Fifth Chapter

2137 Words
Ano pa ba ang silbi ng pinakaiingatan mong isang bagay kung ito ang nagiging dahilan kung bakit ka iniiwan ng mga taong minahal mo? May silbi pa nga bang panghawakan ang paniniwala mo kung itinataboy naman nito ang taong inakala mong pag-aalayan mo na nito?  Siguro nga ay wala ako sa tamang huwisyo. Siguro nga ay nagkapatong-patong na ang sama ng loob at sakit na nararamdaman ko dahil sa mga lalaking nakipag-break sa akin. At siguro nga ay nababaliw na ako dahil sa balak kong gawin, pero wala na akong paki. It's a pathetic thing to do but I am still willing to do it anyway.  "I want a full refund for my orders." Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa screen ko pero hindi rin naman nagulat dahil hindi naman ito ang unang beses na nangyari ito, pero hanggang ngayon ay hindi ko makuha ang ugali ng mga ito.  "I don't think that is possible, Sir. Your orders are incomplete so I'm afraid a full refund is not possible." magalang kong tugon. Gusto ng full refund pero kalahati ang nabawas sa in-order niya? Hindi ba nila naiisip na ibang tao naman ang malulugi?  "You delivered it cold! What do you expect me to do with it? Of course, I'll eat it 'coz I was f****** hungry!" Pinigil ko ang sarili kong mapabuntong-hininga. "Again, Sir. I apologize if you are unhappy with our service, but full refund is st---" "Your service is sh****! I want to speak to your Manager!" pagputol niya sa anumang sasabihin ko pa.  Napabuntong-hininga na lang ako bago ipinasa ang tawag at napahilamos na lang ako sa mukha ko. Kakaumpisa pa lang ng araw ay puro mura at insulto na ang narinig ko.  Malaki nga ang sweldo pero deserve ba namin na tratuhin ng ganito? Binabayaran ba kami para magtrabaho o para murahin lang ng ibang lahi? Pero wala naman akong karapatang magreklamo dahil ito ang pinili ko. Ika nga, mabuti na ang mayroon kaysa wala.  Bago sagutin ang susunod na tawag ay inayos ko muna ang sarili ko. Kahit na bigat na bigat ako sa katawan at ulo ko ay pinilit kong pumasok dahil isang malaking kasalanan ang pag-absent sa industriyang ito. Kung ang mga kolehiyo ay waterproof, ang mga call center agent naman ay bulletproof. Kahit nasaang gyera ka pa ay kailangan mong pumasok.  "Hello, this is Maia from Vertigo." Matapos ang ilang oras na akala mo'y buong araw na ang lumipas ay lunch na rin namin. Para akong robot na naka-program habang kumukuha ng kanin at ulam. Ginto ang mga pagkain sa kumpanya pero mas ayos na ito kaysa naman magkaroon ng sakit sa bato sa kakakain sa fast food sa labas. Madalas ay dumadayo kami sa kalapit na Mall pero ngayong araw ay wala akong ganang maglalakad o kumain. Kailangan ko lang pilitin ang sarili ko kaysa himatayin ako.  Bitbit ang tray na may lamang isang cup ng kanin, isang order ng menudo na nakalagay sa patisan at tubig ay naglakad na ako sa malapit na mesa. Ilang sandali pa ay sunod-sunod na naupo ang mga kasama ko. Tulala akong nakatingin sa ulam at tinulak-tulak ang mga laman habang maya't-mayang bumununtong-hininga.  "Parang pamilyar ang eksenang ito." dinig kong sabi ni Maricar.  "May nakikita nga akong invisible na ulap na may kasamang ulan at kidlat sa ulo niya." segunda naman ni Gabriel "Tatakasan ka na ng kaluluwa mo niyan, Maia." sabi sa akin ni Mayumi kasabay ng paghawak niya sa balikat ko.  "Anong problema? May ipapatumba ka ba sa amin?" tanong naman ni Cheska at dahil doon ay nanginig ang mga labi ko at tinignan sila isa-isa.  "N-Nahuli ko si Patrick na may ka-s*x." k'wento ko sa kanila at tuluyang naiyak. Ang katabi kong si Mayumi naman ay niyakap ako. "Ay, t*ng*n*! Nasaan iyang lalaki na iyan? Puntahan natin at putulan natin ng t***!" malakas na sabi ni Maricar.  "Manahimik ka ngang hipon ka, wala ka na sa high school cafeteria, `no?" saway ni Gabriel kay Maricar bago muling nagsalita. "Pero g*** nga iyang lalakkng iyan. Sino iyong babae? Puntahan natin at kukurutin ko ng plais ang k***** niya!" Sa kabila ng pag-iyak ay umiling ako. "Ekis, beks. Wala siyang ganiyan." "Ayy, p***, may bumbilya rin ang tinira?" gulat na bulalas ni Gabriel.  "Bumbilya at silicone." ngumangawa kong turan.  "Hindi na nakuntento sa'yo! Oo nga at... hindi kalakihan iyang iyo pero at least ay totoo iyan! Ang g*** gusto pa ng peke imbes na p***!" nanggigigil na sabi ni Cheska at natagpuan ko na lang ang sarili kong napapangiti.  "Huwag mong sabihin na siya pa ang nakipaghiwalay sa'yo?" tanong ni Mayumi na lumayo sa akin at ngayon ay nakatingin silang lahat sa akin at naghihintay ng sagot.  Napayuko naman ako at napakagat labi bago tumango. Napamura sila at napatapik sa mesa habang ako ay nagpupunas na ng luha.  "Hulaan ko dahil kilala kita, girl. Malamang sa malamang ay tinanggap mo lang ang sinabi ng ga** mong ex, ano?" Muli akong tumango dahil guilty naman ako. Matapos ko silang mahuling dalawa ay naghiwalay sila at hinarap ako ni Patrick bago nakipaghiwalay. Tanging sampal lang ang naibigay ko sa kaniya pero wala akong nasabi. Hindi ko nasabi lahat ng gusto kong sabihin at imbes ay naglasing ako mag-isa.  Sunod-sunod na buntong-hininga ang narinig ko.  "Maia, dapat ipinagsigawan mo sa kaniya kung gaano siya kawalanghiya sa ginawa niya sa'yo. Dapat niyang malaman na nasaktan ka sa ginawa niya! Dapat isinumpa mo! Minura mo!" bakas ang inis sa boses ni Cheska nang sabihin niya iyon.  "Malamang nagulat din siya! Huwag mo siyang pangunahan sa dapat niyang ginawa dahil wala ka naman sa p'westo niya." pagtatanggol sa akin ni Maricar at natigilan naman si Cheska. "Alam niyo, hindi ganito dapat, eh. Saan ba bahay niya? Kami na lang ang gaganti para sa'yo. Lalagyan ko ng langgam ang lalagyan niya ng mga brief." pagsingit ni Gabriel para matigil ang tensyon.  Bahagya akong napatawa dahil sa sinabi niya.  "O batuhin natin ang sasakyan niya." suhestiyon naman ni Mayumi at nag-apir sila ni Cheska. "Huwag na ano ba kayo. Ayos lang ako. Magiging ayos ako dahil sanay na ako. After all, hindi naman ito ang unang beses na may nakipaghiwalay sa akin." Lumarawan ang lungkot sa mga mukha nila at natahimik sila habang nakatingin lang sa akin. Ako naman ay nagsimula ng kumain kahit pa ayaw itong tanggapin ng sikmura ko.  "Kawalan nila, okay? Maganda ka, sexy, at mabait. Ika nga ni Daniel, neseye ne eng lehet." sabi sa sa akin ni Gabriel matapos hawakan ang kamay ko. "Tanga nila dahil pinakawalan nila ang kagaya mo. Kung straight lang ako ay baka pinatulan na kita, eh." dagdag niya sabay duwal na ikinatawa namin.  Nagsimula na ang pagkain namin dahil malapit nang matapos ang lunch namin.  "Inom tayo mamaya after ng shift natin, girl? S'yempre konti lang." aya ni Maricar kasabay ng paghagikgik.  Sa alok niya ay natigilan ako at muling naalala ang usapan namin ni Soren Kai kanina, at ang aking nakatakdang gawing kagagahan.  "Ah, may kausap na ako guys, eh. Nauna kasi niya akong alukin kanina." pagsisinungaling ko sa kanila at noon ko lang naalala si Maricar.  Mula kasi ng araw na pinagpanggap ako ni Maricar ay hindi na raw siya kinausap ni Soren Kai, kaya naman binura na niya ito sa listahan niya. Hindi naman ito considered as cheating, hindi ba? Hindi sila at hindi kilala ni Maricar si Soren Kai.  "Ay, sino ito?" usisa ni Gabriel. "Wala. Kababata ko lang." tipid kong tugon at naiba na ang usapan namin.  Ang kaninang iyakan ay dagling nalimutan. Nagkasundo rin kaming magsama-sama sa day off naming lima para raw i-celebrate ang pagiging single ko. Tignan mo itong mga 'to.  Kagaya ng napagkasunduan namin ni Soren Kai ay nagkita kami sa tulay. Dahil wala pa siya ay naupo muna ako sa waiting shed. Maya-maya pa ay narinig ko ang tila nang-aakit na tunog ng makina. Agaw-pansin ang tunog nito kaya naman halos lahat kaming naghihintay roon ay napatingin sa dumating. Hindi ako mahilig sa motor pero kahit papaano naman ay alam kong mamahalin ang klase ng motor nito. Huminto ito sa tabi at akala mo nagsh-shooting sa paraan ng pagbaba nito. Natameme na lang ako nang tumambad sa akin ang mukha ni Soren Kai nang tanggalin nito ang itim na helmet.  Isang ngisi ang gumuhit sa labi niya at napatingin ako sa mga kababaihan na napasinghap pa. Naikibot ko na lang ang labi ko at napataas ang kilay. Eh, siguro nga ay brusko siyang tignan at tipikal na bad boy dahil sa suot niya at mga hikaw. Idagdag pa ang dimple niya na naghe-hello sa lahat.  Walang halong ka-plastikan pero pogi naman talaga itong frenemy ko na ito. Pero hindi ko iyan sasabihin sa kaniya dahil lalo lang lolobo ang ulo niya.  "Hey, princess. Narito na ang iyong prinsipe." Napatapik ako sa ulo ko at hindi na siya hinintay na makalapit. Ako na ang kusang humila sa kaniya pabalik sa motor niya.  "Madaling-madali? Excited ka naman yata masiyadong masolo ako, Maia Amaris. Easihan mo lang, ako lang 'to. Sa'yong-sa'yo lang ako." brusko niyang sabi kasabay ng nakakalokong ngiti.  "Sa'yo mo mukha mo." pambabara ko sa kaniya at dumapo ang mga mata sa motor. "Sa'yo?" "Yep. Kakabili ko lang kahapon." "It looks nice." puri ko habang pinapasadahan ng daliri ang disenyo. "Mukhang marami kang naipon sa Saudi, ah." "Bakit? Curious ka ba kung kaya kitang itaguyod?" Napairap na lang ako bago kinuha ang helmet na kinuha niya mula sa likod. Isinuot ko na ito at naupo na sa likuran. "Tara na. Masiyado na tayong na-e-expose sa ibang tao." "Naks. Sanay na sanay sumakay, ah." Nang akmang babatukan ko siya ay umiwas siya. "Okay, sorry na. Ang bayolente mo na, ha?" Muli niyang isinuot ang helmet at sumakay na sa motor. "Kapit kang mabuti. I don't mind kung kakapain mo ang abs ko." malakas niyang pagkakasabi at agad namang namula ang mukha ko, pero walang nagawa kung hindi kumapit sa kaniya nang paandarin na niya ang motor. Si Mark noon ay may motor at madalas kaming lumalabas sakay ito kaya naman sanay na akong umangkas. Ang totoo niyan ay gusto ko rin ang pakiramdam na tumatama sa mukha at balat ko ang hangin. Nariyan ang kaba na baka mabunggo kami o ano, pero tiwala ako sa kaniya. At ngayon, kahit na unang beses kong umangkas kay Soren Kai ay may tiwala akong nararamdaman.  "Saan tayo pupunta?" malakas kong tanong para marinig niya. "Condo ko!" "Wow, may condo ka?! Yaman mo naman pala!" Narinig ko ang pagtawa niya at ninamnam ko ang dampi ng hangin at pumikit. Ilang sandali pa ay bumagal na ang pagtakbo niya at pumasok kami sa isang condo building.  Kanina ay wala akong nararamdamang kaba ngunit ngayong magkasama na kami ay nagsimula nang dumagundong ang dibdib ko. Sigurado na ba talaga ako sa plano ko? Wala na talagang atrasan?  Tinanggal ko ang helmet at inayos ang buhok ko bago ito iniabot sa kaniya. "Dami mo sigurong naipon, ano? May condo ka pa. Bakit hindi ka yata sa bahay niyo?"  Kinuha niya ito at muling itinago sa compartment. "Natural lang naman iyon kapag tumatanda na tayo. I need my privacy, of course. May mga bagay tayo na hindi natin magagawa ng malaya sa bahay ng mga magulang natin." makahulugan niyang sabi kasabay ng pagkindat sa akin. "Tara." aya niya at nauna nang maglakad.  Nagpakawala ako ng pilit na tawa sa sinabi niya. Pero kasunod noon ay ang pamamawis ng mga kamay ko.  "May stock na ako diyan ng mga p'wede nating inumin. Don't get me wrong, I know it's dangerous na magkasama ang isang lalaki at isang babae sa isang bubong, pero ayoko kasi sa mataong lugar. Pero kung naiilang ka naman na tayong dalawa lang ay p'wede tayong lumipat o kaya ay mag-imbita ng iba." "Hindi!" mabilis kong pagtutol pero kaagad na dinagdagan ang sinasabi. "Ah, ang ibig kong sabihin ay ayos lang naman sa akin." Pumasok kami sa loob ng building at sumakay ng elevator. Halos panawan na ako ng ulirat dahil sa kabang nararamdaman. Sabay kaming lumabas nang tumigil ito at bawat pagtapak ko ay tila may kadenang nakatali sa aking mga paa.  "And we're here." tumigil siya sa isang pinto at binuksan ito. "Come in." aya niya sa akin nang naiwan akong nakatayo sa labas.  Kagat-labi akong tumitig sa mga mata niya. This is it. Ito ang araw na gagawa ako ng kagagahan na magpapabago sa buhay ko. At marahil ay pagsisisihan ko ito balang-araw, ngunit ngayon ay gusto ko itong gawin. Dahil kalakip ng pagtanggap ko sa alok niyang maging unang heartache niya ay ang pagsuko ko ng bagay na hindi ko ibinigay noon sa iba.  In exchange for breaking his heart, I will give him myself. This night will end with me losing this damn virginity to my frenemy and I'll make sure of it. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD