HABANG nakahiga sa kama si Joy ay nahaplos niya ang suot na kuwintas. Hindi niya alam kung ilang ulit na niyang hinubad iyon at ipinangako sa sariling hindi na isusuot uli. Lagi niyang natatagpuan ang sarili na binabalikan iyon. Hanggang ngayon ay suot pa rin niya ang promise ring na bigay ni Joshua. Makailang ulit na rin niyang itinapon iyon ngunit sa tuwina ay lagi niyang hinahanap at pinupulot. Lagi niyang natatagpuan uli ang pendant ng kuwintas niya. Maybe it was really a promise ring. Kaya marahil iniingatan pa rin niya ang singsing na iyon ay dahil nais niyang patuloy na ipaalala sa sarili ang mga pangako niya noong dinurog ni Joshua Agustin ang puso niya. Maraming taon na ang lumipas. Marami nang mga nangyari sa buhay niya. She was a very successful career woman. K

