THIRD PERSON POV Bahagyang naningkit ang mga mata ni Samantha nang makita ang mukha ng lalaking pumasok sa loob ng kanyang flower shop nang umagang iyon. Si Culver Olvides. Ilang araw na niyang hindi sinasagot ang mga tawag nito at kahit ang mga ipinapadala nitong text messages ay hindi niya nire-reply-an. Kaya marahil ay nagtungo na ito sa kanyang shop para personal siyang kausapin. Nakaramdam siya ng inis sa kaisipang hindi man lamang marunong makaramdam ang lalaki na hindi niya nais na makita at makausap ito. Nang mapatingin siya sa mukha nito ay nakapaskil doon ang walang kasiguraduhang ngiti. Marahil ay nahihiya itong makipagkita sa kanya ngunit nilakasan pa rin ang loob. Hindi sana gustong pakiharapan ni Samantha ang lalaki ngunit may pakiramdam siyang kahit ipagtabuyan pa niya

