ng lalaki.
"Okay I will tell you everything from the start. But first maupo ka muna."
Sinunod naman ito ng dalaga.
Pinag-krus naman ni Crisostomo ang dalawang braso at mataman tinitigan si Ganni.
"Ikaw ang nawawalang anak ni Nadia at Stevan Dela Cuenco, ang namayapang anak ni Menandro ang Mafia Don ng Golden Lion Mafia crime. Ang familia natin dati ang nangunguna sa lahat ng mafia crime sa Lomono, ngunit dahil sa nangyaring trahediya ay tuluyan tayong naalis sa pinakamataas na pwesto. Dahil sa nangyari ay pinalabas na namatay ka din sa engkwentro, para maipagpatuloy ang nasimulan ng ating familia. Ngayon nandito ka na ulit, sabay natin ibabalik sa dati ang pamumuno," paglalahad ni Crisostomo na hinawakan pa sa balikat ito.
"Ano ang maitutulong ko, wala naman akong kaalam-alam sa pangangasiwa ng mga ganitong bagay," sabi niya.
"Makakaya mong matutunan lahat ng pasikot-sikot, dahil akong bahala sa iyo. Just remember nandito ako protektahan kita at gabayan katulad ng ipinangako ko sa mga magulang natin."