“ANO `YAN?” nagtatakang tanong ni Joy nang abutan siya ni Joshua ng isang maliit na brown envelope isang hapon. Sinundo siya ng binata sa unibersidad. Nasa sasakyan sila nito na nakaparada pa rin sa parking lot. Wala pa yata itong balak na umalis. “Suweldo ko sa buwan na ito. Ikaw na ang magbayad ng tuition fee mo. Naiilang kasi sa akin ang mga staff ng accounting department kapag naroon ako.” Laglag ang kanyang mga panga. Inihagis niya pabalik dito ang envelope na tila bigla siyang napaso. “Puwede ba, Joshua.” “What? Ano na naman ang ginawa ko? Ikaw na babae ka, hindi ko na alam ang gagawin ko sa `yo. Take this.” Pilit na inilagay ni Joshua sa kamay niya ang envelope. Nang hindi niya iyon kunin kahit na ano ang pilit nito ay inilagay nito ang e

