NANG mga sumunod na araw ay sinikap ni Joy na maging normal uli ang buhay. Pumapasok pa rin siya sa unibersidad tulad ng dati. Kahit nais na niyang umalis sa lugar na pag-aari ng mga Agustin ay hindi niya magawa dahil sayang ang panahong inilaan na niya roon. Wala naman sa usapan nila ni Doña Alicia na kailangan niyang lumipat ng unibersidad. Hindi rin niya alam kung anong paliwanag ang gagawin sa mga magulang kung lilipat pa siya. Nagpapasalamat siya nang husto nang hindi na nagpakita sa kanya si Joshua. Hindi niya alam kung pumapasok pa ito sa graduate school. Mula nang araw na maghiwalay sila ay hindi na ito nagpakita pa sa kanya. Mas mabuti na rin iyon dahil habang lumilipas ang mga araw ay lalong nadaragdagan ang sakit na nararamdaman niya. Humuhupa ang galit at lal

