“MUKHANG masaya ang panganay ko. Ang ganda ng ngiti kahit mag-isa lang.” Napapitlag si Joy nang may biglang magsalita. Nilingon niya ang ama na kagigising lamang. “Tatay,” bati niya. “Ang aga n’yo naman pong nagising.” Wala pang alas-kuwatro ng madaling-araw. Maaga siyang nagising dahil nag-review siya para sa exam mamaya. Gagawa rin siya ng banana chips na ibebenta niya sa araw na iyon. “Maigi na iyong maaga para makarami ako ng biyahe.” “Magpahinga naman kayo kahit sandali lang, `Tay.” Madalas na siyang mag-alala sa kalusugan nito. May mga gabi kasi na naririnig niyang madalas ang pag-ubo nito. Masyado na yata itong nabababad sa lansangan at nasasagap na ng mga baga nito ang lahat ng polusyon sa hangin sa Maynila. Napansin din niyang namamaya

