“HOW ARE you?” Muntik nang masampal ni Joy si Joshua sa lambing ng tinig nito. Sinundo siya nito isang hapon sa unibersidad. Hindi na lang siya umimik at pumasok sa loob ng sasakyan nito. Iyon na ang huling pagkakataong magkakasama sila. Siya ang tatapos ng lahat sa pagitan nila. Hindi siya maaaring magpatalo rito. Mabuti na lang at nalaman kaagad niya ang totoong motibo nito sa kanya. Nalaman niya ang totoong kulay ng mga katulad nito. After today, she would move on. She would try very hard to be whole again. She would soar so high. Hindi na siya mapaglalaruan uli. Pinigil niya ito nang paaandarin na sana nito ang sasakyan. Ayaw niyang lumayo pa sila. Doon na lang sila mag-uusap sa parking lot para madali siyang makakauwi pagkatapos. “Mag-usap muna tay

