JAY-R’s POV Isang ngisi ang sumilay sa aking mga labi nang makita kong napatingin si Gretchen sa aking katawan pagkalabas ko ng banyo. Tanging isang maliit na tuwalya ang bumabalot sa aking kahubdan. Nakita ko pa siyang napalunok habang hinahagod ng kanyang mga mata ang mga bahagi ng aking katawan na hindi natatakpan ng tela. Nang umangat ang kanyang ulo ay nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. Hindi niya siguro inasahan na mapapansin ko ang pasimpleng pagtitig niya sa nakahantad na mga parte ng aking balat. Ngunit kung pagbabasehan ang ilang segundong lumipas habang ginagawa ni Gretchen ang pagsipat sa aking kabuuan ay mukhang hindi naman iyon palihim. Gretchen: O, Ryker, tapos ka na palang maligo. Nakapagluto na ako ng almusal. Kumain ka na. Nasa kusina na sina Dyosa at Wesley.

