Kasandra Ang balak namin ay umuwi na muna ako ng bahay para magpaalam pero nagbago ang isip namin. "Bibili na lang tayo ng gamit mo sa mall, Baby." pahayag ni Luxxe na ikinatingin ko dito. "Mas hassle kapag umuwi pa tayo sa inyo. Malapit ito sa bahay at baka may makakita sa akin." "Okay," pag sang ayon ko dito dahil tama nga naman ang sinabi nito. "I will be the one to pay. Inuunahan na kita, Baby." sabi nito habang pahapyaw itong sumulyap sa akin. "I don't have money in me kaya wala akong magagawa." nakataas ang kamay kong sabi dito na ikinatawa niya. "Akala ko ay kokontra ka na naman kaya inuunahan na kita, Baby." "Paano naman daw ako kokontra kung wala naman akong dalang pera? Babayaran na lang kita. Saka may mga gamit pa ako sa bahay namin sa probinsiya. Kaso mga pambahay nga la

