JAY-R’s POV Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi nang salubungin ako ng yakap sa aking baywang ng batang si Wesley. Bahagyang nawala ang pagod na aking nararamdaman dulot ng aking trabaho. Dahil naka-confine pa rin sa hospital si Celestina kaya madalas siyang binibisita roon ng kanyang kapatid na siyang aking boss. Ang resulta ay wala akong nagiging kapalitan sa pag-aasikaso ng mga problema sa wet market business nito. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung sino ang taong umatake kay Celestina noong gabi ng kanyang kaarawan. Madilim ang buong kabahayan ng mga Palemor noong nangyari ang pananalakay. Walang anumang makikita sa paligid kaya maging ako ay kinailangan kong gamitin ang aking pandama noong pumasok ako sa loob ng malaking bahay dala ang regalo ni George para sa kapatid

