"Sa red notebook na ito natin ililista ang ten naughty and nice list natin." panimula ni Soren Kai habang ipinapakita sa akin ang hawak na plain red notebook. Dahil sa napagkasunduan naming 'deal' ay susunduin niya dapat ako pagkatapos ng shift ko, pero nagpumilit ako na pupuntahan ko na lang siya sa condo niya. Ayoko kasing ma-issue muna ng mga kaibigan ko. Hindi naman dahil sa natatakot ako na baka husgahan nila ako, pero sa ngayon ay gusto ko munang sarilinin ang bagay na ito. Sa pagkakataong ito, sa kagagahang gagawin ko na ito, ay gusto kong solohin ang lahat. "One for you and one for me." Inilapag niya ang sarili kong notebook sa harap ko at binuklat-buklat ko ito bago may naisip itanong. "Hindi ba't dapat din nating isulat ang mga bagay-bagay tungkol sa isa't-isa.?" Binigyan

