THIRD PERSON POV Marahang isinara ni Brent ang pintuan ng kwarto ng kanyang anak na si Abigail nang makitang tulog na ito. Humugot siya nang malalim na buntung-hininga nang tuluyang mailapat ang pinto. Ilang linggo ring hindi nakatulog nang maayos ang kanyang unica hija mula nang gabing isinugod ang kanyang asawa sa hospital dahil sa ginawang pananakit dito ng isang taong sumalakay sa loob ng kanilang bahay. Ngunit nitong mga huling araw ay nagsisimula nang bumalik sa normal ang sleeping habit ng kanyang anak. Gusto niyang ipagpasalamat iyon sa ekspertong kumakausap sa kanyang anak. Isinandal niya ang kanyang ulo sa pintuang nasa kanyang likuran at inalala ang mga insidenteng naganap ilang linggo na ang nakalipas. Nang gabi ng kaarawan ng kanyang asawa ay bigla na lamang nawala ang la

