MAAGANG nagising si Joy isang Sabado ng umaga. Nadatnan niyang nagkakape ang ama sa kusina. Binati niya ito bago siya nagsalin ng kape sa isang mug. “Mamamasada ako ngayon, gusto mong sumama?” tanong nito. “Maiging lumabas-labas ka naman sa lansangan. Ilang araw ka nang nagmumukmok. Ilang araw ka nang malungkot. Baka sakaling makalimutan mo iyang problema mo kapag nakasagap ka ng maruming hangin sa lansangan.” Natawa si Joy kahit paano. Lahat yata ng tao ay napupuna ang lumbay niya nitong nakaraang dalawang araw. Palagi siyang walang gana. Kahit pumapasok siya sa opisina ay wala rin siyang natatapos na trabaho dahil mas nais niyang magmukmok. Alam niyang nagtataka na sa kanya ang mga kapamilya niya, ngunit tila nakahiyaan naman ng mga ito na tanungin siya kung ano ang pro

