NAIINIS si Joy sa sarili dahil kinikilig siya habang nakatingin kay Joshua. Bakit ang guwapu-guwapo nito? Nagulat siya nang paglabas niya sa kanyang unang klase sa umaga ay nakita niya ito na nag-aabang na sa labas ng classroom. May bitbit itong isang bungkos ng rosas. Kaagad na nginitian siya nito nang makita siya. “Para sa `yo,” anito bago iniabot sa kanya ang dala. “Para saan `yan?” tanong niya. Hindi niya tinanggap ang ibinibigay nito. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang nararamdaman. “Monthsary natin. Come on, take it,” nakangiting sabi ni Joshua habang idinuduldol sa kanya ang mga bulaklak. Wala siyang nagawa kundi tanggapin iyon. Halos hindi niya namalayan, isang buwan na pala “sila.” Ang hirap paniwalaan. Dati, ang akala niya ay hindi s

