Dahil kasama ko ang mga kaibigan ko ay hinintay ko muna silang lahat na makaalis. Sabay-sabay silang sumakay sa taxi na muli ay inialok sa amin ng waiter. "Ingat kayo." paalam ko sa kanila habang kumakaway. Si Cheska ay sa harap nakasakay habang sa likod naman ay magkakayakap ang tatlo. Dahil bitin ay nag-aaya pa silang uminom sa bahay nila George, pero nag-dahilan na lang ako na hindi ako p'wede. "Ayaw mo talagang sumama sa amin, bakla? Ang kj naman nito." ang angal ni Maricar na namumula na ang pisngi. "Sa susunod na lang. Promise." "Okay. Hoy, hoy, ingat ka, ha? Text mo kami kapag nasa bahay ka na." bilin ni Cheska na nakalingon sa akin. Tumango ako at isinara na ang pinto. "Ingat!" Nang makalayo ang taxi ay tiyaka ko lamang pinadalhan ng text si Soren na tapos na kami para

