NAGULAT si Joy nang makita si Joshua sa labas ng classroom niya pagkatapos ng huling subject niya para sa araw na iyon. Bumibilis na naman ang t***k ng puso niya habang nakatingin rito. Ang ganda ng ngiti nito habang nakatingin sa kanya. Nag-aatubiling nilapitan niya ito. “Hi, honey!” masiglang bati ng lalaki. Napatingin tuloy sa kanila ang mga kaklase niya. Kinurot niya ito sa braso. “What?” angal nito. “You’re my girlfriend and I wanna call you ‘honey.’” “Manahimik ka. Para kang tanga. `Wag mo nga akong matawag-tawag na ‘honey’ o kahit anong corny na tawagan ng magsing-irog. Nakakasuka.” Iyon ang sinasabi ng bibig niya ngunit ang totoo ay masarap sa pandinig ang “honey.” Siyempre, hindi niya iyon maaaring aminin dito dahil mapapahiya lamang s

