Sabi nga nila, pagkatapos ng mga masasayang sandali ay laging may kasunod na sakuna. Matapos mong tumawa hanggang sa lumabas ang ngalangala mo, matapos mong ngumiti hanggang sa mapunit na ang labi mo ay ang kapalit nito ay luha at lungkot. Dahil sa pangyayari at matapos na humingi ng tawad ni Mama, at matapos ang sagutan namin ni Ate ay ginawa ko ang lahat para hindi muna mag-krus ang landas naming dalawa. Si Papa naman ay lalong dumalang kung makita ko sa bahay. Kung minsan pa nga ay napapansin kong hindi na talaga siya umuuwi. Ngunit paano mo ba sila patuloy na iiwasan kung nakatira lang kayo sa iisang bahay? Paanong magiging posible na takasan at talikuran mo muna ang problema sa bahay kung araw-araw kang umuuwi, natutulog at kumakain doon? Nagising na lamang ako isang araw sa mal

