Dahil sa magsasara na ang mga Library sa oras ng uwi ko ay napagkasunduan namin ni Soren Kai na sa day off gawin ang naughty niya. Dahil ako ang nauna last time ay ang pangalawa sa listahan naman niya ang susunod. Ang totoo niyan ay kinakabahan ako at gusto ko na lang mag-isip ng idadahilan para mausad nang mausad ito. Hanggang ngayon ay nangangamatis pa rin ang mukha ko sa tuwing maalala ko ang strip dance na ginawa ko. Paulit-ulit kong naaalala ang bagay na iyon sa gitna ng hita niya. Kung paano itong tumayo at nag-hello sa akin matapos akong magkalat sa condo niya. Okay, hindi naman ito ang first time na nakakita o nakabunggo ako ng ganoon dahil ang mga exes ko rin ay nagkakaroon ng ganoong reaksyon. Pero iba kay Soren Kai, eh. Kakaibang pakiramdam ang idinudulot nito sa katawan ko.

