HUMINGA nang malalim si Joshua pagpasok na pagpasok sa loob ng sasakyan niya. Hindi niya magawang buhayin ang makina dahil nanghihina siya. Nais na niyang umalis ng mansiyon ng kanyang lola ngunit bahagyang naninikip ang dibdib niya. Baka hindi rin siya makapagmaneho nang maayos. Magpapalipas muna siya ng ilang minuto roon. Hindi madali para sa kanya ang ginawang pagsisinungaling. Mahirap para sa kanyang sabihin sa kanyang lola na hindi niya mahal si Joy gayong ito ang babaeng pinakamamahal niya. Iyon lamang kasi ang naisip niyang paraan upang lubayan nito si Joy. Umupa siya ng isang tao upang alamin ang ginagawa ng kanyang lola. Nalaman niyang binayaran nito ang ilang taong pinagkakautangan ng pamilya ni Joy upang maningil. Alam niyang marami pang kayang gawin ang lola n

