NANLULUMO si Joy habang paalis ng accounting department ng kanilang unibersidad. Hindi na raw siya mapagbibigyan ng mga ito sa promissory note. Mula nang mag-aral siya sa unibersidad na iyon ay ganoon na siya palagi. Minsan ay hindi naman daw siya nakakabayad sa nakasaad na date sa note niya. Kailangan niyang mabayaran kahit na kalahati lamang ng tuition fee niya para makapag-exam siya. Dapat talaga ay makakabayad siya ngayon, kaya lang ay sinabi niya sa mga magulang na unahin munang bayaran ang tuition ng mga kapatid niya. Sinabi niya sa mga magulang na makakakuha pa siya ng promissory note para makapag-exam. Hindi niya alam ang gagawin ngayon. Kahit anong pakiusap niya ay ayaw na siyang pagbigyan. Hindi naman niya maaaring sabihin sa mga magulang ang lahat. Ala

