“YOU OUGHT to be home by now,” nakangiting sabi ni Joy kay Iarah pagpasok niya sa loob ng opisina nito. Nadatnan niya itong abala pa rin sa harap ng computer nito. Nag-angat ito ng tingin at nginitian siya. “Miss President,” masayang bati nito. Umupo siya sa isang couch. “Tapos na ang office hours, Iya.” “You want something to drink, Ate? Coffee?” Tumango si Joy. Tumayo ito at tinungo ang coffeemaker. Pinagmasdan niya ito habang iginagawa siya ng kape. Halatang-halata rito ang kaligayahan. Masaya siya para dito, ngunit hindi niya maiwasang makadama ng inggit. Sana siya rin ay maranasan ang ganoong klase ng kaligayahan. “Nakahingi na ba ako ng kapatawaran sa `yo, Iya?” tanong niya habang inilalapag nito ang kape sa harap niya. “I’m sorry. Sana ay

