"Hard or light? Ano ang gusto mo? Pili ka rin ng pulutan. I can cook whatever you prefer, too."
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ko sa tanong ni Soren Kai habang binubuksan ang cupboard niya. Hindi lang hitsura ang nagbago sa kaniya dahil mukhang bahagya na rin siyang nag-mature. P'wera na lang sa pagiging maloko pa rin niya hanggang ngayon.
"Hard na lang." sagot ko pagkuwan. Kailangan kong malasing para magawa ang balak ko. "Hindi naman ako mapili sa pulutan."
Muli kong inilibot ang mga mata ko sa paligid. Halata mong bago pa ang mga kagamitan pero simple lang. Pulos kulay itim, white o gray ang makikita. Maging ang mga figurine ay hindi naiba ang kulay.
"Ikaw nag-design?"
"Hm? Ah, yeah. Simple and plain lang, ano?" sagot niya at naglapag ng ilang bote sa mesa at naupo kabilang side ng sofa. "You know what? Ikaw din ang unang nakapunta dito bukod sa mga magulang ko so feel honored." maangas niyang sabi kasabay ng pagbubukas ng mga chichirya.
"Yeah, yeah. I feel so honored." nanunuya kong sagot kasabay ng pag-ikot ng mga mata at agad na kumuha ng nakabukas na bote at tinikman ito. Bahagya akong napaubo nang gumuhit ang tapang nito sa lalamunan ko. "Ano ba 'to? Puro?" napahimas ako sa lalamunan ko habang nakatingin sa bote.
"What? Sabi mo hard, eh. Dahan-dahan lang. The night is young so why the rush?" mariin niyang suway at nagsimula na ring uminom.
Pasimple kong pinanuod ang pag-inom niya at nahiling na sana ay mabilis siyang tamaan ng alak. Not enough for us to both get drunk pero sapat para mag-init siya. How do you even seduce someone? How am I even sure na papatol siya sa akin? Na papayag siya?
"B-banyo. Saan ang banyo mo?" nauutal kong tanong habang hawak ang bag ko.
"See that hallway? Diretso ka lang doon, iyong pintong kulay itim na makikita mo ang banyo." turo niya at agad ko namang nakita ang sinabi niya.
"Okay. Wait lang inom ka lang diyan."
"Mind if I play some music?"
"Sige lang!" sagot ko habang naglalakad papunta sa banyo.
Kailangan kong ihanda ang sarili ko dahil sa tapang ng alak ay mabilis lang akong tatamaan nito. Agad kong nakita ang itim na pinto at pumasok doon. Matapos i-lock ang pinto ay inilapag ko ang bitbit kong bag sa counter at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Bumaba ang tingin ko sa dibdib ko at hinawakan ang mga iyon. Okay, hindi sila ganoon kalaki pero hindi mo rin naman masasabing flat ang mga ito. Medyo lumaki lang ng kaunti sa oranges.
"Dapat ba ay nagsuot ako ng v-neck?" tanong ko sa sarili ko at pilit na binababa ang laylayan para makita ang non-existent kong cleavage. "Hindi kaya pagtawanan lang niya ako noon?" kinakabahan kong tanong sa sarili ko bago sinimulang amuyin ang sarili mula sa balat at kili-kili.
Kinuha ko ang nilista kong nakita ko sa Google ay muli itong binasa. "Hint at s*x long before you have it. Ibig sabihin ay kailangan ko siyang akitin at kailangan kong ipaalam sa kaniya na gusto kong makipag-ganoon, hindi ba? Hindi kaya magmukha naman akong desperada?" basa ko sa unang nakasulat. "Have condoms ready." basa ko sa susunod at kaagad na siniguro na nailagay ko ang nabili kong condom sa 7-7.
Nakatanggap ako ng nakakalokong tingin mula sa cashier at pinigilan ko ang sarili kong itanong sa kaniya ang tamang bilhin.
"Sunod ay stash lube by your bedside. Teka, bakit nakalimutan ko itong bilhin? Teka, ano ba kasi iyong lube? Pass na nga. Sunod." Binasa ko ang iba pero parang nagulo ang mga ito sa paningin ko kaya napasabunot na lang ako sa buhok ko. "Dapat pala ay nanghingi na lang ako ng advice kay Maricar at expert na iyon."
Halos mapatalon ako nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto. "Nandiyan ka pa ba? Baka kako nasama ka na rin sa pag-flush, eh."
Nalahawak ako sa dibdib ko kung saan nakkkipaghabulan sa tambol ang puso ko. "A-Ayos lang. Lalabas na rin ako. Medyo sumakit lang tiyan ko."
"Okay."
Mahina akong dumaing sa mga kamay ko bago nilamukos ang papel at muli itong itinago sa bag ko. Inayos ko ang hitsura ko at humugot ng malalim na paghinga bago muling lumabas. Agad na pumasok sa tainga ko ang boses ni Ed Sheeran na kumakanta ng Shape of You.
Muli akong naupo at inilagay ang bag ko sa single sofa. Pagkatapos ay kinuha ang bote at muling tumungga. What's so hard about s**? Kung nagagawa ng iba ay magagawa ko rin. Bubukaka ka lang naman at... at... tutuhugin ka na nila, hindi ba?
"Tsk. Ang bilis mo naman palang tamaan ng alak, Maia Amaris. Look, you're all red."
Nanlaki ang mga mata ko at nanigas ang katawan ko nang walang sabi-sabi niyang sapuhin ang pisngi ko. Ang mga mata ko ay wala sa loob na dumapo sa dako pa roon na nakabukol sa suot niyang pantalon at inisip kung tama ang nabili kong size. Sandali, tinatamaan na ba talaga ako ng espirito ng alak?
"Woah, woah. Saan ka nakatingin?" bulalas nito sabay takip sa harapan. "Ganiyan ka pala, Maia Amaris. Kaya pala gusto mo akong masolo. Gusto mong samantalahin ang kahinaan ko, ano?"
Napakunot ang noo ko at nabato ko siya ng unan na ikinatawa lang niya. "Pinagsasasabi mo riyang ugok ka?"
"Hindi naman kita tatanggihan kung gusto mo ng Soren-loving. Alam ko namang matagal mo na akong pinagnanasaan."
Sa sinabi niya ay nalukot ang mukha ko. "Ang kapal talaga ng apog mo!" inis kong sabi sa kaniya at muling uminom. Napangiwi ako nang muling gumuhit ang pait nito sa lalamunan ko.
Hindi ko na namalayan at naging sunod-sunod na pala ang lagok ko kaya naman pinigilan na ako ng kasama ko.
"Hep. Too much alcohol will kill you, you fool. Ganiyan ba ka-g'wapo iyang ex mo at kulang na lang ay lunurin mo sarili mo sa kalasingan? Iharap mo nga sa akin at mahusgahan." panunuya niya at inagaw ang bote mula sa akin bago ito inilapag sa mesa.
Hindi ko alam kung dahil sa tama ng alak o dahil sa determinado na ako dahil hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Hinigit ko siya sa kuwelyo ng suot niya at ako na mismo ang umangkin sa labi niya. Agad kong nalasahan ang iniinom niya at sunod ay ang amoy mint niyang hininga na nagpawala sa huwisyo ko. Nang akmang lalaliman ko na ang halik ay pabigla naman siyang lumayo sa akin habang hawak ang kamay kong nakahawak sa damit niya.
"Lasing ka na, Maia Amaris. Ihahatid na kita sa inyo."
"I-Ikaw? Hindi ka pa ba lasing?" namumungay ang mga matang tanong ko sa kaniya habang nakapagkit pa rin ang mga mata sa mga labi niya.
Sa mga sandaling iyon ay para akong nalasing sa mga labi niya at gusto ko iyong paulit-ulit na mahalikan. Nang akmang lalayo siya ay ginamit ko ang lakas ko para itulak siya pahiga sa sofa niya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at ang kamay niya ay nakahawak sa balikat ko para hindi tuluyang maglapit ang mga mukha namin.
"You're drunk and you're not thinking rationally. Siguradong kung hindi ka lasing ay naisumpa mo na ako. You don't want this, Maia Amaris." he breathed out each words and it hit my face.
"And what if I tell you right now that I want it, Soren Kai?" mapanghamong tanong ko sa kaniya.
Dahil hindi ko inaalis ang tingin ko sa mga mata niya ay nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mga ito. "Then, I will take over. I will be the one to kiss you this time."
I smirked at him, surprising myself. Kailan ako naging ganito kapangahas?
"Then do it."
Bago pa ako makapalag at makagalaw ay hinawakan niya ang likod ng ulo ko at ilang sandali pa ay nagkabaliktad na kami. Ako naman ngayon ang nasa ilalim niya habang siya nasa ibabaw ko nang hindi nagdidikit ang aming mga katawan.
"For the record, this isn't what I'm planning to do. But who am I to complain?" ang nakangisi niyang turan at ilang sandali pa ay magkalapat na muli ang aming uhaw na mga labi.
Nakakadarang, nakakabaliw, nakakawala sa huswisyo. Iyan ang dulot ng halik na ibinibigay at ipinaparanas sa akin ni Soren Kai. Bawat paghagod ng kaniyang mga labi ay tila sinisipsip na rin niya ang kaluluwa ko. Nagdudulot ng kakaibang kuryente at kiliti ang pagkagat ng mga labi niya at ang dila niyang nakikipaglaban sa dila ko. Palitan ng laway at daing at pagsasalpukan ng aming mga labi ang maririnig ng oras na iyon.
Ang mga hita ko ay lakas-loob kong iniyakap sa kaniyang baywang para magkadikit ang aming mga katawan. Soren Kai let out a curse and I let out a gasp when I felt his hardened d*** against me.
"Stop. F***, stop it, baby. Stop moving." pilit na inihiwalay ni Soren Kai ang sarili sa akin at napadaing ako nang maghiwalay ang aming naglalagablab na mga katawan.
"Please, Soren Kai. Take it. Please just take me." I asked him desperately while trying to rub against him.
Narinig ko siyang napabuntong-hininga ngunit nanatiling nakasara ang aking mga mata. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang kamay niya na pinapahid ang pisngi ko.
"You're asking me to take you while crying?" he asked with a chuckle. "What are you even asking for?" masuyo niyang tanong habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak.
"M-My virginity. I am giving it to you kapalit ng a-alok mo."
I shut my eyes tight when I felt him kissing my forehead instead. "Do not let that fool ruin you. Huwag mong hayaang masira niya ang mga bagay na maari pang mabuo."
Marahan akong napadilat dahil sa sinabi niya. I can't believe I reached this point na nagmamakaawa ako sa dati kong bully na kunin ang bagay na pinakaingatan ko. But strange enough, hindi ko maisip na bawiin ang sinabi ko. Hindi ako nagsisisi na sa kaniya ko ito iniaalok.
"But it doesn't mean that I'm refusing it. Maia Amaris, your virginity is now mine to take. Pero bago iyan, why don't you break my heart first?" nakangisi niyang hamon bago umayos ng upo.
"Bakit ba parang ang confident mo naman na mapapaibig nga kita?" kunot-noo kong tanong sa kaniya at naupo na rin. Inayos ko ang nagusot kong damit at ang buhok kong nagulo.
"Magkaroon ka naman ng tiwala sa sarili mo. Magkaroon tayo ng deal, okay? Let us be in a real relationship. Hindi peke katulad ng mga nasa librong binabasa mo."
"Hindi ako nagbabasa ng romance." nakasimangot kong tugon sa kaniya.
"Whatever. And let us do a list of things to do to spice things up."
"List? Teka, p'wede bang makiinom muna?" hindi ko na siya hinintay pang makasagot at tumungo sa ref niya para kumuha ng malamig na tubig.
"Yep, a list. Ever heard of Santa's list?"
Napaubo ako bigla sa sinabi niya. "Nice and Naughty?"
"Right. Tutal ay magpapalitan tayo ng regalo, hindi ba? Witty, `no?" bilib sa sarili niyang tanong sabay taas-baba ng mga kilay.
"Muntanga kamo." nakairap kong sabi sa kaniya bago lumapit sa lababo at sinimulang maghilamos para mawala ang espirito ng alak sa katawan ko.
"Dali na. Ako ang naughty at ikaw ang nice. Tomorrow when we're both sober ay gumawa tayo ng ten things na gusto nating gawin. P'wede ring mga bagay na hindi mo nagawa noon with your exes. I'll be your perfect boyfriend from this day on, Maia Amaris."
Nanigas ang katawan ko nang maramdaman ko ang paglapit niya sa likuran ko. Naramdaman ko ang init na nagmumula sa katawan niya at ang hininga niya na dumampi sa aking tainga nang bumulong siya.
"At ako ang magde-desisyon kung kailan ko kukunin ang precious virginity mo."